ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Friday, December 31, 2004

Happy NEW Year mga friends!

Bwakanangshet na New Year ‘to.
Wala pa rin akong maramdaman.
Lord naman…keri ko na yung maging cynical ng onti, pero sa lovelife lang yun…bakit kasi parang ginawa n’yo na akong indifferent sa lahat ng bagay. Wala namang ganyanan…
Almost 360-degree turn ang nangyari sa akin. Grabe. Kahit ako nagugulat minsan sa sarili ko. From somebody so much manipulated by her emotions and by the judgement of other people to somebody, who I think, is more compos mentis (anong termino ba ito?).
Well, grabe rin naman kasi ang 2004 para sa akin. Ang dami kong kagagahang ginawa at ang dami ring kagagahan ang nangyari sa akin.
I fell in love…
…then got broken-hearted…
…I eventually got over it…
…but somehow, because of that experience, I got so obsessed in looking for love and finding somebody to love and somebody to love me (which, as I look back, is so foolish of me)…
…and when I realized how insane I’ve become because of that obsession, I stopped. And changed.
And here I am now--- I don’t even have the time and energy to think about falling in love and finding prospects.
One time, kinamusta ako ng friend ko. In 2004, witness s’ya sa lahat ng kagagahan ko over that “love brouhaha”. Every time there’s a new prospect, he would always be one of the first people to know. S’ya ang kausap ko kapag nagde-daydream ako, kapag may kilig moments…basta kapag connected sa lovelife at sa mga lalaki, isa s’ya sa mga unang taong kinakusap ko. Eventually, we both got so busy kaya nawalan kami ng time pareho na magkwentuhan.
Tapos yun nga, kinamusta n’ya ako.
Kamusta ka naman?
Eto, buhay pa rin. Busy. Pero okay naman.
Kamusta naman ang lovelife? Ang mga boys?
(Buntong hininga) Wala. Nada. Zero. Walang time e.
Weh…ikaw pa! Hindi nga…asus…’wag mo kong dramahan ng ganyan ha!
Hindi. Seryoso. In all fairness, kung hindi mo pa tinanong sa’kin, hindi ko maiisip. Andami kong ginagawa at iniintindi ngayon e. Wala talagang time. Well, sana ‘wag munang dumating ‘yang lovelife na ‘yan ngayon…andami ko pang ginagawa talaga e.
Huwaw.
Pati ako nagulat sa sinabi ko.
At isang aspect lang ‘yan ha. Hindi pa kasama ang mga changes na nabanggit ko na sa previous blogs ko.
Kaya parang isang malaking gulatan itong New Year na ‘to. Walang emotional moment na naganap…walang reminiscing…walang pag-iisip at pagfo-formulate ng resolutions…
…umupo ako sa harap ng laptop ko, sinimulang gawin ang bio data na isu-submit ko sa ina-applyan kong magazine. Pagkatapos, kinuha ko ang planner ko at inayos ang schedule ko sa darating na mga linggo at tinignan kung ano ang mga kailangan kong tapusing schoolwork para sa pasukan. Nagdasal ako pagkatapos, humiga, at nagbasa ng “Smaller and Smaller Circles” hanggang antukin ako…
Bwakanangshet. Hanep talaga. Ibang-iba na.
Nakakatawa. Nakakagulat.
Ang saya.
Talagang…Happy NEW Year na ito mga friends!

Hebigat!

