ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Monday, January 31, 2005

Backseat...

In my previous blogs, I promised that I'll write more about him in my next blogs.
Here it is.
Backseat.
Just the mere thought of him makes me shiver.
Again, just like Johan, I really can't explain what made me notice him, and eventually like him. Although--- his features are distinctively admirable--- his towering height, his voice, his built, his intelligence, his laughter, his smile, his jokes, his ways...I cannot single out a specific trait...
Because all those things about him---drives me crazy.
Well, I don't love him---yet.
But I really like him.
He gives me a reason to wake up so early every other day of the week.
I believed in destiny once more.
I dreamt about him. About us. Together. Happy. And every waking moment after those dreams was blissful. Those wonderful moments painted inside my mind made me hold on to what promised to be destiny.
Me and Backseat.
Destined for each other.
But then again---
Destiny failed me once again.
It figured that us being together will be trapped inside my mind and will never be realized.
No chance.
I'll miss your memories Backseat.
See you in my dreams...

Ang labo mo Lord...


dear Lord...

hay...mahal ko po kayo, no doubt about it. pasensya na po kung napagbutungan ko kayo ng sama ng loob. oh well, hindi naman talaga masama ang loob ko, siguro disappointed lang ako...pero okay pa rin, kasi feeling ko kasalanan ko rin naman.
ang labo N'yo po. sana po hindi N'yo na lang kami pinag-tagpo ulit. sana po hindi N'yo na lang hinayaan na magkagusto (kung gusto na nga po talaga) ako sa kanya. medyo matagal-tagal ko na rin po palang pinagdasal na sana bigyan N'yo kami ng chance. at kailan lang po ay humingi ako sa Inyo ng sign kung may pag-asa kami. in all fairness naman po sa Inyo, binigyan N'yo po ako ng sign...na nagsabi na wala kaming chance. pero ang tigas ng ulo ko e, na dahil may bago na namang nag-uugnay sa aming dalawa, binalewala ko ang sign na binigay N'yo. at ngayon...eto...parang kahit papano masakit na malamang wala pala talaga kaming pag-asa...
dati po, sabi ko, kuntento na ako na ganito--- na walang lovelife at hindi naghahanap o naghahangad na magkaroon. pero ipinakita po Ninyo s'ya sa akin, at kahit na hindi n'ya man sinasadya, o ginusto man, napapangiti n'ya ako at nabibigyan n'ya ng ibang kulay ang araw ko kahit ano pa mang kangaragan ang bumalandra sa harapan ko.
hindi ko po s'ya mahal. pero sana po binigyan N'yo man lang ako ng pagkakataong makilala s'ya...sana po binigyan N'yo kami ng chance...
minsan po, tinatanong ko sa sarili ko kung sinusubukan N'yo talaga ako. alam ko naman pong mahal Ninyo ako at wala Kayong hinangad kung hindi ang kasiyahan at kabutihan ko. minsan naiisip ko, makakasama ba sa akin ang pagkakaroon ng lovelife? hindi nga ba ito ang makapagpapasaya sa akin?
hahaha. nakakatawa po ako at nakakainis, no? napakaraming mas mabigat na problema ng iba pang tao, at heto ako, kinukwestiyon Kayo at namomroblema dahil sa isang mababaw na dahilan. pasensya na po. nagtatanong lang.
sana po Lord, dinggin N'yo na po ako. bigyan N'yo po kami ng chance ni Backseat...
...please?!?

