ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Monday, October 16, 2006

Namanhid man ako, salamat pa rin...

Ganito naman talaga ako eh. Kapag hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, isinusulat ko. Therapy ‘to sa akin.

Naglakad kami ni Bam kagabi. Ang layo ng nilakad namin, pero hindi ko naramdaman ang pagod. Dati, maisip ko pa lang kung gaano kalayo ang lalakarin ko, magrereklamo na ako. Pero kagabi, kahit na mula Jollibee Katipunan hanggang sa sakayan ng UP sa may Ministop ay nilakad namin at pagkatapos ay naglakad kami ulit mula College of Law hanggang sa Vanguard, okay lang sa akin, hindi ako nagreklamo (although pagdating sa Vanguard medyo natakot ako).
Namanhid talaga ako kagabi.

Hindi pa rin ako naiiyak hanggang ngayon. Nilunod ko na ang sarili ko sa kantang OO kagabi. Binalikan ko na lahat ng mga bagay na makapagpapaalala sa kanya kagabi. Aba, ang tigas ng luha ko ha. Ayaw tumulo. Inisip ko tuloy, eh bakit nga ba ako iiyak? Baka kaya hindi ako maiyak kasi hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako iiyak. Hmm…siguro nga. Or…
Namanhid talaga ako kagabi.

Tinext ko siya kagabi. Sabi ko basahin niya blog ko. Kebs na sa dapat vague ako na advice ni Ma’am Jane. Eh hindi naman ako ‘yun eh. Gusto ko bang malaman niya kung ano talaga mararamdaman ko? Edi ayan, pinabasa ko ‘to. Sino kayang unang mawewengwang sa amin? Owell. Kasi naman eh…
Namanhid talaga ako kagabi.

Anyway, tama na nga ‘yan. Namanhid na ako. At namamanhid pa rin ako hanggang ngayon. Pero sige, time to say my thank yous now.

Una sa lahat, salamat sa aking Pangga, kay Nikki, for just being there and for letting me be. Thank you dahil lagi kang handing makinig sa akin. Thank you dahil you never imposed na gawin ko ang mga bagay-bagay kahit na alam mong natatanga na naman ako. Thank you for keeping up with my constant moodiness and bitchiness dahil sa problema ko sa kanya.
Sa aking Kambal, thank you for being the Ate that I wish I had. Thank you dahil ikaw ang laging nagpapagaan at nagpaparationalize ng mga bagay sa akin. Thank you dahil nandiyan ka lagi to encourage me to look at the brighter side of things. Thank you for passing on wisdom to me kapag sobrang down na ako. Thank you din kasi napapatawa mo ako sa mga moments na ngarag na ako.
By, salamat dahil kahit na napakarami mong ginagawa, kapag nagrarant ako, nakikinig ka parin kahit na alam kong naguguluhan ka sa mga pinagsasabi ko. Salamat kasi pinaprangka mo ako at dahil dun, nagigising ako at natatauhan. Salamat dahil kapag depressed ako, sinasamahan mo akong kumain.
Kay Keina at kay Roro, sa Powerpuff girls, haay, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo. Thank you dahil kahit anong oras na ng gabi, kahit nasaan kayo, kahit maraming ginagawa, iiwan niyo yun just to listen and to comfort me. Salamat dahil binabatukan ninyo ako kapag tanga na talaga ako…pero niyayakap niyo pa rin ako after. Thank you for just being there.
Angel, mare, alam mo kung bakit kita pinapasalamatan. Salamat sa pakikiramay sa akin. Dahil alam ko, at some point, hindi ako maintindihan ng mga tao. Pero ikaw, na kapwa tanga rin (hahaha), alam kong naintindihan mo ako. Alam kong naintindihan mo ang naramdaman ko. Salamat mare.
---

