ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Friday, November 04, 2005

SEMBREAK

Ngayong nalasap ko na ang tamis ng SEMBREAK, isa lang ang aking ninanais:

PUCHA, GUSTO KO NANG PUMASOK.

Oo na, oo na, weird, kj, jologs, nerd na ako--- e sa wala na akong magawa dito sa bahay e. Well, hindi naman talaga ako nagse-stay dito sa bahay ng madalas, pero mahirap maglamyerda ng maglamyerda on a limited budget.

May isa pa pala akong naisip--- nakakamiss din pala ang kangaragan.

Mas gusto ko ang pakiramdam ng ngarag kesa ng walang ginagawa. Aba aba, kala mo masipag e, noh? Di rin.
---

Last week, Monday lang yata ako nanatili sa bahay. Tuesday hanggang kahapon (Sabado), alis ako ng alis.

TUESDAY
Nagpunta ako ng UP para sa meeting na pinatawag ni Cean para sa mga interesadong mag-usher para sa Superfest, isang seminar na sponsored ng Inquirer at GMA 7 na ine-endeavor ng isa pa niyang org.
Late ako. (Ano pa bang bago?!?)
Nung lunch break, nagpunta kami sa Jollibee nila Cean at Klara. Hay nako, ayoko na talaga ng fastfood pero wala akong magawa dahil wala kaming maisip na ibang kakainan. Pagkatapos nun, nagpunta kaming NBS dahil kailangan naming bumili ng mga kakailanganin sa seminar. Hulaan niyo kung sinong nakita ko dun?!? Si MARGAUX! Si Margaux. Siya ang aking Grade School best friend. Nakakatawa. Kasi madalas, kapag gusto ko siyang makita, hindi ko siya makita. Tapos bigla ko nalang siyang makikita at unexpected moments. Hahaha.
Pero pero pero…may isang sad part sa aming pagkikita. Tinawag niya akong--- BOCHOG! Huhuhu…wala lang, pakiramdam ko lalo, sooobrang laki na talaga ng tinaba ko.
Anyway, nung gabi, napag-usapan namin na magkikita kami sa Thursday for more bonding moments. Syempre na-excite naman ako…

WEDNESDAY
Aba, 4 am pa lang ay gising na ako. Dalawang oras lang ang tulog ko dahil---- basta. Puyat ako. Anyway, attack pa rin ako sa paga-usher sa SUPERFEST.
Nasayangan ako sa supposedly big event na ito. Dahil malaki ang venue, malalaki ang mga pangalan ng sponsors, malalaking pangalan din ang naimbitahang speakers at most importantly, malaki ang gastos nila, pero ang pinakamalaki at pinaka-importanteng factor ang nawala sa kanila--- isang malaking audience.

Pero bilang isang usher, keri na rin sa akin ang mga naganap. Libre na ako sa seminar, mas dumami pa ang nakain kong pagkain, at marami pa akong nakuhang freebies!!!
Anu-ano ang aking mga nakuha?
2 bag, isang GMA Kapuso pin, 2 Inquirer Guyito button pin, isang Inquirer notebook, isang Inquirer cap, isang TAYO button pin, isang box ng Hot Loops donuts, isang penshoppe cap, isang penshoppe razorback shirt at…isang cute na cute na GUYITO doll!

Aba aba aba, sabi ko nga kay Klara, kinailangan pa naming sumali ng isang game na pahabaan ng “rer” sa “Happy 20th Anniversary Phil. Daily Inquireeeeeeeeer” para lang magkamit ang guyito doll na ito. Owell…

THURSDAY
Hindi na ako nakasama sa 2nd day ng Superfest dahil kailangan kong samahan si Mama. Pero ang highlight talaga ng araw na ito ay ang Acti Meeting/Date with Margaux and Maris noong hapon. Multi-tasking na talaga ang drama ko noong araw na ‘yon.
As usual, late ako. Ang hirap kasi si Margaux, hindi sanay na late ako, ang Acti naman, alam nilang male-late ako. Kaya pagdating ko ‘dun, apologetic talaga ako kay Margaux at syempre, isa ako sa mga unang dumating para sa aming Acti meeting.
Isinama ko si Margaux sa aming Acti meeting. As usual, nung nalaman niyang head ako ng isang committee, ipinoint out na naman ang pagiging achiever ko raw. Laki talaga ng bilib nitong taong ‘to sa akin. Madalas nga, kapag down na talaga ang aking self-esteem, kausapin ko lang ‘tong taong ‘to, panigurado magiging okay ako. Kahit gaano ko pa sabihin sa kanya na hindi na ako yung “achiever” na kilala niya nung grade school, ayaw pa rin maniwala. Ewan.
So there. Hindi nga pala kami nakagawa ng isang konkretong plano sa aming meeting. Puro kasi kami kwentuhan e.
Lampas 5pm nang dumating si Maris, ang friend ni Margaux na ipapakilala niya sa akin. Hahaha, kabado ampotah! Kala niya babanat ako ng babanat. Sabi ko nga kay Margaux, sobrang okay si Maris, at natutuwa ako para sa kanila…(with a tinge of inggit by the way)

