ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Saturday, August 19, 2006

LIFE IS SO COMPLICATED (part 1)

Sabi ko sa About Me sa profile ko sa Friendster, ako ay isang COMPLICATED na tao na nabubuhay sa isang COMPLICATED LIFE. I’ve never really realized how true this is--- until now…when all the COMPLICATIONS have surfaced--- at hindi ko na naman alam kung ano ang uunahin kong ayusin.

All those who have read my blog entries know that one moment that I poured my heart out dito sa aking blog. If you try reading all the entries here, that one particular entry stood out. I was not only talking about my pathetic and complicated love life, I was finally talking about something much more closer to my heart. Now, I’d like to apologize to this blog, and sa lahat ng mga nagtityagang magbasa nito--- pakiramdam ko kasi nagiging trashcan na ito ng aking mga emotions at nagiging tapunan ng mga bagay na hindi ko masabi sa ibang tao, or sa mga taong concerned.

Anyway, enough of the introduction na. Sorry if this entry sounds so serious compared to all my entries. Sabi ko nga, dito ko lang kasi nailalabas lahat ng mga bagay na hindi at ayoko nang sabihin sa iba. Well, probably, sasabihin ko ‘to sa mga taong malapit sa puso ko--- pero kung for whatever reason eh gusto niyong maintindihan ang lahat-lahat sa akin, kindly refer to thins entry.

Dalawang issue lang naman ‘to eh. Sabagay, kasi naman, complicated na nga ako per se, itong dalawang bagay na ‘to ang mas nagpapa-kumplikado ng lahat.

Simulan natin dun sa mas mababaw kong issue. Sus, alam niyo na naman kung tungkol saan ‘to eh.
---

Minsan ko na lang ulit sasabihin ito. Pagkatapos kong sabihin dito, hindi ko na ‘to uulitin sa iba. Ngayon ko na rin lang ipapaliwanag ang lahat. Susubukan kong ilabas lahat dito para wala na ring magtatanong--- balak ko sana tatahimik na talaga ako pagkatapos kong maisulat dito.

Mahal ko talaga siya.

Pinipilit kong tanggalin ang pagmamahal na ‘to sa sistema ko. Pinipilit kong idikdik sa loob ko na magkaibigan lang kami. Pinipilit kong ipasok sa utak ko at ipaintindi sa puso ko na masasaktan lang ako--- na wala naming patutunguhan ang pagmamahal na ‘to…na isa na naman itong malaking kabaliwan, kung hindi man katangahan. Pinipilit kong pigilan ang nararamdaman ko.

Pero--- matigas ang ulo ng puso ko. Bawat pagkakataon na makita ko siya, bawat pagkakataon na magkasama kami, bawat pagkakataon na magkatinginan kami, bawat pagkakataong magkausap kami--- bawat pagkakataong nararamdaman ko siya…

…lahat ng iyon ay nagiging dahilan para mas lalo ko pang maramdaman na mahal ko siya.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. Mahal ko ang buong pagkatao niya. Ang kagaguhan niya, ang kakulitan niya, ang kagalingan niya, ang mga kamalian niya--- tanggap ko at mahal ko.

Oo. Siguro mukhang madali lang. Hindi kumplikado. Sasabihin ko lang naman sa kanya ang nararamdaman ko at tapos na ‘to. Sasabihin ko lang--- hindi naman ganoon kahirap para sa akin ‘yon dahil ganoon naman ang nakasanayan kong gawin. Hindi ako natatakot umamin. Kahit itanong niyo pa sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko--- hindi ako ‘yung tipong natatakot umamin. Dahil naniniwala akong napapadali ang buhay ko kapang nagiging totoo ako.

Ang pag-amin ang magbubukas ng pintuan at magbibigay daan para maging maayos ang lahat para sa akin--- papalayain ako ng pag-amin. Pero ito mismo ang dahilan kung bakit sa pagkakataong ito, hindi ko magawang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Dahil ito ang magbabago ng lahat---

--- at natatakot ako sa pagbabagong maaring mangyari.

Pero kung tatanungin niyo ako ng tunay na dahilan ng takot ko…

…natatakot ako na malamang hindi pala niya ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Because for the nth time, I allowed myself to love someone so deep and unconditional that I never thought of holding back because I feared that he will not reciprocate the love that I have for him. Because even if I held all my feeling back before, I came to a point wherein I simply didn’t care anymore. What’s important is that I love him. And now, I am faced with the reality that he might not love me at all. And facing that possibility scares me.

But then again, if you ask me now--- Yes, I LOVE HIM. MAHAL KO SIYA.

Pero kung anong gagawin ko sa pagmamahal na ‘to, hindi ko pa alam.
---

‘Yung pangalawang issue, sa next entry na. mas mabigat ‘yun eh.

1 Comments:

  • hindi pa complicado yan, dapat naging totoo ka sa sarili mo. atlease naitry mo. nabasa ko lahat yang sinabi mo..

    sa nangyayari sa akin baka di mo masikmura.. nainlove ako sa may kalived in na... gf ko siya pero meron na siyang kasama...araw araw parang gusto kong magpakamatay.. dahil naiisip ko kung ano ginagawa namin ay sya rin ang ginagawa nya.. im 30 she's 20... playboy ako, kaya first time ko nag seryoso.. di ko alam kung paano ako nainlove pero it was really give me pain in ass.. and I can't get out cause I will kill my self if I will do that..

    SINX

    By Anonymous Anonymous, at 1:13 AM  

Post a Comment

<< Home