Okay. *hinga ng malalim*
Salamat sa’yo.
Thank you for the happy memories. Thank you for making me happy. Gaya nga ng sabi ko sa iba kong blog entries, falling for you may be stupid, pero para sa akin, ikaw ang bumalanse sa lahat. Your existence in my life taught me a lot of things.
Now that I think about it, the very reason why I don’t want to fall for you is the same reason that made me like you.
Salamat sa pagpapangiti sa akin sa mga panahong malungkot ako. Salamat sa pagpapakita sa akin na ang buhay pala ay hindi isang malaking kangaragan--- at minsan masayang hindi ka in-control sa sitwasyon. Salamat sa lahat ng jokes sa lahat ng kulitan sa lahat ng kagaguhan…pati na rin sa mga seryosong usapan.
‘Tol, thank you for putting up with me and my immaturity. Hindi alam ng iba na madalas, you rationalize things kasi I make things complicated. Salamat sa pagiging honest at conceited mo. Hahaha.
Salamat sa pakikipag-usap sa akin. Now I realize na you do value our friendship. Salamat dahil dun.
Don’t worry, in time I will be okay.

The AFTERMATH

Done.
I can’t say that I did a great job--- but still, I was able to muster enough courage to settle things.
I feel numb.

*Note: kinailangan ko na i-refer ka dito sa blogsite ko kasi nga hindi ko ma-express ang sarili ko kanina. Kebs na sa pagiging computer illiterate mo, alam ko namang maiintriga ka rin na basahin ‘to. So there.

Eh yung kinanta mo lang yung OO kanina with all your heart? At hinamon mo pa akong kantahin ‘yun ha. Ayos ka din eh noh. Ganito, kantahin mo ulit yung kanta, okay? Tapos isipin mo sinasabi ko sa’yo lahat ng ‘yon. Hahaha. Seryoso.

May sasabihin ako sa’yo. Alam mo ba, gusto kong sabihin kanina na astig tayo. Kasi sembreak din nung una kitang nakausap sa text. Owell, don’t get me wrong, wala pa akong gusto sa’yo nun, pero parang dun tayo nagsimula naging close. Tapos sembreak din nung nangyari yung pag-uusap natin kanina. Galing. One year. Ambilis. Hindi ko napansin.

May isa pa akong sasabihin sa’yo. Mamimiss kita. Alam ko naman na kahit sinasabi mong balik tayo sa dati, things will never be the same. Seryoso. Ayoko kasing maging cheesy kanina eh. Kadiri ‘yun. Pero ‘yun nga. Mamimiss kita. Sobra.

Sana basahin mo yung mga entries dito sa blog ko. Kung mapapansin mo, karamihan dito tungkol sa’yo. So there. Maiintindihan mo na ngayon kung bakit hindi madali sa akin ang mga bagay-bagay. I wish nasabi ko lahat ng ‘yan sa’yo kanina, pero bukod sa pinangunahan ako ng kaba, pakiramdam ko mas maiintindihan mo siya ‘pag binasa mo.

So there. Pasensya ka na sa akin kanina. Ganoon talaga ako mag-isip eh. Hindi naman kasi ako psychologist at mature na tao katulad ko. Naiinis ako kasi sinasagot mo ako. Wala pang lalaking nakagawa sa akin nun. In fairness sa’yo.

Oo, nainis ako kay Dette-C. Hindi dahil sinabi niya sa’yo (dahil nung sinabi ko sa kanya dapat inexpect ko na na maari niyang sabihin sa’yo), kung hindi dahil alam niya na ayokong pinangungunahan ako. Gusto ko ako magsasabi. ‘Yun lang. Pero kebs na.

Last, hay, alam ko naman kung bakit ka talaga nagpunta ng Katipunan kanina eh. Sinabi sa akin ni Verj. Okay lang ‘yun. Akala ko lang magiging honest ka na kasi nagkausap na tayo. Owell. Maling akala.

Kung may gusto ka sabihin pagkatapos mong mabasa ‘to, alam mo na kung papaano ako kokontakin. Ang tanong, hay…magrereact ka ba? Sana naman. Gusto ko lang malaman mo para tapos na talaga.