Friday, January 28, 2005

Lovers in Paris, City of Angels...at si Backseat

Tapos na ang Lovers in Paris.
Hindi ko na nga pinanood yung mga huling episode nun kasi hihiramin ko yung vcd ng blockmate kong si Michelle at papanoorin ko s’ya ng buo.
Akala ko hindi ko maaabutan nung Thursday kasi gabi na ako umuwi. Pero pag-uwi ko, kakasimula lang pala. At pinapanood ng lahat ng tao sa bahay namin ultimo ng Papa ko.
Nanood na rin ako.
Nung may flashback moment na ng love story ni Vivian at Carlo, hindi ko namalayan na nalunod na ako sa pinapanood ko. Bigla akong napag-isip…
…si Vivian. Hindi naman s’ya kagandahan. Hindi rin naman s’ya ganoon katalino. Nakakatawa nga s’ya kasi ang weird n’ya. Nakakatawa s’ya, diba? Tapos hindi s’ya nakapag-aral, wala s’yang permanenteng trabaho…
…pero isang katulad ni Carlo ang nagkagusto at nagmahal sa kanya ng todo. As in. Mayaman. Filthy rich kumbaga. Matalino. Maraming great opportunities na dumarating. Gwapo. Cultured. Isipin mo nga naman, kayang talikuran ni Carlo lahat para kay Vivian…baliw na baliw s’ya kay Vivian.
Kaya naisip ko, anong nakita ni Carlo kay Vivian? Anong meron sa pagkatao ni Vivian at nakabingwit s’ya ng isang katulad ni Carlo?
Tinanong ko ‘yan sa kaibigan ko. At alam n’yo ba kung anong sinagot n’ya sa akin?
“Ang kahit sinong tao, ano man ang pagkatao n’ya, inilalapit ni God sa taong destined para sa kanya. At kahit ano pang pagkakaiba nila, kahit magkalayo sila sa ugali, sa kilos, sa status nila sa buhay, kapag sinabi ni God na destined kayo, kahit hindi kayo magkakilala, magtatagpo at magkakalapit rin kayo…”
Destiny. Na naman. Bakit lagi na lang kailangang iduldol sa mukha ko at sa utak ko ang konseptong ‘yan?!?
Pero sige…dahil fan ako ng Lovers in Paris---
Siguro nga totoo ang destiny. Kahit pa exaggerated ang pag-conceptualize ng karamihan ng mga telenovela o teleserye o chinovela rito, dahil nangyari kay Vivian at Carlo, maniniwala ako.
Bago ako makatulog, iniisip ko pa rin ang destiny. Naisip ko ang crush ko, na itago na lang natin sa pangalang Backseat. (Kung bakit Backseat?!? Next blog na lang) Naging classmates na kami dati pa sa isang subject. Naging crush pa nga s’ya nung kaibigan kong classmate ko rin sa subject na ‘yon, si Marla. Bwisit na bwisit ako kay Marla kasi lagi n’yang pinapansin at sinusubaybayan ang ginagawa ni Backseat, kahit saang lupalop pa ito ng classroom nakaupo. Kilig na kilig si Marla tuwing makikita namin. At para lang tumigil s’ya, oo na lang ako ng oo.
Pero sa totoo, hindi naman ako nagwapuhan. Matangkad, matipuno--- pero yun lang. Tsaka puro babae ang kasama sa klase. Bakla siguro sabi ko. Walang striking feature. Kaya buong sem, irrele (irrelevant) s’ya sa akin. Besides, may karir ako nang mga panahong ‘yon.
Fast forward---
One heartbreak after, nakita ko nalang si Backseat sa isa kong klase. For some reason, natuwa akong makita s’ya. Ewan ko kung bakit. Kakaibang feeling. Nakita ko na. Gwapo nga s’ya. Nakakatawa.
At simula noon, naging isa na s’ya sa mga dahilan kung bakit pinapasukan ko pa rin ang klase kong iyon despite sa mga obstructions (na next blog ko na ieexplain).
At ganoon na nga, naisip ko s’ya habang naisip ko ang destiny. Ang takbo ng mga pangyayari siguro ang dahilan kung bakit naiisip kong, hindi kaya destiny ko s’ya? O kaya may chance pala kami?
Ewan ko kung anong pwersa ang sumanib sa akin nang gabing ‘yon, pero nang magdasal ako, hindi ko naiwasang masambit…
“Lord, bigyan mo naman ako ng sign na may chance kami. Kapag na-invite at napapunta ko s’ya sa Destino bukas, may chance kami. Kung hindi…”