Ano ba talagang meron sa New Year at halos lahat ng mga tao ay napapa-reminisce?
Ayan tuloy, kahit ayoko dahil ang korni, parang dinidiktahan talaga ako ng fate para magsulat. At hanep ha, hindi ako makapili kung tungkol saan ang una kong isusulat dahil napakaraming biglang pumasok sa utak ko para isulat.
Minsan may itinanong sa akin ang kabarkada kong si Nicole. Nasabi ko daw sa kanya dati na meron akong mga bagay na gustong baguhin sa sarili ko, at pipilitin ko ngang baguhin ang mga ‘yon. Kaya tinanong niya sa akin kung naramdaman ko raw bang may nagbago sa akin dahil s’ya, napansin n’yang meron. Nasagot ko naman ang tanong n’ya, but after our talk, I kept thinking about her question and I started asking myself---
“Nagbago nga ba ako?”
Para sa akin, napaka-crucial ng tanong na ‘yan. Kasi ang dami pa n’yang kasunod na mga tanong at clarifications: Malaki ba ang pinagbago ko, nakabuti ba ‘to para sa akin o hindi, gusto ko ba ang mga pagbabagong ito, kapansin-pansin ba sa ibang tao na nagbago ako…
Napakaraming tanong, diba?
Kaya nga ba isang araw, kahit napakatagal ko nang hindi nagmo-“moment”, nag-lock muna ako sa loob ng kwarto at nag-isip. Inisip kong mabuti ang sagot sa tanong ni Nicole. (Grabe ka Nicole, pinag-isip mo ko ng todo!)
At ito ang mga naisip ko…
Ooops! Bago ko I-share sa inyo, pagpapasensyahan n’yo na ang language, medyo Taglish kasi ang lenggwahe ng utak ko…pasensya…
I’ve learned to live by the principle of trade-offs. Dati, naa-astigan lang ako kay Ma’am Kate nung sinabi n’ya sa amin na “Life is full of trade-offs” pero hindi ko napansin na it has already brought about change, quite a big change actually, in the way I live and see life. Para sa’kin, simple lang naman ang ibig sabihin ng principle na ‘yan e. Lahat ng bagay sa buhay natin, lahat ng events, especially mga choices na ginagawa natin, may trade-off.
Kapag may magandang nangyayari sa buhay mo, don’t take it for granted. Enjoy every single moment of it and appreciate it, kasi baka hindi maganda ang trade-off n’yan. At least, kung na-enjoy mo at na-appreciate ang magandang moment na ‘yon, you have a good memory to see you through the bad trade-off after. Mapapangiti ka pa rin.
Kapag naman hindi maganda ang nangyari sa’yo, you shouldn’t be disheartened. Instead, you should be hopeful. Hopeful that a beautiful trade-off will come after. Kung hindi man okay ang nangyari, still, learn to appreciate it and try to learn something from it, something that you’ll also remember while enjoying the good trade-off that comes after.
Pero, mas applicable ang principle na ito in making choices. This principle made me realize how important it is to really take time to think about the choices we make--- because the possibilities of having “win-win situations” are super small, near impossible actually. Making choices--- it’s more of a make or break situation. Because whatever your choice is, paniguradong may trade-off yan. And just as you have to stand for your choices, you also have to accept and live by the trade-offs that follow.
Madaling sabihin. Mahirap gawin.
