ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Friday, October 14, 2005

Paminsan talaga e...

My semester is officially over---

Pagkatapos ng exam ko sa Comm 120 sa Wednesday. Blech.

Kung maipipinta ko lang ang aking mukha noong nalaman kong sa 19 pa magpapa-exam si Sir Chito, duuy, ipipinta ko talaga ito. Kaya nga lang, hindi na talaga siya maipinta. Nasambit ko na yata lahat ng invectives na pwede kong sambitin sa galit. For the first time, hiniling ko na mas maaga na lang ang exam. Bakit kamo? Dahil ang aming block outing ay naka-schedule ng 18-19. Kamusta naman?!?

Haay, Sir Chito talaga, paminsan…tsktsktsk.

Pero pero pero…in fairness naman sa kanya, hindi man nawala ang galit ko sa kanya ng 100%, na-reduce naman ito to about 59% kagabi.

Kung ikaw ang magkaklase ng mula 2pm hanggang 11pm, matutuwa ka ba? Aba syempre hindi. Pero dahil si Sir Chito ang nagpatawag ng klaseng iyon, wala kang magagawa kung hindi pumasok. Isipin mo na lang, buong panahon na nagkaklase kami, nakakandado ang aming classroom mula sa labas, at ang tanging beses na pinayagan kami lumabas ay noong pinakuha na sa amin ang cold refreshments na pinadala sa amin.

2 pm: nagsimula kaming manood ng ABSENCE of MALICE, isang lumang pelikula na hmm, intellectually stimulating. Ang tanging nakapagpagising lang sa akin at nakapagbigay sa akin ng motivation na panoorin ang pelikula ay ang thought na may itatanong si Sir Chito tungkol sa pelikula sa exam namin sa Wednesday.

4 pm: Klase na--- last lecture day na ni Sir Chito. Masaya naman, kahit na noong kalagitnaan na ng lecture ay mukhang nawalan na ng bias ang kapeng ininom ko at inantok na ako. Pero dahil joke ng joke, pulos kwento at bigla na lamang ibabagsak ni Sir ang kanyang kamay sa mesa, hindi ko nagawang matulog sa kanyang klase, gaya noong isang Lunes. Oo. Nakatulog na ako sa klase ni Sir Chito. Hahaha.
Kinilig ako noong bandang huli na ng lecture dahil ginamit niya akong example.

“Nasaan na si Ms. Maling? O kunwari, si Ms. Maling isang nurse…chever chever chever…”

8:30 pm: Pagkatapos namin kumaripas nila Angel sa CR para umihi, pasok kami sa loob ng room para sa pangalawang film showing--- manonood kami ng original na Dr. Doolittle (tama ba ang spelling?). Masaya naman ang movie na ito (nakakatawa dahil yung bidang babae, matapos maputikan at madapa sa gubat dahil nakamahabang damit, ay nag-emote at kumanta ng “I’m at the crossroads of my life…” hahaha!) pero mas na-enjoy ko talaga ito dahil---

KATABI KO SI SIR CHITO!


Hahahahaha. Kahit na inubos niya ang popcorn ko, kahit na halos hindi ko naintindihan ang pelikula dahil sa kakakwento at kakakulit niya, at kahit na nung huli eh nautusan pa niya akong bumili ng top hat, ayos lang…sulit na sulit.

Sir Chito: Sir ha, hindi nag-sex yung dalawang bida. ‘Wag niyong kakalimutan, yung kapalit ng top hat ha…

Yintayii…
---

Pakiramdam ko ang saya ng week na ito. Ang daming pasabog. Pero ang isa sa mga pinakamalaking pasabog ngayong linggong ito ay ang aking meryenda date with Cong. Gilbert Remulla, Cong. Chiz Escudero and Cong. Darlene Custodio.

Ganito ‘yan. Kailangan kong mag-interview ng mga mambabatas para sa aking final paper sa BC 103 (kaya nga ba mahal na mahal kita Mam Iris e!). At talagang spinecify ko kay Papa kung sinu-sino ang mga gusto kong makapanayam. True enough…haay…pwede na akong mamatay!

Ang ipinakain nila sa aking tuna panini ang isa sa pinakamasarap na pagkain na kinain ko sa buong buhay ko…haay…
---

SIYA. Siya ay dumadagdag na kamo sa maikling listahan ng iba pang siya na nagbibigay ng kakaibang kulay sa aking mundo ngayong mga panahong ito. Siya ang taong nakapagpaisip sa akin kung totoo ba ang lahat ng ito. Siya ang taong nakita ko sa aking panaginip. Siya ang taong ayoko naman talaga noong una, ngunit sabi nila, okey naman daw siya. Siya ay isang mabait at masayahing tao. Siya ang dahilan kung bakit wengwang ako noong isang gabi. Siya rin ang dahilan kung bakit gusto ko nang magpakababae. Siya. Ayoko siya. Pero unti-unti ko na rin siyang nagugustuhan.

Tuldok.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home