Sino nga ba kasing nag-imbento ng konsepto ng destiny? Nakakainis. Nakakasira ng buhay. Hindi nakakatuwa.
Tahimik akong nanonood ng City of Angels, ang pelikulang tampok ng Destino. Pagod na ako. Halos buong araw na kaming nag-ayos para sa event na ito. May exam pa ako kanina sa Math. Ang bigat na ng pakiramdam ko. Buti kamo busy ako, wala tuloy akong oras para magmukmok.
Nakakainis yung kwento. Isang angel, nagkagusto at nagmahal ng isang mortal. Tapos nung naging mortal na s’ya, halos isang araw lang silang nagkasama na pareho silang mortal. Namatay naman yung mahal n’ya at naiwan s’ya dito sa lupa.
Naiyak ako ng ilang beses. Nakakaawa naman kasi talaga. Niyakap ako ng orgmate kong si Ate Ken. Tumatawa naman si Ate Dane sa tabi ko. Ang lungkot kasi ng kwento sabi ko, ang mean ng nakaisip n’yan. Bakit pa sila pinagtagpo at pinagkilala kung hindi rin naman sila pwedeng magsama ng matagal? Pinahirapan lang sila ng pagkakataon. Sabay bulong sa akin ni Ate Dane…
“Ganyan talaga. Siguro hindi talaga sila destined para sa isa’t isa…”

Ang aga ko pa naman pumasok. Kahit na puyat ako nang nakaraang gabi, sinigurado kong maaga akong makakapasok para makapag-handa ako sa gagawin ko. Major step para sa akin ‘to. Kahit gaano kakapal ang mukha ko, hindi ko pa nagagawa ‘to sa buong buhay ko.
Wala namang mawawala sa akin, sabi ko sa sarili ko. Isa pa, mabuti na yung sinubukan ko tapos walang nangyari kesa naman habang-buhay ko na lang iniisip kung ano kaya ang posibleng nangyari kung may ginawa lang ako.
Kabado ako, pero masaya.
Bawat kabog ng dibdib ko, isang minuto ang dumaraan. Hindi ko na marinig at maintindihan ang sinasabi ng prof ko. Isinulat ko na at isinasaulo ng makailang beses ang mga sasabihin ko. Iimbitahin ko s’ya, at kailangan hindi halatang praktisado. Kunwari wala lang.
30 minutes na lang tapos na ang klase. Okay lang ‘yan lagi naman s’yang late dumarating.
20 minutes. Bwakanangshet. Hindi ito maaring mangyari. Ito na ba ang hinihingi kong sign, Lord?
10 minutes. Hindi. Hindi pwedeng mangyari ‘to. Bakit Mo ako hinayaang maniwala nang kahit ilang oras lang na may chance kami kung balak Mo rin pala akong biguin, Lord? Ang labo Mo.
5---4---3---2---1
Hindi s’ya pumasok.
Destiny?
Bullshit.

Ang lamig ng gabi. Buti na lang may jacket ako. Hahaha…jacket o walang jacket, nilalamig pa rin ako.
Tapos na ang Destino. Nakakatawang isipin na Destino pa, isang event na ang theme ay destiny, ang magiging witness sa pagkabuwag ng konsepto ko ng destiny.
Dumating man s’ya noong gabing ‘yon, wala na akong pakialam. Wala na akong pananalig sa konsepto ng destiny.
E hindi naman ako si Vivian e. At hindi naman chinovela ang buhay ko.

Sunday, January 23, 2005

puro kangaragan...

WAAAAAAAAAAH!!!!
DESTINO na!
kinakabahan ako. natatakot. at excited din.
unang destino ko ito!
MAGPOPRODUCTION na kame!
kinakabahan ako. natatakot. at excited din.
unang production ko ito!

