ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Tuesday, September 13, 2005

Kahit ano pang sabihin niyo...

Ayoko na. Talaga.

Ayoko sa lahat yung ina-underestimate ang aking pagka-bitch. At tipong ginagago ako. Not to mention binabastos.

Sa akin lang, nung inuman, ang usapan, walang lalabas na info. Kahit na may tama ako nun, I can vividly remember na may ganung usapan. Kaya nga kahit nagtampo na ang mga nasa Inner Cirque na wala sa inuman, ‘di pa rin namin sinasabi o kinukwento sa kanila ang mga nasagap naming confidential information nung inuman.
Pero ‘yun nga, kung sabagay, hindi mo naman mapipigilan kung meron talagang makakati ang dila at parang mamamatay kapag hindi nila ito naichismis sa ibang tao. Sa akin, keri lang ‘yun. Pero dyoske, sana naman hindi distorted ang info--- kasi parang issue na nga na sinabi mo sa ibang tao, issue pa na distorted ang pagkakasabi mo.
Tsktsktsk. ‘Wag ganyan. Umiinit ulo ko sa’yo e.

Isa pa. Pagod na akong manghula.

Pagod na akong isipin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit hindi ako kinakausap ni JV. Dahil ba nalaman niyang may gusto ako sa kanya? O may galit ba siya sa akin? Kasi parang nakakagago naman na ang ayus ayos ko siyang sinubukang kausapin e di ako pinansin. Ng tatlong beses.
Kung ayaw mo akong kausapin, for whatever reason you have, susko naman, tratuhin mo naman ako kahit bilang tao lang. Hindi yung ginagawa mo kong tanga sa harap ng ibang tao. Dahil sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginagawang masama sa’yo. Hindi ko naman hinihiling na chummy pa tayo noh, pero sana naman ‘wag mo kong bastusin kapag kinakausap kita ng maayos.

Hay nako. Pagod na akong isipin ang dalawang bagay na ‘yan. Tinatanong ng mga tao if I’ll seek revenge or something--- duuuy…hindi ko papatulan ang mga cheap acts na ‘yan. Mas marami pang bagay na dapat pagtuunan ko ng pansin. Hindi naman ako mamamatay kapag hindi ako kinausap ni JV e.


Sana lang, 'wag kalimutan ng ibang tao na bitch ako sa totoong buhay.

Sabi nga nung manghuhulang pumunta dito sa bahay namin, mabait daw ako, pero--- masamang magalit.

Wednesday, September 07, 2005

COMMENT GALORE...at isang PASABOG!

Hindi na ako e-effort pang magpaka-demure, magpakabait o magpaka-friendly.

Sawa na rin akong magpaka-discrete at guarded pagdating sa pagkukwento o paglalabas ng feelings ko regarding you.

Because that’s what I’ve been trying to do the past f***ing weeks. Tama na. Pagod na ako.

Eto na siguro ang blog na pasabog sa lahat ng pasabog.

(At dahil ang alam ng mga tao eh tinatamad na ako magsulat ng blogpost, tignan natin kung minutes or hours after posting this eh may magko-comment na.)

…and speaking of comment, dito ko na pala ibubuhos ang lahat ng comment ko tungkol sa lahat ng bagay, tao o pangyayari. Potah para matapos na ‘to.

COMMENT NO. 1

Napapagod na ako dito sa bahay. Napapagod na ako sa nangyayari dito. Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang pagpapa-ayos namin ng bahay at halu-halo na ang mga elementong nagiging dahilan ng kapaguran ko---
Pagod ka na nga sa school, ang ingay-ingay pa pagdating mo dito. Ang gulo-gulo ng bahay! Tapos hindi pa ako makapaghubad o makapagbihis ng maayos kasi may mga karpinterong bigla na lamang sumusulpot sa may bintana ng kwarto ko. At dahil wala si Mama dito sa bahay dahil makakasama ang alikabok, kaguluhan at amoy ng pitura sa kanya, ako na naman ang in-charge. Minsan, parang nakakalimutan na nila ni Manang na estudyante pa pala ako, at kinakailangan ko ring mag-aral, at pag-uwi ko sa bahay, minsan, sa sobrang daming ginagawa, gusto ko na lang magpahinga.
Nakakapagod. Pero alam ko namang wala akong karapatang magreklamo dahil mas napapagod si Papa sa akin sa mas maraming aspeto.