Totoo yan. But I am proud to say that living by that principle is one of the greatest changes that happened to me. Ultimo pagpasok sa klase, pagka-cut, paglakwatsa, pag-uwi--- dati bara-bara akong mag-isip. Ngayon, kailangan paggising ko sa umaga, o kahit bago pa kamo ako matulog sa gabi, pag-iisipan kong mabuti ang mga dapat kong gawin. I’ve realized na napakarami ko na palang nagawang mali at hindi maganda in the past na alam kong nireregret o ireregret ko pa dahil hindi ko pinag-isipang mabuti ang mga pinili kong choices.
Napansin ko rin, na kung gaano na katindi ang effort na ine-exert ko para mag-isip tungkol sa mga choices na gagawin ko, nabawasan naman ang pag-iisip ko ng kung anu-ano lang--- in short, nabawasan ang pagka-praning ko. Naisip ko lang isang araw na masyado akong nagpapagod at nagsasayang ng oras sa kakaisip ng mga bagay-bagay, gaya nang kung bakit wala pa akong boyfriend, kung bakit nangyayari ang mga nangyayari sa akin, ano kayang ibig sabihin ng mga bagay-bagay na nakikita, naririnig, nararamdaman ko--- at kung anu-ano pang ka-praningan. Narealize ko na ako ang nagpapahirap sa buhay ko dahil sa kaiisip ko sa mga bagay na ‘yan. Kapag may nangyari sa akin, maganda man o hindi, hindi ko na naa-appreciate o nakukuha ang mga dapat matutunan dahil sa kakaisip ko sa purpose at ibig sabihin nito. Nasasayang lang ang oras ko.
At kasama na rin sa pag-iisip na ‘to ay yung pag-iisip ko sa sasabihin ng ibang tao sa akin. Na-realize ko na ngayon na nabubuhay ako unang-una para sa sarili ko at para maayos ko ang sarili ko para maging kapaki-pakinabang ako sa ibang tao. Hindi ako nabubuhay sa dikta ng ibang tao sa akin, at kaya ko palang gawin yung mga gusto ko, que se jodang pagtawanan at laitin ako ng ibang tao. Hindi ko dapat isipin ang sasabihin ng ibang tao, at hindi ko dapat ihulma ang sarili ko sa kung paano nila ako makita. Dapat ipakita ko ang sarili ko sa paraang gusto kong makita, matanggap at mahalin ako ng ibang tao. Basta ang importante, mahal ko ang sarili ko, masaya ako, at wala akong nasasaktan.
In short, walang pakialamanan.
Ang hirap. Dahil napakatagal kong may pakialam. Ang tagal ko ring hinayaang pakialaman ako. Pero siguro dumarating din talaga sa puntong nagbabago ang isang tao.
Maraming bagay ang matagal ko nang hindi nagagawa simula noong nagbago ako. Hindi na ako nalalasing. Naniniwala kasi ako, kahit noon pa, na kailangang may dahilan ang isang tao para malasing. Kung wala, nahihilo lang s’ya, pero hindi s’ya nalalasing.
Kung prangka na ako dati, mas naging prangka ako ngayon. Mas nasasabi ko na kung ano ang nasa loob ko, kung ano ang gusto ko, kung ano ang opinyon ko.
Mas naging malaya akong kumilos. Kahit manumit at magsalita. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin ng iba. Basta a wala akong nasasaktang tao.
Pero ang pinakamahalagang pagbabago para sa akin ay ang pagiging open ko tungkol sa matinding pagmamahal at pananalig ko sa Kanya. Naibubukas ko na sa ibang tao kung gaano ka-intimate ang relationship ko kay God, kung gaano katindi ang paniniwala ko sa Kanya at sa pagmamahal Niya sa akin.
Ang bigat ng isinulat ko, noh? Ang korni pa.

