ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Tuesday, August 02, 2005

Mga kwentong dulot ng STRESS

Okay. Kailangan n’yo akong palakpakan. I HAVE SURVIVED MY MOST STRESSFUL DAY(YET!) FOR THE WEEK!

Oh well. Alam ko naman na haggard talaga ang aking sked kapag Monday, pero pero pero, nung mga unang linggo e wala pa akong production sa BC 121. Bale, ito ang mga factors kung bakit ngaragerks ako kahapon.

Dumating ako ng UP ng 7:45 am. Aba, marami nang tao. Balak ko kasing I-record pa sa tape ang news theme na gagamitin ko, baka kasi mag-hang o di gumana yung CD. Balak ko rin I-consult kay Kuya A kung tama ba ang graphics na gagamitin ko mamaya bago ko idikit. Pagdating ko dun, keri na daw yung graphics ko kaya mas inuna ko ‘yun idikit kesa I-record yung news theme ko.
Pagdating ni Keina, pareho kaming kabado. Aba naman, malamang halos pareho kami ng nararamdaman, e magkaklase kami buong araw e. Napag-usapan namin na late kaming papasok ng CommRes 101 at umiskema muna kami kung paano kami mag-aaral for Comm 120 under Sir Chito dahil may graded recitation kami mamaya.
Pagpasok ng CommRes, wala pa si Ma’am Kate--- wala pa rin kaming kalahati sa klase. Bwakanangshet. Dapat pala mga 9 kami pumasok e.
Hindi kami maka-concentrate ni Keina sa class. Pareho kaming kabado. In just a few hours, parang death day naming dalawa. Prod tapos graded recitation. Parehong magaling ang prof namin sa parehong subjects.
First prod jitters plus cramming in memorizing quite a number of provisions in the constitution = butterfly garden in my tummy.

So there.

Pero mahal talaga ako ni God. Naging maayos ang prod ko (although I must admit na I’ve was a bad crew). Nakalimutan ni Sir Chito ang graded recitation. Masarap ang ulam namin pag-uwi ko (haha!).

Hindi naman perfectly okay ‘tong araw na ito. But then again, I am really surprised na hindi ako nahimatay, naiyak at natulala sa kalagitnaan ng kangaragan ko kagabi.

Thank you Lord.
---

Bago matapos ang class ko kay Sir Chito, inilista ko na lahat ng mga kailangan kong gawin in the following days. To say na marami akong gagawin is an understatement. Uberly dami…uberly nakakapagod na nga iniisip at sinusulat ko pa lang. Kailangan ng careful planning at organization. Off una ang tamad mode. Let’s go for academic excellence!
---

May trumawag sa akin kanina. Si Belita. In fairness ha, ang tagal ko na ring walang narinig from her. Tagal ko ring naghihintay ng update kung kamusta na sila ni Bedoy. (DZUP, miss na kita!)
Yun nga. Tumawag siya sa akin. Naiinis. Nakakainis daw si Bedoy.
Nang tinanong ko siya kung bakit, ikinuwento niya sa akin (medyo mahaba-habang usapan ito) nitong mga nakaraang araw, nawawalan na raw siya ng gana kay Bedoy. Basta ang gulo na raw ng utak niya pagdating sa aspeto na yun. So she decided to focus on much more important things like her career. Kasi mukha naman daw walang pinapatunguhan ‘yung sa kanila ni Bedoy.
Nakakatuwa itong si Belita. Kasi kinukwento niya na simula nung sinubukan niyang balewalain si Bedoy, parang dumapo na naman daw sa isipan niya na napakarami pang ibang lalaki sa kanyang paligid. Sa trabaho niya, at kung saan man siya mapadpad, laging nakakakita siya ng lalaking pakiramdam niya, way better kesa kay Bedoy.
Mas GWAPO, mas APPROACHABLE, mas LALAKI, mas MALANDI, at mas GENTLEMAN kesa kay Bedoy.
Nakasalubong raw niya si MR. PERFECT na dati n’yang crush nung isang araw. Nakasakay ito sa caru niyang kasing gwapo niya. Pareho pa rin ito ng dati, sobrang gwapo pa rin at sobrang saya kausap. Sabi ni Belita, si Mr. Perfect daw ang example ng kanyang ideal guy.
Tapos nakausap naman niya nung isang araw si TUPAC, ang uberly crush niya bago si Mr. Perfect. Trophy naman ito. Hindi kasing ideal ni Mr. Perfect, pero maraming koneksyon sa maraming bagay.
At yun nga, bukod pa raw sa dalawang ito, marami pa siyang nakikilalang haracheck na kalalakihan. Kaya naisip raw niya, bakit ba pinapaikot niya ang buong mundo niya dito kay Bedoy?
So yun na nga. Medyo nawala muna ang focus niya kay Bedoy. Medyo wala naman raw siyang napansin na pagbabago kasi naman di na naman talaga sila madalas nag-uusap.
Kaya sabi ko, e bakit ka naiinis?
E kasi naman daw, may tinatrabaho sila ni Bedoy kanina. So nung una niya itong nakita, keber lang daw, tuloy pa rin sa pagtatrabaho. Pero dumating daw sa point na kailangan nilang tapusin ang isang mahalagang trabaho nang magkatulong. Habang nagtatrabaho raw sila, bigla raw siyang binulungan ng kanyang konsensya,

“Belita…Belita…ang hot ni Bedoy sa suot niya, ano?”

Nainis si Belita sa kanyang konsensya. Kaya hindi niya tinignan si Bedoy. Aba, aba, at para bagang nananadya raw ang pagkakataon, pinagharap sila ni Bedoy. At doon--- doon tumambad sa kanya ang isang gwapong Bedoy.
Tumili si Belita. Ang sakit sa tenga! Naiinis daw siya. Bakit kailangan pa raw ba kasing gwapo si Bedoy sa pagkakataong iyon?
Sabi ko naman sa kanya, akala ko ba sai mo ayaw mo munang isipin siya?
Oo daw, sabi niya. Alam naman daw niyang nun lang naman daw yun. Sa mga susunod na raw, wala na raw ulit.
Hay Belita, cool ka lang.
Para naman kay Bedoy, kung alam mo lang kung gaano nahihirapan si Belita, kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga para kay Belita…tsktsktsk. Sana balang araw, malaman mo rin, bago pa tuluyang mapagod si Belita.
Haha.
---
Happy Birthday Keina! Sana…sana sumeksi ka pa lalo. At sana…sana sumaya ka pa lalo. Mahal kita Mare! Maraming nagmamahal sa’yo! (Bakit green? kasi favorite color ni Keina 'to e!)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home