Speaking of Papa, tuwang-tuwa ako noong weekend. Kasi kami lang ni Papa ang naiwan dito sa bahay. Mula Friday hanggang Sunday ng umaga, bonding kami. Lalo na nung Saturday. Pagdating ni Mama dito, ako lang ang anak na binitbit nila kung saan-saan. Sa akin lang sila nakinig, at ang order ko lang ang pinansin nila. Tapos, nung pagpunta ko sa Final Production ng FGs, sinundo pa ako ni Papa pagkatapos. At pag-uwi, nanood pa kami ng Pinoy Big Brothers na hindi naman namin pinapanood pareho pero napag-tripan lang naming panoorin. Nagsimba pa kami at nag-breakfast ng sabay kinabukasan.
Hindi naman ako nagiging selfish. Pagbigyan niyo na ako. 5 years lang akong naging only child. At bilang panganay, ako sa aming tatlo ang pinakamatagal nang hindi nalalambing ng parents ko. Masarap lang na maramdaman ko ito ulit, kahit isang buong weekend lang.

And speaking of WEEKEND

COMMENT NO. 2
Bakit ba masyadong interesting ang past two weekends ko?

This weekend naman, sobrang saya! Nakakabusog at nakakautot. Nakakabusog dahil sobrang daming pagkain. Nakakautot dahil sobrang tawa kami ng tawa!

Simulan natin ng Saturday. So yun na nga, kasama ko ang aking paryentes na nag-lunch. Sa OLD SPAGHETTI HOUSE. At dahil ako lang ang anak na kasama nila, lahat ng gusto kong orderin, keri lang. So umorder ako ng Seafood Marinara, which turned out to be one big serving of a very delicious pasta. Tapos umorder pa si Mama ng Apple Cinnamon Bread na uberly sarap din. Oh, and nag-appetizer pala muna kami ng uberly sarap din na Onion Rings.

So there. Sabi ko sa aking tummy, magtiis muna siya na walang meryenda, dahil aattack kami sa Final Prod ng FGs mamaya na ang balita ko ay marami daw ihahandang pagkain.

Nagkita kami ni Roro sa SM dahil bibili kami ng aming costume for the Final Prod (dahil maarte ang Acti. Bago pala ang lahat--- nais kong batiin ang aking committee dahil perfect attendance kami noong nakaraang GA. Ngayon, kailangan ko pa bang sabihin na magaling kami?!?) At dahil pareho kami ni Roro na mayroong matakaw na mga tiyan, nag-coffee nalang muna kami sa STARBUCKS. Aba, minsan, dapat tinitreat rin natin ang ating mga sarili sa isang masarap na kape!

So there. Attack na kami ni Roro sa Final Prod ng mga FGs. In fairness, compared to the past final prods, shala (sosyal) ang final prod nila, ha! At attack talaga kami ng mga pagkain. In fairness, sinunod nila ang mga pagkain sa aming wish list! Sarap!

Saya ng Final Prod nila. Ang aking mga paborito: syempre, ang buddy ko, nakuuuu, ang kalandiang ginawa ni KAI sa kanilang Final Prod ay parang ang kalandiang ginawa ko nung Final Prod namin--- minus the seduction and sex scene. Si DAN. Potah, halimaw sa kalambutan ng katawan! In fairness sa kanya talaga, kahit mataba siya ha, can giling so much! Si BEBANG. Tangina, bida pa sila ni Julius ( na sumunod sa yapak ni Bam at naghubad ng polo na sobrang nakuu…nandiri na naman kami sa block!) Iba talaga si Bebang…pati yung accent niya…nawala talaga ang natitirang respeto ko sa kanya sa kakatawa! Si FREYA. Haysus…sexy kung sexy ito! not so very Freya pero ginawa niya…which made her one of my favorites. And of course, my favorite of all time…c BOGART! este si JALI (Naku, masaya na naman si Klara). In fairness sa FGs, nagulat ako nun ha. Ganito kasi yun…

Before Final Prod:

Karol: Uy Diane, May itatanong kami sa’yo. Sa tingin mo okay lang kaya gumamit kami ng pangalan ng isang guilder sa isang scene, iniisip kasi namin si Pam e. pwede bang ikaw na lang? Kasi may scene dun si Jali, magsasabi siya ng dati niyang pangalan nung babae pa sya…blah blah blah…

Diane: (hindi masyadong na-gets dahil gutom na) Ah, okay lang kay Pam yun, di naman pikon yun e…

Final Prod:

Other Characters: Sige na Bogart (si Jali, as jomboy)…sabihin mo na, ano nga bang pangalan mo dati?