Pero totoo lahat ‘yan.

Wednesday, December 29, 2004

Hay mga friends…alam n’yo naman busy ang inyong lola the past months…tapos fiscal crisis pa…wala na po akong time not to mention sobrang daming pera para mabigyan kayong lahat ng gift. Kaya sana ma-appreciate n’yo itong gift na naisip kong gawin out of something I really love doing (yung pagsusulat). Merry Christmas to all! Mahal ko Kayong lahat!

Hindi ko maramdaman na Pasko.
Hindi ako nagpapaka-cynical ala Mr. Scrooge. Hindi rin ako nagpapapansin. Hindi ko rin naman sinasabing iparamdam at ipamukha n’yo sa akin na Pasko na nga. Higit sa lahat, hindi rin naman ako nagpaparinig na kulang pa ang mga natanggap kong regalo (ehem ehem ehem).
Basta.
Hindi ko maramdaman na Pasko na pala.
Siguro kasi nawalan na ako ng oras para mag-“moment” at talaga namang ma-absorb ko na Pasko na nga. Siguro kasi ang pagka-caroling sa akin ngayong taong ito ay nangangahulugang magkakapera ang org ko para sa mga projects namin. Siguro kasi ang puto bumbong at bibingka ay naging regular na agahan na lang na iniuuwi ni Mama tuwing Biyernes pagkatapos magsimba sa Quiapo. Siguro kasi ang pamimili ng bagong damit ay naging normal na lamang na ginagawa ko kapag school break para may maisusuot ako sa pagpasok sa school. Siguro kasi ang Christmas break ay naging isang panahon para magawa ko ang mga projects at homeworks ko at makabawi na rin ng tulog. Siguro kasi ang Simbang Gabi ay naging isang responsibilidad para sa akin na simbahan dahil kinakailangan kong mag-serve.
Kaya siguro hindi ko maramdaman na Pasko na.
Pero ngayon ko lang naisip--- as in ngayon lang talaga, na para bang dapat sumigaw ako ng “Eureka!” pero hindi ko gagawin dahil magmumukha akong tanga kaya hindi ko a lang sinigaw at pinalo ko na lang ang kapatid ko sa tabi kong wala namang kamalay-malay…
Kayo, oo kayo nga…kayo ang may kasalanan kung bakit hindi ko maramdaman na Pasko na.
Kayo--- kayong mga kaibigan, kaklase at kasama ko halos araw-araw. Makonsyensya naman kayo! Dahil sa inyo, hindi ko maramdaman na Pasko na. Ano bang ginawa ko sa inyo para gawin n’yo sa akin ang ganitong kahindik-hindik na bagay?!?
Unahin ko na ang barkada ko--- ang Click (para sa mga hindi nakakaalam, hindi kami ang nagbigay ng pangalan na ‘yan sa bakada namin, mga detractors at pati narin mga supporters namin). Hindi ko akalain na mapapanatili natin ang friendship natin ng ganito katagal. Lahat kasi tayo busy, iba-iba na ang schedule, pero para bang pagkatapos ng Fontana outing natin (astig ba kami or what?), mas napatunayan natin kung gaano natin kamahal at mamahalin pa ang barkada, at kung gaano tayo ka-willing mag-exert ng effort para magkasama-sama pa rin tayo. Akala ko tuluyan na tayong mawawalang ng communication, pero sa palagay ko, mas naging bonded and open na tayo sa isa’t isa--- yun bang hindi naman natin kailangang magkita araw-araw, pero alam natin sa mga sarili natin na andyan parin tayo para sa isa’t isa--- kahit ba text o tawag o kahit simpleng beso at hug lang.
