ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Sunday, November 14, 2004

Ang Gulo ng Mundo...Pero Mas Magulo Ako!

Oo na sige na…kinain ko na naman ang sinabi ko.
Sinabi ko ngang hindi na ko magsusulat ng kahit anong may kaugnayan kay Johann at eto ako ngayon, magsusulat na naman ng tungkol sa kanya. Actually, hindi lang naman ‘to tungkol sa kanya. Tungkol ‘to sa maraming bagay…pero kasama s’ya don.
Marami na akong mga kakilalang nagreklamo dahil ang gulo raw ng mundo. As in yung tipong tumigil sila ng ilang segundo para manahimik at pagkatapos ay bigla na lang sumigaw ng, “ANG GULO NG MUNDO!”
Oo nga naman. Magulo naman talaga ang mundo, hindi ba?
Minsan, may mga nagsasabing tayo ang nagpapagulo ng mundo, na hindi naman talaga ito magulo, ginagawa lang nating kumplikado ang mga bagay-bagay kaya nagiging magulo ito.
Pwede rin.
Pero naisip ko lang, kaya siguro nagiging magulo at kumplikado ang mundo sa paningin natin ay dahil na rin sa ang dami nating gusto, ang dami nating demands, ang dami nating gustong mangyari, maganap, makuha at kung anu-ano pa. At hindi lahat ng ito ay naibibigay sa atin ni God. Pero hindi ibig sabihin nun, hindi kayang ibigay ni God ang lahat ng gusto natin. Kaya n’yang ibigay pero will n’yang hindi ibigay ang lahat ng gusto natin. In short, hindi lahat ng gusto natin ibibigay sa atin ni God.
So...anong koneksyon nito kay Johann?!?
Well...nainis kasi ako nung isang araw. Puro negative things ang narinig ko tungkol sa kanya--- kesyo matatanggal na raw s'ya sa team nila dahil may mas magaling daw sa kanya and hindi naman daw talaga s'ya magaling. Mas masaklap yung narinig kong bobo raw s'ya at slow ang kanyang cognition skills. Sabi nga ng boyfriend ng kabarkada ko na nakakakilala sa kanya...
"Kung Atenista din lang ang hanap mo, mas marami pang gwapo at may sense at kacrush-crush na Atenista kesa sa kanya..."
Napag-isip tuloy ako. Exaggerated pero feeling ko, me against everybody else ng Johann thing na ito. Hindi madali kasi I always think of him every waking moment of my life, tapos biglang ganoon ang maririnig ko.
Besides that, may girlfriend s'ya. Kahit na isang jeepney ride away lang ako sa kanya, kahit na I have all the ways and means para maging close kami, may girlfriend s'ya. At mabait ang girlfriend n'ya. Nakakainis dahil hindi ko magawang mainis sa kanya. Na dapat feeling ko s'ya ang kontrabida...pero feeling ko ako ang masama.
Haay...
Naiinis din ako dahil yung mga kabarkada ko, pinipilit i-juice out sa akin kung may feeling pa ako kay Ralph---yep...c jacket guy. Pagkatapos malamang break na si Ralph at yung girlfriend n'ya, itatanong nila sa akin kung masaya ba akoat kung may chance bang bumalik ang feelings ko sa kanya. Tapos magagalit sila dahil nilalait ko raw si Ralph, kesyo hindi raw totoong wala na kong feelings sa kanya, na pwede naman raw ibalik...
PUTANG INA!
Sila 'tong nagsasabi noon na kalimutan ko na tapos ngayon gusto nilang i-open ko ang utak ko sa possibility of falling for that loser again?!? Ito talaga prangkahan na....YAAAAAAAAAAAK!!!! Just the mere thought or idea of it, nandidiri na ako. I don't want to explain further. Ayoko nang manlait pa.
Ang pinaka-climax ng lahat ng ito ay ang pagrereklamo ko noong isang gabi kung bakit ang daming magagandang bagay na ibinibigay si God sa akin pero yung matagal ko nang hinihiling na magka-boyfriend ako, hindi pa rin n'ya ibinibigay. Labo ni God, isipin n'yo, ilang Simbang Gabi ang binuo ko para lang doon, ilang novena ang inilaan ko, ultimo noong debut ko, kasama yun sa mga wishes ko. Pero wala parin akong boyfriend. Nada. Blank Space.
At sabi nga ng pinsan ko...hindi raw kasi lahat ibinibigay ni God.
Gaya ni Johann.
Gaya ni Ralph.
Gaya ng boyfriend na matagal ko nang hinihintay.
Pero kung iisipin, keri lang. Kapalit ng kawalang pag-asa at pagka-tigang ng aking buhay pag-ibig, andaming opportunities ang dumating sa akin.
Sorry God ha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home