KAYA NGA KAHIT NGARAG NA NGARAG NA AKO PARA SA DALAWANG BAGAY NA YAN, OKAY LANG. MASAYA NAMAN AKO SA GINAGAWA KO E.
kahit na kapalit nun, nawalan ako ng time para sa maraming bagay...
nung nakaraang linggo, para lang akong boarder sa bahay namin. pagka-gising, maliligo, magbibihis, aalis. buong araw mawawala. uuwi ng gabi, maliligo, haharap sa latop at mag-aaral hanggang madaling araw. tulog. tapos gising na ulit.
parang hindi na ako nakikita ng mga kapamilya ko.
kaya nga sa sobrang pagkamiss ko sa kanila, napaiyak na lang ako nung sabado. tapos bumawi ako ng bonding ngayong linggo.
masaya naman ako.
pero ngayon ko lang naisip na sobrang daming tao pala ang umaasa sa pagtatrabaho ko. blocmates ko, mga kaibigan ko, mga kasama ko sa simbahan, orgmates ko, pamilya ko.
na kahit gusto ko nang bitiwan lahat ng ginagawa ko at sabihing titigil na ako, hindi ko magawa dahil sa kanila.
hindi ko magawang mapagod. gawa lang ng gawa hangga't kaya.
pero alam n'yo, kanina ko lang naisip, napapagod na ako.
titigil na kaya ako?
hindi ko kaya.
masaya ako na ganito e.

Thursday, January 20, 2005

excited na akong pumasok bukas...

naku...ginaganahan na naman akong magsulat...
indikasyon na---
INSPIRED AKO!!!
inspired nga akong pumasok kahit 7 am ng umaga e...
seryoso...kahit wala akong tulog ng previous night, gigising ako ng maaga. at kahit na antok na antok pa ako, eeffort parin akong magpaganda kahit na para sa klaseng yun lang. nag-aaral ako, sinisipag gumawa ng assignment, recite ng recite...
dahil sa kanya.
omaygashpulgash...
meron na akong "kanya"...
kahit na late s'ya pumapasok...
kahit na hindi naman kami nag-uusap...
ramdam na ramdam ko s'ya.
WAAAAHHHHH!!!!
kinikilig ako...
kailangan ma-invite ko s'ya sa destino...
kailangan maging close na kami...
kailangan maging KAME...
ehehehe...
at sabi nga ni Vivian...
ADJA!!!

weird...

