ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Sunday, June 18, 2006

WELKAM BAK SA AKIN

Hindi ko gawain na matagal na itigil ang pagpopost sa aking blog at pagkatapos ay malungkot pa ang ipopost ko kapag muli akong magpost. Kahit basahin ninyo at halughugin ang buong blog ko, hindi ganoon ang trend na sinusunod ko. Ewan ko ba, pero kailangan lang talaga sigurong maiba ngayon.
---

Kahit itanong mo sa lahat ng tao, sa pamilya ko, sa mga barkada ko, sa mga blockmates ko, kahit sa mga professors ko--- isa ako sa pinaka-transparent na tao na makikilala mo. Walang bagay sa buhay ko ang kaya kong itago. Halos lahat ng nangyayari sa akin, alam ng halos lahat ng tao. Siguro dahil na rin sa madaldal ako at hindi ko maitikom ang bibig ko, at siguro hindi ko talaga kayang magkimkim ng maraming bagay sa sarili ko lang. Kaya ganon.
Kaya siguro, kung sasabihin ko ngayon na napakarami palang aspeto ng buhay ko ang hindi alam ng maraming tao--- kahit ng mga taong malalapit sa buhay ko, eh walang maniniwala. Pakiramdam ko, pagtatawanan lang ako ng mga tao. Pero totoo yun. Si Mama man o si Papa, kahit ang mga kapatid ko, kahit si Nikki man, sina Keina at Roro, kahit si Lisa na halos kapatid na ang turing ko--- napakaraming bagay tungkol sa akin ang hindi nila alam. May mga alam ang iba na hindi alam ng iba. Kaya nga siguro, kung mamamatay ako ngayon at magkakausap-usap sila, doon lang nila mabubuo ang pagkatao ko base sa pinagtagpi-tagpi nilang mga kwento tungkol sa akin.
Pero meron ding mga bagay na tanging ako at si Diane Isabele lang ang may alam. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ako, pero ganoon talaga ako. Hindi naman dahil sa pakiramdam ko eh hindi matatanggap ng mga tao ang mga bagay na ‘yon, at hindi rin naman dahil natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao--- dahil alam ko sa sarili ko na wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin ng iba. Sasabihin ko sa inyo ngayon, kahit ako hindi ko alam kung bakit may mga bagay na pinipili kong ako lang ang nakakaalam--- hindi ko rin maintindihan kung ano ang mga bagay na naging dahilan kaya ganito ang ugali ko. Hindi ko rin alam kung tama o mali na ganoon. Kasi minsan, naiisip ko, natatakot ako sa kayang gawin ng sarili ko. Natatakot akong may ganito akong ugali.
Sabi ko kanina, kung mamamatay ako ngayon at magkakausap-usap lahat ng mga taong nakakakilala sa akin, doon lang nila mabubuo ang pagkatao ko base sa pinagtagpi-tagpi nilang mga kwento tungkol sa akin. Pero hindi pa rin nila mabubuo ito ng buong-buo--- at hindi rin nila makikita at malalaman ang totoong ako--- dahil ang kulang na mga piraso ng kwento ay nakatago sa loob ko.
---

I am so pissed off right now. As in alam niyo yung feeling na gusto niyong manapak ng tao? Ganon. Ganon na ganon.
Alam niyo, the first moment that I became a guilder, alam ko na sa sarili ko na mahal ko at mamahalin ko yung Broad Guild. Mahal ko yung mga ginagawa nito, yung mga taong kasama ko dito---- mahal ko yung konsepto na member ako ng org na ‘to.
At hindi ko itinanggi sa lahat na gusto ko maging presidente. Mahirap, maraming sakripisyo, maraming doubts--- pero gusto ko. Pero nung dumating na yung pagkakataon na kailangan ko nang pagdesisyunan kung tatakbo akong presidente o hindi, natakot talaga ako. Lahat siguro ng mga pwedeng maging rason para matakot ako at mag-back out naisip ko na…pero in the end, go pa rin ako.
At ngayon, presidente na ako. Oo mahirap siya. At oo, nakakatakot siya. Alam ninyo, nung napagdesisyunan kong tumakbo, nagpalakas talaga ng loob ko yung mga taong nagsasabi na naniniwala silang kaya ko. Naniniwala silang makakaya ko.
At oo--- as far as I can remember, kasama kayong dalawa dun. Hindi lang kayo kasama dun--- masasabi kong kasama kayo sa mga unang taong talagang nag-push at nagmotivate sa aking tumakbo. At hindi lang sa akin--- pati na rin sa ilang miyembro ng exec team ngayon. Kesyo kailangan kayo ng org, wala na kaming ibang maisip na pwedeng mag-lead sa org, kung mahal ninyo ang org gagawin niyo yun---
Bullshit.
Kaya ako nagagalit ngayon. Kaya ako galit na galit ngayon. Dahil ngayon--- nalaman kong kayo palang dalawa ang kauna-unahang taong nagduda sa kakayahan ko--- at ng buong exec team.
Pero hindi ako dun galit na galit--- sa totoo lang, kahit masakit, kahit masakit na sa inyo manggagaling ang mga pagdududang ‘yon, okay lang. Kasama ‘yan sa package. Hindi naman pwedeng lahat aayon sa’yo, diba?
Pero tangina naman--- wala namang bastusan dito. Kung meron kayong mga pagdududa, sabihin ninyo ng deretsahan. Hindi yung titirahin ninyo kami ng patalikod. Hindi iyong maghahanap kayo ng magpapalaki lalo sa mga butas na nakikita ninyo. Hindi iyong sasabihin ninyo na kusang sinabi sa inyo ng ibang tao pero yun pala eh parang pinatotohanan lang niya ang mga naiisip ninyo. In short, hindi iyong magpapatawag kayo ng isang secret meeting/talk/eat out/bonding kasama ang ilang piling tao para lang pag-usapan ang ilang tao at ang mga problema o mali na nakikita ninyo.
Yeah--- you mean well, I mean you might have meant well--- but if you really did, pwede namang iyang mga concerns ninyo ay idineretso ninyo sa amin o kaya sinabi ninyo sa lahat sa amin at hindi ninyo isinekreto.
Noong una, naisip ko, bilang member ng org at kabilang sa mga ginanyan ninyo---- masakit. Pero naisip ko, at kayo na rin ang mismong nagsabi sa akin, na dapat tanggapin mo kung ano ang orgmate mo--- kahit na minsan mahirap at masakit tanggapin. Unity in diversity, diba?
Tapos, naisip ko, bilang isang kaibigan--- mas masakit. Pero sabi niyo nga, minsan, kailangan maging professional ka, hindi puro friendship lang ang iniisip. Ang tanong ko, professional ba ang ginawa ninyo?
Pero naisip ko lang ngayon--- pinakamasakit pala siya sa akin bilang isang tao. Nakakainsulto. Nakakawala ng respeto.
Hindi kami perpekto. At oo, inaamin ko, maaring maraming problema ang org na kailangan naming kaharapin. Pero una sa lahat, gusto ko lang ipaalala sa inyo na kung ano man ang org ngayon, kung ano man ang kinalalagyan ng org ngayon, maganda man o pangit, may kinalaman kayo doon. Pangalawa, gusto ko rin lang ipaalala na hindi pa kami nagsisimula. Sana man lang, bigyan ninyo kami ng pagkakataon na patunayan muna ang aming mga sarili bago kayo magbato ng mga husga ninyo. At pangatlo, sana bigyan naman ninyo kami ng pagkakataon na itaguyod ang org sa sarili namin. Sana huwag niyo kaming pilit ilagay sa mga anino ninyo.
Gaya nga ng sabi ko, I’m so pissed off right now.
Salamat sa pagpapakita ninyo ng suporta. Grabe, ramdam na ramdam ko talaga.
---