Jali: Ayoko nga…

Other Characters: Dali na…ito namang si Bogart o…

Jali: O sige na nga…DIANE ISABELE bakit?

Potahsheeeeet. Ako? Bogart? Jomboy?

At bukod sa Final Prod nila, natuwa rin ako kasi ang daming guilders na nagpunta, at ang dami ring alumni. Nakita ko na pala yung sinasabi ni Klara. Pakiramdam ko rin hindi kami magkakasundo. Dahil bitch na nga kami ni Klara, mas bitch pa siya. At dahil ang guilders ay hindi masyadong mahilig sa pictures, c’mownst, mga more than an hour yata kaming nagpipicture.

Basta ang saya ng Final Prod nila. Amazing.

Sunday naman. Kinakabahan kami kasi magsasayaw kaming Chinky Maers sa Megamall. Event ito ng Cartoon Network. Yez….sumasideline na rin ako ng pagsasayaw ngayon. Basta. Attack kami sa bahay nila Dohna (na sobrang hirap hanapin) upang magpractice. Grabedad, come lunch time, grabe, sarap! TALANGKA, CRISPY PATA and ADOBO plus so many COKE…Diet? Anong diet?

Tapos eto na. Attack na kami sa Megamall. Nag-power nap muna ako sa taxi dahil sa kabusugan ko sa kinain namin kila Dohna. Pagdating dun, hala after few moments of waiting, hala, dahil late daw darating si Atom, mauuna raw kami. Keri lang. Para matapos na.

Okay naman ang naging sayaw namin. Pero mas okay ang meryenda namin at ang iba pang saaaaaaarpreeeeeeza pagkatapos. So pagkabalik namin sa backstage, inabutan kami ni Ate Aja (na pinsan ni Icang) ng mga paper bag na naglalaman ng freebies from Cartoon Network. Natuwa ako dahil may laman na bag sa loob at thermo-tumbler. Coffee and bag….haracheck!

Meryenda na. Attack kami sa ALMOND MARINA. Pero to our surprise, open bill pala ang aming kakainin. Meaning, kain lang ng kain. And that’s what we really did. Kain lang ng kain hanggang sumakit na ang mga tiyan namin.

But wait. There’s more.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain, inabutan kami ni Aja ng mga yellow cards. Ano ito?!? P500 worth of GIFT CERTIFICATE from TOWER RECORDS! Potashet again. So attack kami sa Tower pagkatapos at nakabili ako ng Spongecola at Session Road (!) na cds. Ayus!

Pag-uwi ko sa bahay, may pasalubong pa sa akin sila Papa na AVENETTO food. Attack pa rin. Tapos, tulog na…sarap sarap ng tulog ko…

Teka, parang wala naman akong masyadong comment dito. Parang nagkwento lang ako at nang-inggit. Oh well.

COMMENT NO. 3

Tungkol naman ito sa org.

Naalala ko lang kasi yung sinabi ni Klara, na may mga comment daw na ang aking committee, ang Acti, ay masyadong into the committee thing. Siguro kasi lagi naming binibida ang sarili namin. Or masyado kaming maka-Acti.

Well, hindi ba dapat talaga ganoon? Sabi nga ni Pam, we have to start being committed to our own committees. And tama si Klara, kung lahat ng committee, mamahalin ang kani-kanilang mga committee gaya namin, edi mas masaya ang trabaho. Hindi naman kami nakikipag-compete e…gusto lang talaga namin maganda at maayos ang committee namin.

Bakit, so far naman, FOPC lang problema namin a. And the problem there is beyond our control already. Radio talk--- check naman a! GA Attendance---check parin. Pati attendance sa ibang activities--- chumecheck naman kami kahit papaano!

Now--- sa FGs naman.

Yung naging issue nung Thursday, wala na yun ha. Ako personally, nagso-sorry na kailangan niyo pang makita ang isang imperfection ng aming org. Pero yun nga, preno lang ng onti sa mga komento dahil baka may makarinig sa inyo.