napepeste ako.
ang aking mga blockmates ay nagbabalak ng "girls night out".
in celebration daw ng valentines day.
bwakanangshet---
KAILANGAN BANG MAG-CELEBRATE NG VALENTINE'S DAY?
halerrr...
okay lang naman sa akin. wala na ako sa ngarag mode nang mga panahong 'yon. acads na lang ang iniintindi ko at that time. medyo magkakapanahon ako pagdating ng araw na 'yon.
pero...
...halerr ulit...
sabi ng blockmate ko, kaya daw kami lalabas e dahil pare-pareho naman daw kaming alang lovelife. naku, naisip ko na rin 'yan nung high school, sabi ko sa sarili ko. kasi nung high school, nagpaplano pa talaga kaming mga girls na walang date. at lumalabas pa kamo na naiinggit yung mga babaeng may date dahil mas marami kami at mas masaya. at syempre, sa loob ng bawat isa sa aming mga single, ang sarap ng feeling. parang reverse psych. dapat kami ang naiinggit sa mga may date, pero balgtad ang nangyayari.
pero halerrrrr again...
hindi ba sign of bitterness lang ang single's night out na 'yan? actually, ang whole "celebrate tayo ng araw ng mga puso kahit wala tayong kapuso" brouhaha na yan? kasi habang magkakasama kayong mga single, pipilitin n'yong isipin...
"tangina, mas masaya ang single! to hell with relationships! at least tayo walang problema...who needs a boyfriend/girlfriend anyway?!? mas masarap naman ata ang buhay single...let's drink to that mga mare!"
pero deep inside naman talaga...
"bwakanangshet...dapat wala ako dito sa single's night out n 'to e! kung may karir lang sana ako...ano bang maling nagawa ko?!? why do i feel so alone?!?"
HAAY!!!
kaya ang sabi ko sa blockmate ko, itulog nalang namin 'yang gabing yan...sus, para sa mga may kapuso, big event 'yan, pero para sa mga single, para naman walang masyadong bitterness...pwede naman hindi natin s'ya gawing sobrang big event. i-enjoy mo lang. batiin mo pa rin ang mga tao ng "happy valentines!"...mang-asar ka parin ng mga mag-un...pwede ka rin manood ng mga nagdedate...
...pero wag na wag ka nang magdrama, mare. wag ka nang ma-depress at mag-isip ng mag-isip. naisip mo bang kahit naman bago pa ang araw ng mga puso, single ka na naman, and you didn't make a big deal out of it noong mga raw na yun, so bakit mo s'ya poproblemahin ng isang araw na pwede namang lumipas na parang isang ordinaryong araw lang?!?
hindi ako nagpapaka-cynical. kaya lang aminin natin, napakarami pang komplikasyon kapag pinroblema mo pa ang araw na 'yan. at mas marami pang mabibigat na problema sa paligid kesa ang kawalan mo ng kapuso sa araw ng mga puso. e kung dedma ka lang, edi wala kang pinoproblema. mababawasan ng isang linya ang noo mo.
hehehe...
dami ko pang sinabi...
...wala lang talaga akong pera para gumimik...

Tuesday, January 18, 2005

Back to ngarag mode...

honestly...pagod na ako.
well---given na naman talaga na nakakapagod ang kangaragan sa maraming bagay...at nung una pa lang na nangangarag na ako, alam kong mapapagod talaga ako.
yun nga lang, minsan may mga pagkakataon talagang para bang wala ka nang choice kung hindi gawin ang isang bagay...kasabay ng marami pang bagay na kailangan mo ring gawin.
wala namang problema sa akin kung may mga bagay na kailangan ko nang isakripisyo dahil na rin sa ibang bagay na kailangang mas pagtuunan ng pansin. dahil gusto ko naman ang ginagawa ko. at kapag gusto ko ang isang bagay, okey lang sa akin kahit na pagpaguran ko 'to.
pero 'yun nga, nakakapagod nga talaga.
masaya kahit pagod---parang ang martir ng dating noh?

minsan nakakainis lang na ngarag ka na, pero yung ibang tao hindi ngarag. hindi naman sa naiinggit ka, pero kasi dapat katulong mo sila para hindi iisa lang sa inyo ang ngarag. kahit na dahil sa inis mo e ayaw mo nang gumawa at mangarag at gusto mo nang itigil ang ginagawa mo, hindi pwede dahil kapag pumalpak, apektado ka rin. kaya ang mangyayari, ikaw pa rin ang gagawa.
nakakainis pero okey na rin.
ang hirap lang minsan na hindi ko na maisip kung paano ang atake ko sa isang bagay. gaya ngayon, kailangan kong maging seryoso...pero kailangan rin namang hindi. gusto ko nang mag-impose sa ibang tao, dahil haler, feeling ko may karapatan naman ako dahil ilang araw na rin akong ngarag sa bagay na 'to, pero parang kailangan magmaka-awa pa ako sa mga tao para kumilos. parang utang na loob ko pa na may tumulong sa akin when in fact kailangan lahat kami talaga ay gagawa. tapos, sa isang banda naman, dahil nga lahat ng tao ay ngarag na, hinihugutan nila ako ng lakas o kahit ba patawanin ko na lang sila para lang gumaan yung loob nila.
mahirap. kasi ako man kailangan ko rin ng lakas. pero walang aalalay sa akin at wala akong mapag-huhugutan ng lakas. siguro si God. pero bukod sa kanya...wala na akong maisip. na para bang yung lakas na para sa akin na lang, kailangan ko pang i-share din sa iba na umaasa sa akin.
kaya parang mas nakakapagod.
minsan nga, kahit pag-ngiti, kinakatamaran ko na.
kasi mejo napapagod na ako.
honestly.