Oo--- mahal kita. Oo--- masaya ako kapag magkasama tayo. Oo--- gusto kong maging tayo. Oo--- hinihiling ko na sana dumating ang araw na maging tayo talaga.
Pero sasabihin ko sa’yo at sa kanilang lahat na makakabasa nito, finally, na-settle ko na sa sarili ko na sa ngayon, tama na lang muna na inamin ko ‘yang lahat ng aking nararamdaman sa sarili ko. Tama na muna sa akin na nagpakatotoo ako sa sarili ko. Pakiramdam ko hindi pa panahon para magpakatotoo na ako sa’yo at aminin ko na ang nararamdaman ko.
Nakakatawa. Hindi ko maisip ngayon kung anong meron ka at kung bakit hinayaan ko na hayaan ko lang ang sarili ko na tanggapin ang kung ano tayo. Na sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi ko ginustong ma-kontrol ko ang lahat ng nangyayari sa akin. ‘Yun bang, hinahayaan ko lang na mag-unfold ang mga pangyayari sa harapan ko. Oo, ayoko ng mga sorpresa. Ayoko nung wala akong alam sa mga nangyayari. Kaya nga nagugulat ako na hinahayaan ko lang ang nangyayari sa atin ngayon. Siguro kasi alam ko naman na kahit na nagkakaganito ako, hindi ako nagpapakatanga. Pinagbibigyan ko lang ang sarili ko.
Mas masaya pala. At mas nakakahinga ako ng maluwag ngayon.
At gaya ng sinabi ko noong nagsimula ang kung ano man ang meron tayo--- salamat dahil patuloy mo pa rin akong napapangiti.
---

Gusto kong sulitin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang ilang tao…
Iris--- o ang taray, tinanggal ko na ang “ma’am” sa pagtawag ko sa’yo. Gaga ka! Miss na kita. Ano naman ‘yang iskema mong hindi pagtuturo ng 103 ha? Kawawa naman ang mga bata. Hahaha! Seriously, salamat sa pagtitiyagang magbasa ng mga kagaguhan ko dito. Oo na, kahit na alam kong hindi naman ito papasa sa kaledad ng iyong pagsusulat, kebs na. Alam ko namang naaaliw kita sa mga kabalbalang isinusulat ko. Maipagpag ko rin lang na may utang ka sakin na 2 strong ice. Bakit kamo? Dahil minsan, nawengwang ka lang ng fatale--- at muntikan mo nang mai-chova ang mga bagay sa buhay mo na hindi dapat malaman ng mga kaklase ko. buti na lang at natakpan ko ang bibig mo. Hay--- bago mo pa isipin na ginawa ko ‘yun para maisalba ang reputasyon mo, maipagpag ko lang ulit na kaya ko ‘yun ginawa ay para maisalba ang sarili ko. Baka kasi pag okey ka na eh hindi mo maalala na ikaw nagsabi nun. At dahil ako lang ang sinabihan mo, eh baka pagbintangan mo pa ako. Hahaha!
Panggs--- salamat dahil lagi kang nandiyan. Salamat dahil napapagkatiwalaan natin ang isa’t isa. Salamat dahil isang text ko lang, keri mo na. Seriously, thank you for being one of the people that keeps me grounded. Thank you because despite your near perfection, you always keep up with a flawed person like me. Thank you for putting up and for matching my kagagahan. You’re indeed one of the bestest friends I’ve had.
Dandy---marz, thank you for giving importance to our partnership and for extending our partnership hindi lang sa org matters pero sa lahat na rin ng aspeto.
Kambal--- salamat sa pakikinig. Salamat sa pagtawa. Salamat.