ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Wednesday, December 29, 2004

Hay mga friends…alam n’yo naman busy ang inyong lola the past months…tapos fiscal crisis pa…wala na po akong time not to mention sobrang daming pera para mabigyan kayong lahat ng gift. Kaya sana ma-appreciate n’yo itong gift na naisip kong gawin out of something I really love doing (yung pagsusulat). Merry Christmas to all! Mahal ko Kayong lahat!

Hindi ko maramdaman na Pasko.
Hindi ako nagpapaka-cynical ala Mr. Scrooge. Hindi rin ako nagpapapansin. Hindi ko rin naman sinasabing iparamdam at ipamukha n’yo sa akin na Pasko na nga. Higit sa lahat, hindi rin naman ako nagpaparinig na kulang pa ang mga natanggap kong regalo (ehem ehem ehem).
Basta.
Hindi ko maramdaman na Pasko na pala.
Siguro kasi nawalan na ako ng oras para mag-“moment” at talaga namang ma-absorb ko na Pasko na nga. Siguro kasi ang pagka-caroling sa akin ngayong taong ito ay nangangahulugang magkakapera ang org ko para sa mga projects namin. Siguro kasi ang puto bumbong at bibingka ay naging regular na agahan na lang na iniuuwi ni Mama tuwing Biyernes pagkatapos magsimba sa Quiapo. Siguro kasi ang pamimili ng bagong damit ay naging normal na lamang na ginagawa ko kapag school break para may maisusuot ako sa pagpasok sa school. Siguro kasi ang Christmas break ay naging isang panahon para magawa ko ang mga projects at homeworks ko at makabawi na rin ng tulog. Siguro kasi ang Simbang Gabi ay naging isang responsibilidad para sa akin na simbahan dahil kinakailangan kong mag-serve.
Kaya siguro hindi ko maramdaman na Pasko na.
Pero ngayon ko lang naisip--- as in ngayon lang talaga, na para bang dapat sumigaw ako ng “Eureka!” pero hindi ko gagawin dahil magmumukha akong tanga kaya hindi ko a lang sinigaw at pinalo ko na lang ang kapatid ko sa tabi kong wala namang kamalay-malay…
Kayo, oo kayo nga…kayo ang may kasalanan kung bakit hindi ko maramdaman na Pasko na.
Kayo--- kayong mga kaibigan, kaklase at kasama ko halos araw-araw. Makonsyensya naman kayo! Dahil sa inyo, hindi ko maramdaman na Pasko na. Ano bang ginawa ko sa inyo para gawin n’yo sa akin ang ganitong kahindik-hindik na bagay?!?
Unahin ko na ang barkada ko--- ang Click (para sa mga hindi nakakaalam, hindi kami ang nagbigay ng pangalan na ‘yan sa bakada namin, mga detractors at pati narin mga supporters namin). Hindi ko akalain na mapapanatili natin ang friendship natin ng ganito katagal. Lahat kasi tayo busy, iba-iba na ang schedule, pero para bang pagkatapos ng Fontana outing natin (astig ba kami or what?), mas napatunayan natin kung gaano natin kamahal at mamahalin pa ang barkada, at kung gaano tayo ka-willing mag-exert ng effort para magkasama-sama pa rin tayo. Akala ko tuluyan na tayong mawawalang ng communication, pero sa palagay ko, mas naging bonded and open na tayo sa isa’t isa--- yun bang hindi naman natin kailangang magkita araw-araw, pero alam natin sa mga sarili natin na andyan parin tayo para sa isa’t isa--- kahit ba text o tawag o kahit simpleng beso at hug lang.