Ilang weeks na lang, INDUCTION niyo na. Sabi ko nga kay Chris, sa event na ito ninyo maiintindihan lahat ng sinabi namin sa Pep Talk. Speaking of Chris, napapansin ko, itong FG lang na ito ang talagang sumeryoso ng “drawing the line” between the FGs and guilders. Not na it’s a good thing, though. Nakakainis, actually. Kasi hindi naman niya na-contextualize yung sinasabi namin. Pero nahihirapan akong I-explain sa kanya kung ano yung ibig naming sabihin. Buti nga good mood ako kahapon kaya pinalampas ko yung pagkakasigaw niya ng iklayt in my face na “Eh yun naman yung gusto niyo, diba?”

Hmp. Keri lang. May induction naman. Hahaha. Bitch talaga ako.

At syempre…ang pasabog na COMMENT NO. 4
Nagulat ako. At natakot at the same time.

Bakit kamo?

Dahil hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat naman ng pwedeng maging magkakilala e sila pang dalawa.

Syempre hindi niyo gets, diba? Sa tingin niyo ba, isisiwalat ko ang pangalan niya (ni Peeves) ng basta-basta sa blog na ito?

Hahaha. Seriously, wala na akong pakialam. E hindi na naman niya ako kinakausap e. And there are countless possibilities why he won’t talk to me anymore--- including the fact na alam na niya na may gusto ako sa kanya and he’s too immature kaya ganoon ang ginagawa niya. Pero whatever the reason is, wala na akong pakialam. Ayaw naman ‘ata niyang sabihin sa akin e. As much as wala akong magagawa kung ayaw na niya ako pansinin, wala na rin siyang pakialam kung anong gagawin ko.

Okay. Linawin natin ha. Sino ba talaga ang taong tinutukoy ko? Well, si Peeves ang tinutukoy ko. Alam ko na ang susunod na tanong niyo. Sino si Peeves?

Si Peeves ang taong mahal ko na hindi na ako kinakausap ngayon. Si Peeves ay blockmate ko. Lalaki siya, pero sa ginagawa niya, lalaki lang siya, pero hindi siya gentleman. Si Peeves ay isang taong, kahit hindi na ako kinakausap, kahit na naiinis ako sa kanya, wala pa rin, wala pa ring epekto--- mahal ko pa rin siya. Oo, siguro nga mahal ko siya. Hindi naman mahal na mahal--- mahal lang. Hindi siya perpektong tao. Napakaraming bagay na hinahanap ko sa isang lalaki na hindi ko naman nakikita sa kanya, but despite that, gusto ko pa rin siya. Kaya ‘wag niyo akong tatanungin kung anong nagustuhan ko sa kanya, dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag ang bagay na ‘yan.

Pero---okay, Diane…mahal mo na si Peeves and all, pero sino nga siya?

Si Peeves ay si….ang pangalan niya ay…

JV. There. Minsan, Javie pa daw. Susko, di naman kailangan buong pangalan, diba?

So there. Nasabi ko na.

Sino naman yung kakilala niya na ikinagulat ko? Si Ralph. Oo. Kakilala niya si Jacket guy. As in. Liit ng mundo, noh? At ako ang biktima ng kaliitan nito.

Pero yun nga, more than sa pagkagulat ko sa pagkakakilala nila, mas nagulat pa rin ako sa biglang hindi pagkausap sa akin ni JV. Keri lang naman sa akin e, kung galit siya, naiilang, nahihiya o naasar. Seryoso. Nung inamin ko ‘to sa sarili ko at sa blockmates ko, hinanda ko na rin ang sarili ko sa lahat ng pwedeng mangyari---

Isa lang naman ang pakiusap ko. Sana naman ‘wag mo naman akong pagmukhaing gago, dahil hindi naman kita pinagmumukhang gago sa ibang tao. Inilalagay pa nga kita sa pedestal e. Kung hindi mo ako feel, sana man lang maging civil ka…huwag mo naman akong pagmukhaing tanga--- dahil kahit gaano pa kita kamahal, hindi pa rin kita binibgyan ng karapatang pagmukhain akong tanga.

So there. Nasabi ko na. Wala na itong bawian.

Haggard.

Monday, September 05, 2005

WENGWANG...WENGWANG...WENGWANG!!!


Medyo matagal-tagal rin akong hindi nakapag-post dito sa aking blog. Sooooobrang tinamad talaga ako magsulat. Pero pero pero--- pagkagising napagkagising ko palang ngayong araw na ‘to e alam ko na na kailangan ko nang mag-update ng aking blog. Dahil masyado nang maraming naganap.