‘Yun. Ingat. Oo, mahal kita. Tanga ako eh.

Tuesday, September 19, 2006

MAIKLI LANG 'TO

Maikli lang ‘to. Pucha naman ‘tol, akala mo ba madali sa akin ang hindi ka kapusapin? Kung nawiwirduhan ka, o nahihirapan man at one point or another, doble pa ‘dun ‘yung nararamdaman ko. Ang dilemma mo lang ay hindi mo alam kung bakit ako nagsusuplada sa’yo (at obvious namang sa’yo lang). Potah, kung sisimulan kong sabihin ‘yung mga dilemma ko na ugat kung bakit hindi kita kinakausap ngayon, pustahan pa tayo, maiintindihan mo ako. Gustong-gusto kitang kausapin ‘tol, gustong-gusto kong sabihin ang maraming-maraming bagay…pero ayokong magkasira tayo tsong. In due time. Promise. Mag-uusap tayo.

Hahaha. Pansinin niyo. Kahit gaano ako ka-busy ngayon, buhay na buhay na naman ang blog ko. Eh pa’no ang dami na namang emotions na bottled up inside me kaya ayan…harablog na naman si bakla.

Sunday, September 17, 2006

Maipagpag ko lang ulit

Grabe...parang naipaliwanag lang ng blog entry ko na ito dati ang nararamdaman ko ngayon... here are excerpts from my blog entitled "'Tol"...

‘Lam mo, mag-iilang linggo na akong patay. Pakiramdam ko, nakahiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko--- pakiramdam ko, ilang linggo na akong naglalakad ng walang kaluluwa. Acads, org, dito sa bahay, lahat ‘yan dinadala ko. Minsan, pakiramdam ko hindi ko na pag-aari ang sarili ko. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko.Itong linggong ‘to ang pinaka-pangit na linggo para sa akin. Nakakapagod, nakakadisappoint…puro problema, puro hassle…pakiramdam ko e gusto ko nang bigla na lamang ako lamunin ng lupa at mawala na lang bigla.Kasabay ng lahat ng iyon--- hindi tayo nagkikita o nag-uusap. Which, I must admit, made things much harder to bear. Itinuring na kitang isang aspeto sa buhay ko na bumabalanse sa lahat, kaya siguro nung naging malabo na ang aspetong ikaw, nawala ang balanse.
Kadiri, noh?
Ako man nandidiri sa sinasabi ko. Hindi ko pinangarap na umabot sa puntong ganito. Ayoko. At hindi dapat.
Kahapon, nagkita tayo. Nagkausap. Sa totoo lang, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘yun. Yung makatabi ulit kita. Yung maglokohan ulit tayo. Yung maasar na naman ako sa kapreskuhan mo.At yun nga, nagkita tayo at nagkausap. Pakiramdam ko, nakita ko na sa puntong iyon ang dahilan kung bakit napakatagal kong hinintay ang pagkakataong iyon; pakiramdam ko, naging malinaw na sa akin ang lahat sa pagkakataong iyon.
‘Tol--- iyan lang ang tingin mo sa akin.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil tama naman pala ang naiisip ko simula’t sapul, o iiyak ba ako dahil alam ko namang kahit handa akong ganoon ang kalabasan, somewhere inside me, I’m wishing na there is more for us than just being buddies.
Pero ganoon talaga. Sa isang laro, may panalo, at syempre, may talunan.
Hindi ko sinasabing natalo ako. Hindi na ganoon kababa ang tingin ko sa sarili ko. Kung tunay ngang napagdesisyunan mo na ang papel ko sa buhay mo, at mananatili na lamang akong ‘tol, naniniwala akong isa iyan sa mga pinakatangang desisyon na gagawin mo sa buhay mo. Dahil espesyal ako. Dahil alam kong kaya kitang pasiyahin. Dahil alam kong maaring ako ang isa sa pinakamagandang mangyayari sa buhay mo.
Pero hindi ko rin sinasabing talo ka, at panalo ako. Dahil kung tunay ngang napagdesisyunan mo na ang papel ko sa buhay mo, at mapagdesisyunan ko mang tanggapin iyon, naniniwala akong isa itong magandang pagkakataong palalampasin ko. Dahil espesyal ka. Dahil alam kong kaya mo akong pasiyahin. Dahil alam kong maaring ikaw ang isa sa pinakamagandang mangyayari sa buhay ko.
Pero gaya ng panonood ng sine--- may katapusan din ang paglalaro.
Pero--- hindi gaya nang minsang manood ako ng sine, ang paglalaro ay isang bagay na hindi basta basta natatapos, kung hindi ito tatapusin ng mga naglalaro nito. Naiintindihan kong di tulad ng panonood ng sine, kung saan wala akong magagawa kapag natapos na ang palabas, alam kong, sa pagkakataong ito, may magagawa ako.At gusto kong malaman mo, na ayoko pang tapusin ang larong ito. Hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa hindi ko na kaya.Isa lang ang gusto kong malaman. Isa lang ang gusto kong itanong sa’yo---
Pagod ka na ba? Ayaw mo na bang maglaro?
Ako, hindi pa.
Pero kung pagod ka na, sabihin mo lang--- pagpapahingahin kita.
Paiinumin ng tubig.
Pagkatapos, laro ulit.
Ganoon ang tunay na mag-‘tol, diba?‘
Tol.