Ang “forever exists between us” na grupo--- ako, si Earvin, si Abi, si JC at si Kaye. Sabay-sabay tayong bumuo ng mga pangarap na gusto nating mangyari sa mga buhay natin: matino at tahimik na lovelife, o basta kahit walang lovelife basta tahimik na buhay, matino at successful na source of income at magandang academic performance. Ngayong taong ‘to, pinilit nating matupad lahat ng ‘yan, at masaya naman ako na unti-unti na nating natutupad ang mga pangarap na ‘yan. Kahit ba hindi na tayo madalas magkasama at mag-usap, kahit nga magkita pa kamo, alam ko namang masaya tayo sa mga nangyayari sa mga buhay natin ngayon.
Nandyan din ang mga blockmates ko. Sila ang mga kasama ko halos araw-araw--- sa klase, sa org, sa kainan, sa kalokohan…practically sa lahat halos ng pinagkakaabalahan ko sa school. Madalang kong makita ang Click at ang iba ko pang kaibigan, pero hindi ako nalulungkot nandyan ang blockmates ko. Kahit anong tulong, kahit anong oras, kahit saang lugar, nandyan sila para sa akin. Noong una, ayaw na ayaw kong magpunta ng CMC dahil wala naman akong makakasama at makakausap doon. Natatakot rin akong magkaroon ng major subjects dahil baka lamunin lang nila ako ng buhay. Pero dahil na rin sa kanila, isa na akong opisyal na tambay ng maskom. Ilang taon parin ang sama-sama naming bubunuin bago grumaduate, pero hindi na ako natatakot dahil alam kong magiging masaya ‘yon dahil kasama ko sila.
Syempre, nabanggit ko na rin lang ang org, maari ko ba namang kalimutan ang guilders? Sila ang pamilya ko sa UP. Simula noong naging opisyal na guilder na ako, walang araw na hindi naging masaya at makabuluhan. Dahil na rin siguro sa tulong ng org, nagkaroon ako ng identity--- isang bagay na sa palagay ko, mahirap makuha sa isang diverse na community tulad ng UP. Pero higit sa lahat, ang guilders ang tumulong sa akin upang mas makilala ko ang aking sarili at ang mga bagay na kaya kong gawin. Sila ang tumulong upang maibalik ko ang tiwala ko sa sarili ko.
Last but not the least, ang aking mga kaibigan sa PMIC. Hindi ko naman maaring sabihing LCCG (mga lectors) lang, dahil halos naman lahat ng mga kasama ko sa service sa PMIC, kaibigan ko--- mapa-Sacristan, Choir at kahit mga parishioners din. Kahit nga si Fr. Jojo ay pare ko din. Spiritual support group ko itong mga ito. Bukod sa will and sincere dedication ko talaga para magsilbi sa simbahan, at syempre sa faith and love ko kay God, ang mga taong ito ang mga motivation ko para ganahan akong magsilbi. Hindi ko lang kasi sila mga co-servers kay God, mga totoong tao at mga tunay na kaibigan ko pa sila.
Hindi ko kayo mga kamag-anak. Hindi ko kayo mga kadugo. Pero pamilya ang turing ninyo sa akin na para bang nakakataba ng puso na hindi lang sina Mama, Papa, Richal at Shara ang pamilya ko. Ang dami kong kapuso’t kapamilya. (plugging?!?)
Kayo, oo kayo nga…kayong lahat ang may kasalanan kung bakit hindi ko maramdaman na Pasko na.
Bakit?
Dahil wala na akong makitang difference. Tuwing Pasko, dapat masaya. Dapat makabuluhan rin ang araw na ito para sa’yo. Sa araw na ito, dapat punong-puno ng pagmamahal at pag-asa ang iyon puso.
Basta, dapat kapag Pasko, masaya ka.
Pero dahil sa inyo, araw-araw akong masaya. Araw-araw ring nagiging makabuluhan ang buhay ko. Dahil sa inyo, dahil nandyan kayo para sa akin, siksik, liglig at umaapaw ang pagmamahal at pag-asa sa puso ko.
Hindi ko na tuloy maramdaman na Pasko.
Kasi dahil sa inyo, parang araw-araw Pasko na.
Naku…
Touch naman kayo?!?