So there. Bakit nga ba WENGWANG DAYS ang title ng post na ito?

Una sa lahat, ano nga ba ang wengwang? Kanino o saan nga ba ito nagsimula?

Hindi ko rin alam. Basta one day, narinig ko na lang ang salitang ito at parang na-associate ko siya sa isang state of chaos and disorder. So there.
Napakarami ko palang wengwang days kung ganon.

Simulan natin sa aking WENGWANG WEEKEND.

E so yun na nga. Aba aba aba, very very long ang ngarag weekend ito na supposedly ay time for recreation and relaxation ko. But no, panganay duty calls and I have to be the very responsible and masipag eldest child of my mother and my father. Hahaha.

So there. Friday hanggang Sunday na wala sila Mama.
Friday: pagkatapos ng very haggard moments ng paghuhugas ng pinggan at pag-aayos ng bahay, maaga akong nakatulog dahil pagud-paguran pa ang drama ko. Pero pero pero nagising ako ng madaling araw ng
Saturday: only to find out na ang inayos kong mga kagamitan at kabahayan bago ako matulog ay parang dinaanan ng bagyo and hurricane in one. Mula sa aking kwarto (bakit kaya ako hindi nagising habang nagugulo ang kwarto ko?) hanggang sa aming living room…naknampotah, kalat on the leeeeeerr! At sino ang may sala? Ang aking ragnarok-addicted brother/psycho. At syempre, hindi ko naman pwedeng iwanan na nakabuyangyang ang kalat dahil haggardus para sa lahat ng tao ito. So may I linis ako at hindi ko napansin na 2 am na pala ako natapos. Haggard talaga.
At syempre, buong Sabado, talaga namang todo sipag ako bilang tao. Linis, luto, laba, grocery…
At nung gabi, sunod-sunod na haggard moments pa! Muntikan na akong ipa-cover sa isang JMA event sa The Fort ng Chalk. So may I tawag ako kay Keina dahil alam kong wala siyang ginagawa nung mga panahong ‘yon and we were planning to go na kaya lang biglang lumakas ang ulan and knowing the two of us, tinamad na kaming umalis. Buti nalang may contact ako na isa pang JMAer kaya nagawa ko ang trabahong ito.
YM na lang all night long with the guilders and a future guilder…and tumagal pa nga hanggang 4 in the morning, yung tipong hanggang wala na talaga kaming mapag-usapan. Kaya mahal na mahal ko ang guilders e. Sa mga ngarag moments ko talaga, they never fail to make me feel okay. (hmm…parang trabaho ng boyfriend yun a? owell, e wala naman akong boyfriend, and sa sobrang pagmamahal ko sa org, e minsan naiisip kong ito na ang aking boyfriend) Ang naging catch talaga ng gabing ito, or should I say ng madaling araw na ito, ay noong nagtext sa akin ang aking kabarkada. Aba, aba, aba, si Backseat pala ang head ng event sa The Fort!
Sheeeeeeeeet. Sayang. Isang landian moment na naman ang napalipas ko.
Oh well. As if naman noh.
Sunday: Dapat ay may girls’ night out kami ng aking mga blockmates pero nag-conspire ang lahat ng forces para hindi ito matuloy--- leaving me and Keina bored. So there. Buti na lang, ang iniinvite naming speaker sa radio talk sa Wednesday ay nag-set ng meeting ngayon. Kaya hinatak ko si Keina para samahan ako.
Ayan…punta kami ng LS. On-board pa si Sir John (THE John Hendrix) nung dumating kami pero kapag di s’ya kailangang mag-spiel, chikahan to the max itey!
Bait ni Sir John. Sobra. But, unlike those girls na sobrang starstrucked at talaga namang kinikilig kapag nakausap siya, hindi ko ma-gets kung bakit keber lang sa akin ang lahat. Hindi ko nga gets e. A day after ng aming event, nagtext pa siya ulit. Pero keber pa rin.
Nagsimba kami ni Keina at pagkatapos ay nagpunta na siya sa game.
Binisita nina Bonzai at Verna si Mama sa bahay. At dahil nauna pa silang dumating kila Mama, nagkuwentuhan muna kami. Potahsheeeet….totoo nga ang chinichismis nitong si Zai. May boyfriend na nga si Verna. I am sooo very happy for my Sis, pero parang nagkaroon ako ng Dizizit! moment afterwards…
Si Verns may Terence. Si Zai may Ton. Si Rakel may Ben. Si Ira, may Rev. Si Rye may Ernest. Si Nicole may Jake na, may AJ pa. Si Maan, may James na, meron pang maraming guys na nakapila. Ganun din si Karen. Si Alet, aysus naman e marami ring guys yun.
Boys namin? Haysus. Ben and Rakel, Adri and Trish, Marius and so many flings, G and Krec, Aides and Reine, syempre DJ and Fidelis, JM and his Malate boys…
O? kumpleto na ba ang barkada namin? Hindeeeeee! May kulang pa! Nasaan si Diane? Walang lovelife?
ANO? SI DIANE LANG ANG WALANG LOVELIFE SA CLICK?!?
I. am. such. a. loser.