Sunday, January 16, 2005

bakit nga ba ang saya ko ngayon?!?

masaya ako...
  • kahit isang linggo na akong puyat
  • kahit dumarami na naman ang pimples ko dahil sa puyat
  • kahit takot at kinakabahan ako para sa midterms ko sa Comm 140
  • kahit ngarag na ngarag na ako sa pag-aayos ng event sa org
  • kahit ngarag ako sa kakaayos ng schedule ko
  • kahit hindi ko pa rin alam kung natanggap ako sa trabaho
  • kahit wala akong pera
  • kahit hindi pa kami nag-uusap ng crush ko
  • kahit hindi pa nagbebreak yung isa ko pang crush at yung girlfriend nya
  • kahit kinakabahan ako dahil hindi ko pa gets masyado ang gagawin sa prod sa BC 101
  • kahit hindi ko magawang magsimba araw-araw dahil sa dami ng ginagawa
  • kahit nawawalan na ako ng time for myself and time for relaxation
  • kahit wala akong lovelife
  • kahit wala akong time magka-lovelife
  • kahit marami na akong mga friends na hindi nakikita

...basta masaya ako...

Tuesday, January 11, 2005

St. Diane?!?

Nakakainis.
Sabi ko sa sarili ko, magsisimba na ako araw-araw. Alam kong aarko ang kilay ng aking mga kakilala, pero isa itong desisyon na balak kong panindigan. Nakakatawa kasi kapag sinabi ko sa mga tao na, “Hindi ako pwede mamaya kasi magsisimba ako” o kaya naman e “Uuwi na ako kasi magsisimba pa ako”, hindi ko maipinta ang mga mukha nila--- hindi naman sila galit, para bang gulat at medyo pilit na pinipigil ang pagtawa. Kadalasan, itinatanong nila sa akin, “Bakit? Anong meron? Ano namang nakain mo? Anong klaseng resolution ‘yan?”
Nakakainis.
‘Yan ang dahilan. Napakarami na kasing bagay sa mundong ‘to ang nakakainis--- napakarami nang bagay sa mundo ko ang nakakainis.
Ayokong naiinis sa isang kaibigan, lalo na kung sobrang close n’ya sa akin. Gaya nang ayoko rin na mayroong naiinis sa akin, ayoko rin yung pakiramdam ng may kinaiinisan. May pagka-salbahe rin naman ako, pero hindi naman ako nananalbahe ng kaibigan. Iba ang impact ng friendship sa akin e. Pero paano kung trabaho na ang pinag-uusapan? Paano kung nabibitin ang isang mahalagang bagay o trabaho na yun nga, mahalaga sa’yo, dahil sa kanya? Paano kung pilit mo s’yang iniintindi, pero para bang ikaw hindi n’ya man lang sinusubukang intindihin?
Naiinis ako kasi naiinis ako sa kaibigan ko. Ayokong mainis sa kanya. Kahit pa sabihin na may dahilan naman talaga para mainis ako, ayoko pa rin. At lalo akong naiinis kasi may tanong na nagpupumilit lumitaw sa pagkakataong ito? Anong mas mahalaga sa’yo, friendship o mataas na grade?!?
Kaya nagsimba na lang ako.
