ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Monday, October 10, 2005

Osha

Hay nako.

Lagi na lang akong ganito. Hindi ako magpopost sa aking blog ng napakatagal na panahon tapos soooobrang haba nung ipopost ko.

Ganyan talaga. Masaya.
---

My sem’s not yet over. Potah. Meron pa akong radio documentary script na ipapasa sa BC 103 sa Thursday at syempre…meron pa akong pasaway na exam sa Comm 120 sa 19.

Yezz--- sa 19 pa ito, tinamaan ng lintek. Sumabay talaga sa schedule ng aming block outing. Ayoko nang sabihin na naiinis ako, dahil sawang-sawa na akong mainis. Sir Chito, bakit ka ba ganyan? Potahshet, can somebody give the guy a girlfriend? Baka sakaling lumambot ang puso niya…

At gaya ng tanong ko kanina sa lahat ng tao…

Ano kaya ang purpose ni God sa pag-create ng isang taong katulad ni Sir Chito?

Owell.
---

Nung Sunday lang ako nagpakitang muli sa mga co-lectors ko sa church. At isa lang ang tanong nila---

“Kala ko ba stressed ka? Eh bakit tumataba ka?”

Well well well--- FYI, mas bumabagal ang metabolism ng isang tao kapag nagpupuyat siya. Eh paano pa kaya kung ‘di siya natutulog?

And guys--- pag stressed ako, I resort to mindless BINGE eating. Kamusta naman?!?

Pero pero pero. Promise. Magda-diet na ako.

Oo na--- naririnig kita Keina. Alam kong ilang beses mo nang narinig ‘yan at ilang beses mo na ring nakitang hindi ko sinunod ‘yan, pero you have to trust me on this. Kailangan ko na talagang bumalik sa pagka-sexy ko. Hahaha.
---

Sasabihin ko na ang totoong rason kung bakit ako umalis sa JOMBOY SQUAD.

But before that, ieexplain ko muna kung ano ang espesyal na squad na ito.

Sabi nga ni Bam, “Kung wala ka Diane, walang jomboy squad…”

Wala naman talagang eksatong “reason for existence” ang jomboy squad. Naisip ko lang na ang mga members nito (namely Julius, Bam and Menard…paminsan-minsan si Tatang AJ), hindi ako nirerespeto bilang babae na para bang ang respeto nila e parang ako si Godfather/Bosing nila. So there.

Kaya ako umalis sa jomboy squad e dahil lahat sila dun ay in love (well, ‘di ko alam kung in love si AJ pero irrele naman yun dahil di naman namin siya madalas lasama). OP ako. Isa pa, napagkakamalan na talaga akong tibo. Which is…not so true. Hindi ako tibo. Bisexual siguro--- pero wala pa naman akong immediate plans para I-apply ang aking pagka-bisexual.

Bam, Julius at Menard--- Okay lang yan. Kayo pa rin ang aking UUBs- Ultimate Utility Boys. Pwede niyo pa rin buhatin ang bag ko.
---

Ginanahan na naman akong magsulat. Cmownst. (Ang lame ng introng ito)
---

Nakita ko siya.
At tumalon ang aking puso. Siya na nga kaya?, tanong ko sa aking sarili. Siya. Siya na nakakapagpangiti at nakakapagpatawa sa akin kahit gaano kasama ang aking pakiramdam o kahit gaano kapangit ang aking araw. Siya na nakahuli ng aking kiliti. Siya na nagpahid ng langis sa kinakalawang nang kadena ng aking puso--- ang natatanging nakapagbukas nitong muli. Siya. Siya na nga kaya?

Nakita ko siya.
At bumilis ang pintig ng aking puso. Siya na nga kaya?, tanong ko sa aking sarili. Siya. Siya na nabubuhay lamang dati sa aking diwa at mga panaginip--- siya na sa hinagap ko’y hindi ko naisip na makikilala ko. Siya na nagturo sa akin kung paano mangarap muli. Siya na nagbigay sa akin ng dahilan upang gumising sa bawat umaga na may ngiti sa aking mga labi. Siya na tumatatak sa aking isipan bago ako matulog sa gabi. Siya na nagpaniwala sa aking kaya ko pa palang umibig muli. Siya. Siya na nga kaya?

Nakita ko siya.
At kinabahan ako. Siya na nga kaya?, tanong ko sa aking sarili. Siya. Siya na nagbibigay kulay sa aking mundo. Siya na nagturo sa akin ng kagandahan ng katahimikan--- siya na nagturo sa akin na minsan, mas marami ka pang nalalaman sa katahimikan. Siya na naging dahilan upang mahalin ko pa lalo at bigyang halaga ang aking sarili, upang maging masaya ako sa kung ano ako. Siya na siyang nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Siya na bumuo sa aking tagpi-tagping pagkatao. Siya. Siya na nga kaya?

Nakita ko siya.
At nanikip ang dibdib ko. Siya na nga kaya?, tanong ko sa aking sarili. Siya. Siya na nagturo sa akin ng totoong kahulugan ng paghihintay. Siya na nagpakilala sa akin ng salitang pasensya. Siya na naging matiyaga sa akin sa kabila ng aking mga pagkukulang. Siya na nakakilala at nagmahal sa totoong ako. Siya na nagparamdam sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Siya na nagpaalala sa akin na may pagtatangis din sa pag-ibig--- na hindi lahat ng pumapaloob dito ay maganda at masaya, na mayroon ding malungkot at mapait na aspeto ang pag-ibig at kailangang handa kang tanggapin at harapin ang mga ito bago mo masabing ika’y umiibig na ngang totoo. Siya na nagpagpakilala sa akin sa salitang pagbangon--- na nagturo sa akin na bumangon muli sa bawat pagkakadapa. Siya na nagpakilala sa akin ng aking lakas. Siya na nagbigay kahulugan sa aking buhay. Siya na nagturo sa akin kung paano magpatawad. Siya. Siya na nga kaya?

Kaba. Takot. Saya.

Siya. Siya. Siya. At siya. Magkakaiba ang bawat siya. Sila’y pulos mga siya. Pero---
Sino kaya ang totoo at tunay na SIYA?
---

‘Yun na. Tuldok.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home