Monday: Family day na ito. Dumating ang aking mga pinsan, ang aking lola at ang aking tita’t tito para bisitahin si mother.
After lunch, kami ay nagpunta sa Kamias upang magpasukat. And potasheeet again, tumaba ako ng FATALE. Ayoko nang idiscuss ang gory details. Pero pagkatapos nun, nawalan ako ng gana kumain.

After a long WENGWANG WEEKEND, here comes the
WENGWANG WEDNESDAY!
Syempre, dahil by nature ay crammer ako, umaga ko lang ng Wednesday ginawa ang aking article for my 8:30 BC102 class. Bakit kamo wengwang ang araw na ito?!?

8:30-11:30 BC 102 Class kung saan kami ay mayroong exercise about delivering a newscast
11:30- 1:00 A very borelow journ subject kung saan nag-evaluate lang kami ng aming mga fez on cam at pagkatapos ay nag-current events quiz kami at WALA AKONG ALAM!
1:00- 4:00 Radio talk ng Broadguild na ako ang project director. Keri naman ang lahat…planado at plantsado ang plano…pero pero pero---
1:00- 4:00 Mayroon akong make-up class sa BC 121- TV Production. Okay lang sana dahil hindi naman ako magpoproduce nang araw na ‘yon, pero syempre, crew ako ng aking mga blockmates so eks parin ang umabsent.
Pero kumeri naman ang lahat. natapos ng maluwalhati ang aming prod class at naging successful naman ang Radio Talk.
4:00- 5:30 Balik journ class na naman kami. pagod na kamo ang aking utak sa kakaisip at wala na rin ako sa aking acads mode dahil excited na ako sa…

BLOCK INUMAN!
Cmownst…isa itong incredible event na akala namin ay malabong maging successful. But nooo…saya nito! Sobrang memorable!
Well well well…hindi naman buong block dumating. Ang mga dumating lang ay ako at sina: Bam, Keina, Rocel, Isa, Karen, Dandy, Abi, Kaye, Bebang, Tin Abanes, Julius, Gina, Chika, AJ, Laxi, Drew, Carla, JV at syempre, ang may- ari ng bahay…si Menard.
Hmm…syempre, na-wengwang ako ng fatale. Kamusta naman kasi ang rhum coke ni Karen?
Nakakainis lang. Kasi akala ko Monica Galvey night ko na ito. But no…mala-Cinderella pala ang aking irog. So there. Ang Peeves history ay nasiwalat na sa aking mga blockmates.
Masaya itong gabing ito. Kasi nagkakila-kilala ang mga tao sa block…in fairness nakapag-share pa ng mga juicy info about themselves. Pinagdadasal namin na maulit pa ito…pero mukhang sa block party na sa sembreak ang susunod na ganitong moment.
Sa mga wala dun……SHEEEEEEET…YOU MISSED HALF OF YOUR LIFE!

At dahil nga sa mga pangyayaring naganap noong block inuman, mayroon na naman akong iniskemang moda.

EAE IS OOOOOOON. AGAIN.

And this time, I shall make sure that I shall produce results.

Fine. So what kung maraming nagkaka-crush sa kanya? E crush lang naman yung sa kanila e. Yung sa akin? Infatuation na.
So what kung maraming nagsasabing bakla siya? Gaya nga ng pinapaulit-ulit ko sa maraming tao, I shall be lesbo for him if he’s gay.
So what kung opposites kami?
So what kung mailing siya kapag nalaman niya na may gusto ako sa kanya?
SO WHAT?!?
Nagsasawa na akong isipin ang iisipin ng iba, o ang iisipin niya.

Wengwang. Sobrang wengwang.