Ang “forever exists between us” na grupo--- ako, si Earvin, si Abi, si JC at si Kaye. Sabay-sabay tayong bumuo ng mga pangarap na gusto nating mangyari sa mga buhay natin: matino at tahimik na lovelife, o basta kahit walang lovelife basta tahimik na buhay, matino at successful na source of income at magandang academic performance. Ngayong taong ‘to, pinilit nating matupad lahat ng ‘yan, at masaya naman ako na unti-unti na nating natutupad ang mga pangarap na ‘yan. Kahit ba hindi na tayo madalas magkasama at mag-usap, kahit nga magkita pa kamo, alam ko namang masaya tayo sa mga nangyayari sa mga buhay natin ngayon.
Nandyan din ang mga blockmates ko. Sila ang mga kasama ko halos araw-araw--- sa klase, sa org, sa kainan, sa kalokohan…practically sa lahat halos ng pinagkakaabalahan ko sa school. Madalang kong makita ang Click at ang iba ko pang kaibigan, pero hindi ako nalulungkot nandyan ang blockmates ko. Kahit anong tulong, kahit anong oras, kahit saang lugar, nandyan sila para sa akin. Noong una, ayaw na ayaw kong magpunta ng CMC dahil wala naman akong makakasama at makakausap doon. Natatakot rin akong magkaroon ng major subjects dahil baka lamunin lang nila ako ng buhay. Pero dahil na rin sa kanila, isa na akong opisyal na tambay ng maskom. Ilang taon parin ang sama-sama naming bubunuin bago grumaduate, pero hindi na ako natatakot dahil alam kong magiging masaya ‘yon dahil kasama ko sila.
Syempre, nabanggit ko na rin lang ang org, maari ko ba namang kalimutan ang guilders? Sila ang pamilya ko sa UP. Simula noong naging opisyal na guilder na ako, walang araw na hindi naging masaya at makabuluhan. Dahil na rin siguro sa tulong ng org, nagkaroon ako ng identity--- isang bagay na sa palagay ko, mahirap makuha sa isang diverse na community tulad ng UP. Pero higit sa lahat, ang guilders ang tumulong sa akin upang mas makilala ko ang aking sarili at ang mga bagay na kaya kong gawin. Sila ang tumulong upang maibalik ko ang tiwala ko sa sarili ko.
Last but not the least, ang aking mga kaibigan sa PMIC. Hindi ko naman maaring sabihing LCCG (mga lectors) lang, dahil halos naman lahat ng mga kasama ko sa service sa PMIC, kaibigan ko--- mapa-Sacristan, Choir at kahit mga parishioners din. Kahit nga si Fr. Jojo ay pare ko din. Spiritual support group ko itong mga ito. Bukod sa will and sincere dedication ko talaga para magsilbi sa simbahan, at syempre sa faith and love ko kay God, ang mga taong ito ang mga motivation ko para ganahan akong magsilbi. Hindi ko lang kasi sila mga co-servers kay God, mga totoong tao at mga tunay na kaibigan ko pa sila.
Hindi ko kayo mga kamag-anak. Hindi ko kayo mga kadugo. Pero pamilya ang turing ninyo sa akin na para bang nakakataba ng puso na hindi lang sina Mama, Papa, Richal at Shara ang pamilya ko. Ang dami kong kapuso’t kapamilya. (plugging?!?)
Kayo, oo kayo nga…kayong lahat ang may kasalanan kung bakit hindi ko maramdaman na Pasko na.
Bakit?
Dahil wala na akong makitang difference. Tuwing Pasko, dapat masaya. Dapat makabuluhan rin ang araw na ito para sa’yo. Sa araw na ito, dapat punong-puno ng pagmamahal at pag-asa ang iyon puso.
Basta, dapat kapag Pasko, masaya ka.
Pero dahil sa inyo, araw-araw akong masaya. Araw-araw ring nagiging makabuluhan ang buhay ko. Dahil sa inyo, dahil nandyan kayo para sa akin, siksik, liglig at umaapaw ang pagmamahal at pag-asa sa puso ko.
Hindi ko na tuloy maramdaman na Pasko.
Kasi dahil sa inyo, parang araw-araw Pasko na.
Naku…
Touch naman kayo?!?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home