THE 4 GIVES

Nakakatawa. First breather ko from the stress of acads ang pag-attend ko ng Renewal Seminar para sa mga Lectors and Commentators kahapon (Saturday). First breather ko rin ito from the stress brought about by HIM. Pero pero pero, parang ayaw akong lubayan ng mga kyeme reminding me of who else--- HIM and the pain brought by, guess who--- HIM.
Pa’no kamo nangyari ‘yon? Kasi naman, itong si Fr. Dennis na speaker/facilitator ng seminar--- ang iskema niya to get the attention of the assembly was some love-connected discussion. Edi syempre, attentive ang ate mo! Pero kasi naman, the subject of the whole seminar was God’s love for us and how we may love Him in return. So love talaga ang usapan. God’s love. Pero alam niyo naman ako, syempre, nakahanap na naman ako ng paraan para mai-connect na naman ito sa aking pressing love concerns. Hahaha…
So there. Fr. Dennis discussed the 4 GIVES. Natauhan na naman ako sa 4 gives na ito. Sabi ko nga kay Kambal, abangan niya dahil paniguradong nasa blog ko na ito pagkatapos…kaya ayan, heto na siya.

THE 4 GIVES (according to my notes)
1 Give up revenge
Sabi ni Father, we have to be convinced that vengeance brings us nowhere. Kasi cyclical ‘yan---continuous. Instead of revenge, dapat daw we allow the pain that we’re feeling to empower us--- to go with the feeling of pain and we will definitely find the power to strike back.
Teka wait--- wala naman akong planong revenge, pero syempre, parang revenge na rin ‘yung winiwish ko na maramdaman niya ‘yung pain na nararamdaman ko. Na nahihirapan ako, dapat siya rin. Bad ‘yun.

2 Give up PRIDE
Hay--- ito na ang pinaka-mahirap sa lahat para sa akin. Sabi ni Father, dapat daw we humble ourselves to accept that we have also hurt other people. Na at one point, nakasakit ‘din naman tayo. And if napatawad tayo ng mga nasaktan natin, we have no right na hindi patawarin ang mga nagkasala sa atin, diba?
Iba naman kasi ang pagiging humble sa pagpapaka-tanga. I think one swallows his pride when he allows himself to feel tha pain and to accept his fate and ‘yun nga, eventually finds strength on the pain. Pagpapakatanga I think if you allow yourself to be vulnerable because of the pain.

3 Give another chance
Sos. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Hindi naman issue yung pagbibigay ng isa pang chance. Dahil wala namang chance na nasayang--- at wala namang chance na dapat ibigay to start with.