Naiinis din ako sa pagkakataon. Bakit ba ganoon, kung kelan hindi mo na hinihingi ang isang bagay, kung kelan hindi mo na ito gusto, tsaka ito biglang darating sa’yo? Bakit kung kelan hindi mo inaasahan, tsaka dumarating at isang malaking gulatan na lamang ang magaganap? Pero kapag hiniling mo ang isang bagay, pagod ka na sa kakahintay, hindi pa rin nagiging malinaw kung ibibigay ba sa’y ito o hindi. Bakit kung kailan kampante ka na at tanggap mo na ang mga pangyayari, bigla ka na lamang wiwindangin dahil bubulaga ulit ang pagkakataon sa harapan mo?!?
Isinimba ko na lang ang mga tanong na ito.
Naiinis ako dahil hanggang ngayon, wala pang kalinawan kung natanggap ako sa trabaho. Ito talaga yung trabahong nasabi kong gusto ko talagang gawin. Pero hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung tanggap ako o hindi. At ang pinakanakakainis, kung hindi man nakakainip ay ang paghihintay. Aba, nagi-invest ka rin naman ng iba’t ibang emosyon habang naghihintay, diba?
Nagsimba na lang ako habang naghihintay.
Nakakainis dahil patung-patong ang kailangan kong gawin. Sa org, sa simbahan, sa bahay, at syempre sa acads. Nakakainis dahil hindi ako makapagreklamo dahil pinili ko ‘to. At nakakainis na nakikita ko ang sarili ko na aligaga sa kaka-asikaso sa lahat ng kailangan kong gawin. Hindi ko magawang tumigil dahil nga gusto ko ang ginagawa ko. Naiinis ako dahil masaya ako na marami akong ginagawa. Naiinis ako dahil nakakayanan kong hindi indahin ang pagod at kangaragan.
Kaya diretso na lang ako sa simbahan pagkatapos ng lahat ng gawain sa isang buong araw.
Ilan lang ‘yan sa mga bagay na kinaiinisan ko.
Ilan lang ‘yan sa mga dahilan kung bakit naisip kong magsimba na araw-araw.
Nagsisimba ako para tulungan Niya akong hindi na mainis…para rin maging malinaw sa akin ang lahat…para matutunan kong matanggap ang mga bagay na ibinabato ng pagkakataon…para bigyan pa Niya ako ng mas mahabang pasensya sa paghihintay… para rin makahugot ako ng lakas na malampasan at matapos ang mga bagay na kailangan kong gawin--- at para sa pagtatapos ng isang araw, sa Kanya ako makakahugot ng pahinga na papawi sa lahat ng pagod, galit, kaguluhan at inis sa loob ko.
Hindi ako santa. At hindi ako nagpapaka-santa. Nagkakasala pa rin ako.
Sa pinakamababaw na paliwanag, maari kong sabihing kaya ako bumabaling sa Kanya ay dahil wala akong boyfriend na pagbabalingan. Pero maiisip mong kahit sinong lalaki, hindi kayang tumbasan ang kasiyahan at gaan ng loob na maibibigay Niya sa atin.
Hindi ko rin kayo pinipilit na maniwala. Wala lang. Sinabi ko lang.
Pero kung iisipin---
Maganda rin naman pakinggan ang St. Diane, diba?
Hehe.
Nakakainis.

Sunday, January 09, 2005

Haay...

