ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Wednesday, July 05, 2006

Pre-Birthday thoughts

Anong meron sa pagbi-birthday at nagiging sobrang emosyonal ang isang tao?
Take note--- emosyonal. Hindi malungkot. Hindi masaya. Hindi galit.
Halu-halong emosyon.
Hay…para akong nababaliw!
---

Speaking of pagkabaliw, konti na lang talaga at mababaliw na ako sa DAMI at TAMBAK na kailangang gawin. And I won’t bore you guys by enumerating all of the things na kailangan ko gawin, kasi ‘pag binanggit ko na naman lahat, para ko lang pinagod at pinahirapan ang sarili ko.
Okay lang naman sa akin ang maraming gawin--- basta naman kailangan ito matapos at kung para naman ito sa ikauunlad ko, ng mga tao sa paligid ko at ng bansang Pilipinas, kebs na sa kapaguran.
Ang tanong ko lang, anong kaunlaran ang makakamit ko kapag nagsukat ako ng P228, 850 worth na skirt sa Escada? Ano ang maitutulong ko sa kaunlaran ng Pilipinas kapag nalaman ko ang 4’Cs ng isang diamond? At bukod sa pagkalasing, ano ang mapapala ko kapag tumikim ako ng cocoa liqueur, café liqueur at irish cream?
My point: okay lang mapagod, basta alam kong may kabuluhan ang pinagpapaguran ko at pinagkakagastusan ko. Nakakainis kasi pilit kaming ginagawang shala, eh hindi naman at ayaw naman naming maging shala. Nakakainis kasi nakakapagod pumunta ng Ortigas para lang maglaway sa mga damit na hindi ko naman mabili. Nakakainis dahil kailangan mo pang isiksik sa masikip at umaapaw mo nang mga schedules ang mga ganitong bagay. Nakakainis dahil ang klaseng nagre-require sa amin na gawin lahat ng kahibangang ito ang pinaka-ayokong klase sa sem na ito.
Shet. Lalo akong nase-stress.
---

Binabasa ko ang mga luma kong blogs. Oo--- meron pa akong mga lumang blogsites. Iniiba ko kasi dati, depende sa kung sino ang boylet ko. Hahaha. In fairness ha, ang blog na ito ay napagdaanan na ng maraming boylets, hindi lang isa.
Binalikan ko ang kauna-unahang kong blog, yung tungkol pa kay Ralph. Tawa ako ng tawa kasi ang drama-drama ko doon. Tsktsktsk. First heartbreak. Iba talaga.
Naisip ko lang habang binabasa ko ang mga entries ko dun--- wahaha. Ipapabasa ko nga ‘to sa kanya. Para lalong ma-wengwang. Hmm…may panahon palang martir si Diane?!? Bakit ngayon hindi na? (nga ba?)
Pero seriously, nung binabasa ko ang mga nakalagay ‘dun, ang aking mga accounts sa aming kwento ni Jacket guy, napansin ko ang maraming pagkakapareho nito sa sitwasyon ko naming ngayon. May mga kaibahan din naman--- gaya ng mas malandi na kami ngayon, hindi na ako ganoon kahayok at kahapit sa mga moments, and I must say, malaking kaibahan din na hindi na ako praning.
Gaya nga ng sabi ko sa kanya, masaya na ako na ganito kami. At alam ko, alam namin, na ma-elevate man ang kung anong meron kami to the next level o hindi, ganito na kami. Ganito na kami kasaya, kalandi, kakulit---- basta hindi na magbabago ang kung pano naming tratuhin ang isa’t isa.
At okey ako doon. Oo, okey lang sa akin ‘yun.
Hindi naman kasi ibig sabihin nun eh nililimitahan ko na ang sarili ko sa ibang bagay (read: lalaki) dahil sa kanya. Neknek niya noh!
Basta ngayon ‘tol, fight lang ng fight. Happy lang. diba mas okey naman?
---

Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin pinapangalanan kung sino ang lalaki iyon?
Susko, kailangan ko pa bang sabihin? Sino pa bang walang alam tungkol dito?
Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
---

Happy birthday to me! Hay… ano kayang mangyayari sa birthday ko bukas? Tanda ko na!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home