ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Saturday, February 25, 2006

kung may The One...this is THE LULL

Bago ang lahat, nais ko munang sabihin na dapat ninyo akong I-congratulate dahil naka-survive ako for one week na hindi gumagamit ng Internet! Ha! Grabe na yung 80 messages and two Friendster requests ang tiniis ko na hindi tignan o basahin…I may be a coffee addict, pero I’m not a Net addict pala!

---
Nagka-lagnat ako. Siguro dahil sa pagod. Physically, mentally, emotionally. Grabe na, noh? Pero ganun talaga. Sabi nga nila, c’est la vie! Hindi naman ako nagsisisi e. Dahil pinasok ko ang iskemang ganito, kaya dapat panindigan ko na tatapusin ko ang mga dapat kong tapusin.
Masaya naman ako sa buhay ko kahit ngaragan ever. Seheryoso. Gaya ng lagi kong pinapaulit-ulit, masaya ako sa iskemang busy-busyhan na ito kesa yung mga lull moments.
Lull moments?!?
Hahaha.
Tindi talaga ng epekto ng lull (grabe na ang segue ko). Kapag nagkakaroon ng lull, may time ka para mag-isip at sabi nga nila, para makita at maintindihan ang bigger picture. May time ka rin para huminto, at habulin muna ang hininga mo. Ito rin siguro ang panahon para maiplano mo at mapag-isipang maayos ang mga susunod na hakbang na sa tingin mo ay makakabuti para sa lahat.
Pero higit sa lahat, ang lull ay isang magandang panahon upang ma-wengwang ka. At makapang-wengwang ka ng ibang tao.
Alam niyo ha, in fairness sa akin, I’d like to think na medyo maganda ang epekto sa akin ng lull moment na ito. Totoo lahat ng sinabi ko, nakapag-isip ako, I was able to see the bigger picture, I was able to catch my breath…kasi before the lull, para akong biglang sumakay sa isang matindi at mabilis na rollercoaster ride--- nakakahilo, nakakatakot, nakakasuka. Kaya I opted to have a lull period muna.
At yun na nga. Masaya naman ako sa naging resulta ng lull moment. Resulta--- meaning tapos na ang lull moment. Joske, kinailangan ko pang magkasakit para lang maka-arrive ako sa isang conclusion.
Sabi ko nga sa text ko sa mga tao kaninang madaling araw---


“Nalinawan na ako guys…Si diane ay isang go-getter. Risk-taker. Hindi naman talaga kaso sa akin kung masaktan ako, ang importante, nagmahal ako ng totoo. So…goodluck na lang sa kanya!:)”

Tama silang lahat. Dapat ko nang tapusin ang trauma ko with TOTP (things of the past). Salamat sa aking mga kaibigan na talaga namang isasampal sa mukha ko ang mga kagagahan ko. Salamat dahil na-realize kong namimiss ko na nga pala ang totoong ako. Yung keber kung masaktan o hindi. Yung nangwe-wengwang at hindi nagpapa-wengwang. Yung masaya lang. Yung nagmamahal no matter what.
And now, witness the comeback of the moi.
At para sa’yo (how apt), GOOD LUCK NA LANG ‘TOL.

---
May kanta ako:

…awit na nananawagan/baka sakaling mapakikinggan/pag-ibig na palaisipan/sa kanta nalang dinadaan/nag-aabang sa langit/sa mga ulap sumisilip/sa likod ng mga tala/kahit sulyap ng darna…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home