4 Give the love of Jesus
It was unconditional. Regardless of. No matter what. Hindi naghihintay o naghahanap ng reciprocation o ng kapalit. It was the love I was willing to give--- actually, if you really think about it, it was the love that I felt for him. Hay…

Pero there were two important things mentioned in the seminar that eventually got me---

God has another plan…and---

…may mga pagpili na nakakapagpabago ng buhay--- any choice made by faith is life-changing.

‘nuf said naman di’ba?

Thursday, September 07, 2006

Random Thoughts

Wala akong maisip na tamang paraan para isulat ang nararamdaman ko. Kaya heto---

Mahal kita. Pero dapat hindi na. Oo. Masakit. Sobra. Hindi ko maipaliwanag o mailarawan ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi ako galit sa’yo. Hindi ko kayang magalit sa’yo. Sorry kung nasungitan kita kanina. Ayaw kasi kitang makita, makausap, matanaw, maramdaman, maisip, mapanaginipan. Pero ganon pa rin ang nangyayari. Uulitin ko, hindi ako galit sa’yo. Hindi rin kita sinisisi na nasasaktan ako ngayon. Wala kang responsibilidad o pananagutan sa akin. Gaya nga ng sabi ko, hindi naman tayo. You had your choice, I had mine. You make your own choices, at ganun din ako. Responsible ka para sa sarili mong mga desisyon, at ganon din ako. Kaya ako, at tanging ako lang ang responsible sa sakit na nararamdaman ko ngayon--- dahil choice ko ‘to at responsibilidad ko sa sarili ko na harapin at panindigan ‘to. Hindi ako galit sa’yo. Hindi rin ako nagsisisi na minahal kita--- in fact, minamahal pa rin kita hanggang ngayon. Pero tanggap ko na. Siya ang gusto mo, siya ang pinili mo, siya ang mahal mo. Sabi ko naman diba, kung saan ka masaya--- ayos lang sakin. Kung meron man akong pinagsisisihan sa pagkakataong ito, ‘yun ay hindi ko naparating sa’yo kung gaano ka kahalaga sa akin--- kung gaano kita kamahal. Sana may paraan pa na malaman mo ‘to. Sana marinig mo lahat ng sasabihin ko ngayon. Sana minsan isang araw, mabasa mo ‘to. Walang mga mapalabok na salita. Walang pag-aalinlangan. Walang pagkukunwari. Walang pagtatago. Walang takot. Mahal kita. Mahal na mahal. Tagos sa laman. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Pero dapat hindi na. Mahal kita. Naririnig mo ba ako. Mahal kita. Pero alam kong dapat hindi na. Hindi ko alam kung paano kita makakalimutan. Pero salamat. Salamat sa lahat. Salamat. Mamimiss kita….tol.

Hindi mo malaman kung bakit ako nagsusungit? Ayan. Nandito na lahat. Minsan kasi, subukan mong mag-aral ng mga bagay sa computer. Buksan mo lang friendster ko, makikita mo na. Hirap sa’yo, computer illiterate ka kasi.

Saturday, August 19, 2006

LIFE IS SO COMPLICATED (part 1)

Sabi ko sa About Me sa profile ko sa Friendster, ako ay isang COMPLICATED na tao na nabubuhay sa isang COMPLICATED LIFE. I’ve never really realized how true this is--- until now…when all the COMPLICATIONS have surfaced--- at hindi ko na naman alam kung ano ang uunahin kong ayusin.

All those who have read my blog entries know that one moment that I poured my heart out dito sa aking blog. If you try reading all the entries here, that one particular entry stood out. I was not only talking about my pathetic and complicated love life, I was finally talking about something much more closer to my heart. Now, I’d like to apologize to this blog, and sa lahat ng mga nagtityagang magbasa nito--- pakiramdam ko kasi nagiging trashcan na ito ng aking mga emotions at nagiging tapunan ng mga bagay na hindi ko masabi sa ibang tao, or sa mga taong concerned.