Naku...alam n'yo na kapag naririnig na sa akin ang buntong hininga na 'yan...
Sige...tanungin n'yo ko...
Dali...
In- love ba ako?!?
Hehehe...
Hindi naman. Nagka-crush lang ako ulit. At parang nagiging malinaw ang aming connection. Nakakatuwa.
Pero---
Kasi naman, hearthrob na naman ito. Parang ayoko. Oo--- kasi hearthrob e. Ang dami mong kahati--- actually more of kaagaw. Nakakatakot din kasi ang description sa kanya: PERFECT GUY. Sabi ng mga friends n'ya, bukod sa cute at gwapo s'ya, matalino, inclined sa sports, mabait, gentleman, kwela kasama, masarap kausap...OMIGOSH!
Nakakatakot.
Isa pa, classmate ko lang naman s'ya sa isa sa mga subjects ko. Parehong demanding ang course namin. Alam n'yo yun, medyo haggard kasi kailangan mag-exert ako ng onti pang effort kung bet ko talaga s'ya. Pero yun nga, iniisip ko pa kung worth it kasi baka mamaya walang mangyari ngayong sem na 'to, hindi naman kami maging close, sayang lang ang na-invest na emotions, diba?
Pero in fairness, naging classmate ko na s'ya nung first year. Astig nga e. Naisip ko tuloy, DESTINY kaya ito?!? hehehe...
Haay...
Napanaginipan ko s'ya.
Ano kayang ibig sabihin nun?!?
Ayan na naman...nag-iisip na naman ako...
Stop me.
Haay...
...cute n'ya...
...onga pala...before ko makalimutan...
...hindi si marco ang tinutukoy ko dito...

Thursday, January 06, 2005

Pasaway!

MARCO--- iyan ang pangalan ng aking bagong crush.

Ewan ko ba, aligaga na naman ako nang nalaman kong basketball player din pala s'ya. Iba talaga ang dating sa akin ng mga basketball player...
Tapos sobrang nung narinig ko s'ya at nakita ko magsalita---BWAKANANGSHET---lalaking-lalaki...makalaglag panty ika nga nila...
Pero ewan ko rin, parang he doesn't register the same kilig factor gaya nung kay Johan, siguro kasi 'di ko pa naman s'ya nakikita sa personal. In flesh.
Haay...naalala ko na naman si Johan...

BWAKANANGSHET!

Lalaki na naman ang topic ko.

Stop me. Tigilan ako.

I'm Single...and i love it. Yan dapat ang matra ko...

Yep. That's right. Tama na.

Ngayon...

Pa'no ko kaya kakaibiganin yung crush ko na ka-grupo ko?!?

Pasaway.

Speaking of pasaway--- pasaway 'tong e-mail ko. Ang bagal. hindi ko tuloy ma-sense kung nasend ko na ng tama yung bio data ko. important yun ha. nakisabay pa ang bwakanangshet na fiscal crisis. Bwakanangshet, said na sain na ang katas ng pasko. Ala na kong kaching. Pasaway. Tapos nakisabay pa ang kung anu-anong haggard na kabayaran at ka-solicitation-nan sa org. Saan kaya ako magho-holdap para magkapera naman? At talagang may lakas ng loob pa akong gumimik sa Sabado. Pasaway talaga. E kung may boyfriend lang sana ako, 'di may sasagot ng pang-gimik ko. Hehehe...Ooops! Sinabi nang bawal boy talk e. Pasaway talaga. Haay...

Sabi pala ni Mama bawal na ako magpuyat.

Pasaway.

Tuesday, January 04, 2005

news...news...news...

Aligaga na naman ako.
Andaming pasulpot-sulpot na mga pangyayari, mga balita, mga kung anu-anong mga nakaka-aligagang mga bagay...
  • nung isang gabi, nakita ko na ang picture na hindi ko inaasahang makita...picture ni johan at girlfriend n'ya. well... akala ko kasi wala na s'yang epekto sa akin, pero for some reason, naapektuhan ako kahit onti...pero keri ko na rin...it's something out of my control kaya smile na lang ako...
  • natuloy na ang application ko sa isang magazine. sana matanggap ako.
  • hehehe...nakagawa na ako ng way para makilala ko ang crush ko sa isa kong class. ito ay isang bagay na aabangan ko...abangan n'yo rin...
  • may bago akong crush...si marco alcaraz!
  • masaya ako ngayon. in fairness sa akin...single pero masaya...

in short...daming nangyayari. nakakatakot. pero exciting rin.

minsan pala, masarap maging aligaga.