FRIDAY
Ang pinaka-haggardous day of them all--- EXEC SEM PLANNING!
Kila Rica ang aming venue. Haay, napapansin ko lang, lagi nalang kila Rica ang venue ng overnight ah. At kapag may overnight sa kanila, lagi akong nandun! Hahahahaha.
Nagsimula ang aming sem planning ng after lunch. Tuloy-tuloy ‘yun hanggang 8:30 ng gabi. Haggard naman kasi talaga ang second sem para sa Broadguild, dahil napakaraming events na magaganap--- kasama na ang Broadguild week.
12 am na kami nag-resume (dahil nagkatakutan pa tungkol kay GRACE, the Abesa mansion’s friendly resident ghost) at umaga na kami natapos.
Napakaraming trabaho na napunta sa aking committee. Good luck nalang talaga sa akin!
Pero kung maraming napunta na trabaho sa Acti, nyek, uberly dami ng napunta sa Memcom. Naawa nga ako kay Angel kasi napasubo talaga siya at ginisa talaga siya sa sem planning. Kasi naman e--- oops, tama na. Yoko na magsalita.

So there. isang week na full of action.
Kaya nga ngayong week na ‘to, stay at home talaga ako (except nung nagpunta ako ng sementeryo)
---
Sino ang COLLEGE SCHOLAR dito? Speak up!

AKO!!!!

Hahaha. Pagbigyan niyo na ako. Paminsan ko lang maranasan maging college scholar e. Sabi nga ni Mama, hindi raw niya ako maintindihan, kung kelan tambak ang trabaho ko, tsaka naman ako umaariba.
Sabi ko naman sa inyo hiyang ako sa kangaragan e.
Masaya lang talaga ako. Ngayon ko lang napansin na proud talaga ang aking parents para sa akin. Naramdaman ko lang ito nung sinabi sa akin ng aking sister habang naglalakad kami para magpa-load, “Ate, ano ba naman ‘yan, ikaw na naman ang pinaguusapan…”
Nakakaiyak. Nakakataba ng puso na marinig ang nanay mo na sa bawat kamusta sa kanya ng mga tao, maririnig mong pipilitin niyang isingit na natanggap ako sa Chalk, na matataas ang grades ko ngayon…
Thank you thank you thank you Lord.
---
Bakit ba laging sa huli ko inilalagay ang mga mushy stuff?!?

“Simula ngayon, makikipaglaro na lang ako ng makikipaglaro, at sisiguraduhin kong hindi ako unang madadapa…”

Iyan--- ‘yan ang bago kong panuntunan sa lovelife.

Nung isang araw, ininggit ako ni Shara dahil naabutan daw niya ang Cinderella Story sa HBO. Cinderella Story. Hilary Duff and naknamfotah CHAD MICHAEL MURRAY!!! Nainis ako dahil I am in dire need of a RomCom flick.
Kahapon, naabutan ko ito sa HBO. Happiness!!!

May quotation dun na naging inspiration ni Sam (character ni Hilary) para lumaban (denouement):
Never let the fear of striking out stop you from playing the game
Yun na. Game na naman.
Kung sa life per se mo ia-apply ang saying na yan, madali lang diba? Kahit nga ipa-extempo mo pa ‘yan sa akin ngayon, kayang-kaya ko. At madali lang naman kasi ‘yan gawin sa buhay e, dahil ganyan naman talaga dapat ang attitude mo.
Pero kung sa lovelife mo ia-apply ‘yan, ibang usapan na.
Wala naman kasi ako sa Cinderella Story. The Sam character and I are similar in a number of ways--- but are also different in a lot of ways. A movie like that can make one easily think na hey, oo nga ano, life is good talaga, and that somehow, my love story can have a happy ending. Pero, cmownst reality check, that’s fiction for pete’s sake! Kaya nga feel-good movie ang tawag dun e. it’s suppose to make you feel good pero you have to go back to reality after watching it.
Sam was able to get her Prince in the end. Despite the fact that the Prince has a sexy, cheerleader-ish love interest, he still chose the nerdy, dorky and plain Sam. Dahil maganda ang kanyang kalooban.
Nyek. Blech. Kalokohan.
Kaya nga fiction ang tawag diyan e. Dahil hindi naman talaga siya nangyayari sa totoong buhay.
Hence, my new mantra.
Cmownst, ilang beses na akong nadadapa…and hindi naman talaga mala-Austin (character ni Chad) ang mga ginusto kong maging Prince.
Kaya ‘yan. Ikaw, malas mo nalang. Wais na ko e. I’m getting fond of your wit and charm, but far from falling for it. Susko susko…
---

Gusto ko nang magpasukan. Para magkaalaman na.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home