Anyway, enough of the introduction na. Sorry if this entry sounds so serious compared to all my entries. Sabi ko nga, dito ko lang kasi nailalabas lahat ng mga bagay na hindi at ayoko nang sabihin sa iba. Well, probably, sasabihin ko ‘to sa mga taong malapit sa puso ko--- pero kung for whatever reason eh gusto niyong maintindihan ang lahat-lahat sa akin, kindly refer to thins entry.

Dalawang issue lang naman ‘to eh. Sabagay, kasi naman, complicated na nga ako per se, itong dalawang bagay na ‘to ang mas nagpapa-kumplikado ng lahat.

Simulan natin dun sa mas mababaw kong issue. Sus, alam niyo na naman kung tungkol saan ‘to eh.
---

Minsan ko na lang ulit sasabihin ito. Pagkatapos kong sabihin dito, hindi ko na ‘to uulitin sa iba. Ngayon ko na rin lang ipapaliwanag ang lahat. Susubukan kong ilabas lahat dito para wala na ring magtatanong--- balak ko sana tatahimik na talaga ako pagkatapos kong maisulat dito.

Mahal ko talaga siya.

Pinipilit kong tanggalin ang pagmamahal na ‘to sa sistema ko. Pinipilit kong idikdik sa loob ko na magkaibigan lang kami. Pinipilit kong ipasok sa utak ko at ipaintindi sa puso ko na masasaktan lang ako--- na wala naming patutunguhan ang pagmamahal na ‘to…na isa na naman itong malaking kabaliwan, kung hindi man katangahan. Pinipilit kong pigilan ang nararamdaman ko.

Pero--- matigas ang ulo ng puso ko. Bawat pagkakataon na makita ko siya, bawat pagkakataon na magkasama kami, bawat pagkakataon na magkatinginan kami, bawat pagkakataong magkausap kami--- bawat pagkakataong nararamdaman ko siya…

…lahat ng iyon ay nagiging dahilan para mas lalo ko pang maramdaman na mahal ko siya.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. Mahal ko ang buong pagkatao niya. Ang kagaguhan niya, ang kakulitan niya, ang kagalingan niya, ang mga kamalian niya--- tanggap ko at mahal ko.

Oo. Siguro mukhang madali lang. Hindi kumplikado. Sasabihin ko lang naman sa kanya ang nararamdaman ko at tapos na ‘to. Sasabihin ko lang--- hindi naman ganoon kahirap para sa akin ‘yon dahil ganoon naman ang nakasanayan kong gawin. Hindi ako natatakot umamin. Kahit itanong niyo pa sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko--- hindi ako ‘yung tipong natatakot umamin. Dahil naniniwala akong napapadali ang buhay ko kapang nagiging totoo ako.

Ang pag-amin ang magbubukas ng pintuan at magbibigay daan para maging maayos ang lahat para sa akin--- papalayain ako ng pag-amin. Pero ito mismo ang dahilan kung bakit sa pagkakataong ito, hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Dahil ito ang magbabago ng lahat---

--- at natatakot ako sa pagbabagong maaring mangyari.

Pero kung tatanungin niyo ako ng tunay na dahilan ng takot ko…

…natatakot ako na malamang hindi pala niya ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Because for the nth time, I allowed myself to love someone so deep and unconditional that I never thought of holding back because I feared that he will not reciprocate the love that I have for him. Because even if I held all my feeling back before, I came to a point wherein I simply didn’t care anymore. What’s important is that I love him. And now, I am faced with the reality that he might not love me at all. And facing that possibility scares me.

But then again, if you ask me now--- Yes, I LOVE HIM. MAHAL KO SIYA.

Pero kung anong gagawin ko sa pagmamahal na ‘to, hindi ko pa alam.
---

‘Yung pangalawang issue, sa next entry na. mas mabigat ‘yun eh.

Sunday, August 13, 2006

Ellipsis...