WALA!

Wala.
Tulala ng ilang minuto.
Tapos---
Wala.
Seryoso.
Siguro nga pangit at masama na wala akong reaksyon--- edi masama na kung masama. Pangit na kung pangit. Anong magagawa ko kung wala talaga?
Mag-iisang linggo na mula nang malaman kong wala na si Jacket guy. Oops--- buhay pa s’ya, pero hindi na s’ya nag-aaral sa UP. Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit, dahil wala ako sa posisyon para ikuwento kung anong nangyari. Sinabi lang rin kasi sa akin ng kaibigan ko. Pero yun nga, wala na nga s’ya, at mukhang malabo na makita pa namin s’ya.
Sa pagkakaalala ko, nakatanggap pa ako ng text message mula sa kanya nang magsimula ang 2nd sem.
“…I will never forget you because you are one of the greatest souls that has touched my life…”
Naks. Drama.
Number lang ang lumabas kaya itinanong ko kung sino s’ya. At nang malaman ko na si Jacket guy yun, hindi na ako nag-abalang magreply. Natawa at nainis ako sa kanya dahil bigla na lang nagparamdam. Kakabalita rin lang kasi sa akin na kakahiwalay lang nila ni Mahiwagang Elesi kaya naisip ko na nanggagago lang s’ya nang mga panahong ‘yan. Baka bumabawi lang. Kaya hindi ako nag-reply.
Kung alam ko lang na maaring iyon na pala ang huling posibilidad na makausap ko s’ya, ‘di sana kinamusta ko man lang s’ya. Pero gaya nga ng kasabihan, nasa huli na ang pagsisisi.
Hindi naman ako nagulat nang malaman ko ang nangyari sa kanya. Madalas ko naman din kasing nakakasalubong ang mga kaibigan n’ya at minsan nga, nagtaka ako kung bakit hindi ko na s’ya nakikitang kasama nila. Nang minsang hinanap s’ya sa akin ng isang kaibigan, nagbiro pa kamo ako na baka hindi na s’ya nag-aaral sa UP.
Kaya nang malaman ko, natulala ako.
Tama pala ang biro ko.
Halos lahat ng kaibigan namin nalungkot at naawa nang malaman ang nangyari sa kanya. Ang iba’y nanlumo. Pero isa lang ang sinasabi nila---
“Alam mo kung hindi nangyari sa inyo yun, malamang nahatak mo pa ‘yon at napatino…”
Siguro nga. Pero maari rin namang hindi.
At nainis pa kamo ang karamihan sa kanila nang mapansin nilang parang balewala lang sa akin ang lahat. Na habang silang lahat ay nalulungkot at naawa, ako nama’y naiinis dahil hindi ko masagutan ang homework ko sa Math. Na habang pinag-iisipan nila kung bakit nangyari kay Jacket guy iyon, ako nama’y nag-iisip kung saan ko mabibili ang magazine na isang linggo ko nang hinahanap.
Para raw wala kaming pinagsamahan. Anong klaseng kaibigan raw ako.
Wala. Iyan ang pinaka-eksaktong paglalarawan sa naramdaman ko. Hindi naman ako ganoon kasama para maging masaya sa nangyari sa kanya. Nakakalungkot din naman kahit papaano. Pero hindi ako nakaramdam ng kahit katiting na awa sa kanya.
Masama mang ituring, pero iyon talaga ang totoo.
Kilala ko si Jacket guy. Dati, lagi n’yang iniyayabang sa akin ang mga bagay na kaya n’yang gawin. Kaya nga ba’t kahit maikli lamang ang panahon na nakasama ko s’ya, kayang-kaya kong sabihing matalino s’ya at talentado. Totoo yon.
Pero, tayo ang may hawak ng buhay natin. At tanging tayo lamang ang maaring magdesisyon sa kung anong gagawin natin dito. Nasa atin na rin ang pasya kung paano natin gagamitin ang talino at talentong ipinagkaloob sa atin.
Nasa kanya ang desisyon kung aayusin n’ya ang buhay n’ya o hindi. Wala sa akin o kanino man. Sa palagay ko, ang dapat lang kaawaan ay ang mga taong bobo na talaga noong ipinanganak, o ‘di kaya’y alam mong wala talagang kapasidad para paituwid ang buhay n’ya. Pero kung isang taong malakas at matalino ang pinag-uusapan, gaya ni Jacket guy, at hinayaan n’yang magkanda leche-leche ang buhay n’ya, hindi s’ya dapat kaawaan. Desisyon n’ya ‘yon. Kailangan handa s’yang harapin ‘yun.
Lagi kong sinasabi na lahat ng bagay sa buhay natin, lahat ng desisyon na ginagawa natin ay may kapalit--- o trade-off. Ang kagandahan lang siguro ng pananalig ko sa kasabihang ito ay mas madali kong natatanggap ang mga nangyayari sa buhay ko---- maganda man o hindi.Kapag may magandang nangyayari sa buhay ko, natatanggap kong maaring hindi ito magtagal, kaya nilulubos ko. Kapag naman hindi masyadong maganda ang nangyari sa akin, tinatanggap ko parin, dahil naniniwala akong may magandang kapalit ito pagkatapos.
Kaya para sa’yo jacket guy…

There’s a rainbow always after the rain…