Dat dat dat.

Ellipsis.

Kapag ang isang pangungusap ay tinapos mo ng isang ellipsis, ano nga ba ang ibig sabihin nito? Kapag ang isang kwento ay nilagyan mo ng ellipsis sa huli, tapos na ba ang kwento o may karugtong pa?
Sabi ko sa kanya dati, nang minsang sinabi niya na may posibilidad na madugtungan ang kwento nila ng isang tao, “Eh ‘di hindi period ‘yan, ellipsis…”

Kayo--- ellipsis. Eh tayo?

Mahirap kapag tinatapos mo ang isang kwento sa pamamagitan ng isang ellipsis. Putol. Bitin. Kahit na sabihin ng manunulat na tapos na ang kanyang kwento, pakiramdam mo, may karugtong pa rin. Na tuloy pa rin dapat. Na may kasunod pa.

Nakakabitin. Nakakapagod. Nakakainis.


---


Hay...

'yoko na magsalita. dadaanin ko na lang sa lyrics ng kanta---

OO
updharmadown

di mo lang alam,
naiisip kita baka sakali lang,
maisip mo ako di mo lang alam,
hanggang sa gabi inaasam makita kang muli
nagtapos ang lahat sa di inaasahang panahon
at ngayon akoy iyong iniwang
luhaang sugatan di-mapakinabangan
sana nagtanong ka lang kung di mo lang alam
sanay nagtanong ka lang kung di mo lang alam
akoy iyong nasaktan
baka sakali lang maisip mo namang hindi mo lang alam
kay tagal nang panahon
akoy nandirito pa rin hanggang ngayon,
para sayo lumipas mga araw na ubod ng saya
di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
kung akoy nagkasala, patawad na sana
ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal
di mo lang alam akoy iyong nasaktan
baka sakali lang maisip mo namang puro siya na lang,
sanay ako naman di mo lang alam, ikay minamasdan
sanay iyong mamalayang hindi mo lang pala alam di mo lang alam,
kahit tayoy magkaibigan lang
bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan
baka sakali lang maisip mo namang
akoy nandito lang, hindi mo lang alam
matalino ka naman
kung ikaw at ako ay tunay na bigo
sa laro na ito ay dapat bang sumuko
sanay di ka na lang pala aking nakilala kung alam ko lang
akoy yong masasaktan ng ganito
sanay nakinig na lang ako sa nanay ko
di mo lang alam ako'y iyong nasaktan
baka sakali lang maisip mo namang
puro siya na lang, sanay ako naman di mo lang alam,
ikay minamasdan sanay iyong mamalayang hindi mo lang pala alam
malas mo . . . ikaw ang natipuhan ko
di mo lang alam, akoy yong nasaktan..

Friday, August 04, 2006

BARAHA: 9 Flower
Sige lang, tumanggap ka ng dare! Ang impatience mo ang magtutulak sa iyo para kumilos ng mabuti. Magugustuhan mo ang results!
***

Sa mga panahong ganito--- shet. ‘Wag niyo akong bibiruin ng ganyan.

Bukod sa pagtawa sa mga korning joke (isang talent ko na nadiskubre ko recently), being paranoid is my trademark. To be politically correct for myself, I’d like to call myself someone who “thinks too much”.

But at this point, I’d like to assert that you can’t blame me for being paranoid. You can blame me for not planning too well, and for not thinking ahead (3 steps, sabi nga ni Chris), pero naman naman--- maiintindihan niyo ako kung alam niyo ang buong kwento.

And for the first time in my life--- I chose to seal my lips. Please understand. I’m doing this so as to not incriminate myself.

Gusto kong murahin ang sarili ko ngayon. Shit naman, pare. You’ve got no balls. Hahaha. Eh papano nga naman, babae ako!

Tsk. Seriously now. I’m all freaked out.

Am I going to follow my instincts? Or not? Will I make a move? Or will I keep standing still?

Watda.

Kala ko ba friends lang kami…