ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Friday, January 20, 2006

'TOL...

‘Tol,

Hahahahaha. Gulat ka noh? ‘Wag ka mag-alala, ako man e nagugulat din sa sarili ko. Of all people na dadramahan ko--- ikaw pa! Pakiramdam ko, mas maiintindihan pa ni Boy Lata, Marathon Man, O’Love at Mr. E kung sila ang drinamahan ko. Pero ikaw?!? Susko, eh hindi ka pa nga yata naniniwalang nagbago na ako at babaeng-babae na ako.
But, that’s beyond the point.
‘Yun na nga e. Hindi ikaw sila. Lalong hindi sila ikaw. Kaya ganito.
Labo, ba? Bakit, tanong ko sa’yo, kelan ba tayo naging malinaw?
Pasensya ka na. Kailangan ko lang talagang mailabas ang lahat ng ito--- bago ako tuluyang mabuwang.
‘Lam mo, mag-iilang linggo na akong patay. Pakiramdam ko, nakahiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko--- pakiramdam ko, ilang linggo na akong naglalakad ng walang kaluluwa. Acads, org, dito sa bahay, lahat ‘yan dinadala ko. Minsan, pakiramdam ko hindi ko na pag-aari ang sarili ko. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko.
Itong linggong ‘to ang pinaka-pangit na linggo para sa akin. Nakakapagod, nakakadisappoint…puro problema, puro hassle…pakiramdam ko e gusto ko nang bigla na lamang ako lamunin ng lupa at mawala na lang bigla.
Kasabay ng lahat ng iyon--- hindi tayo nagkikita o nag-uusap. Which, I must admit, made things much harder to bear. Itinuring na kitang isang aspeto sa buhay ko na bumabalanse sa lahat, kaya siguro nung naging malabo na ang aspetong ikaw, nawala ang balanse.
Kadiri, noh? Ako man nandidiri sa sinasabi ko. Hindi ko pinangarap na umabot sa puntong ganito. Ayoko. At hindi dapat.
Kahapon, nagkita tayo. Nagkausap. Sa totoo lang, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘yun. Yung makatabi ulit kita. Yung maglokohan ulit tayo. Yung maasar na naman ako sa kapreskuhan mo.
At yun nga, nagkita tayo at nagkausap. Pakiramdam ko, nakita ko na sa puntong iyon ang dahilan kung bakit napakatagal kong hinintay ang pagkakataong iyon; pakiramdam ko, naging malinaw na sa akin ang lahat sa pagkakataong iyon.
‘Tol--- iyan lang ang tingin mo sa akin.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil tama naman pala ang naiisip ko simula’t sapul, o iiyak ba ako dahil alam ko namang kahit handa akong ganoon ang kalabasan, somewhere inside me, I’m wishing na there is more for us than just being buddies.
Pero ganoon talaga. Sa isang laro, may panalo, at syempre, may talunan.
Hindi ko sinasabing natalo ako. Hindi na ganoon kababa ang tingin ko sa sarili ko. Kung tunay ngang napagdesisyunan mo na ang papel ko sa buhay mo, at mananatili na lamang akong ‘tol, naniniwala akong isa iyan sa mga pinakatangang desisyon na gagawin mo sa buhay mo. Dahil espesyal ako. Dahil alam kong kaya kitang pasiyahin. Dahil alam kong maaring ako ang isa sa pinakamagandang mangyayari sa buhay mo.
Pero hindi ko rin sinasabing talo ka, at panalo ako. Dahil kung tunay ngang napagdesisyunan mo na ang papel ko sa buhay mo, at mapagdesisyunan ko mang tanggapin iyon, naniniwala akong isa itong magandang pagkakataong palalampasin ko. Dahil espesyal ka. Dahil alam kong kaya mo akong pasiyahin. Dahil alam kong maaring ikaw ang isa sa pinakamagandang mangyayari sa buhay ko.
Pero gaya ng panonood ng sine--- may katapusan din ang paglalaro.
Pero--- hindi gaya nang minsang manood ako ng sine, ang paglalaro ay isang bagay na hindi basta basta natatapos, kung hindi ito tatapusin ng mga naglalaro nito. Naiintindihan kong di tulad ng panonood ng sine, kung saan wala akong magagawa kapag natapos na ang palabas, alam kong, sa pagkakataong ito, may magagawa ako.
At gusto kong malaman mo, na ayoko pang tapusin ang larong ito. Hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa hindi ko na kaya.
Isa lang ang gusto kong malaman. Isa lang ang gusto kong itanong sa’yo---
Pagod ka na ba? Ayaw mo na bang maglaro?
Ako, hindi pa. Pero kung pagod ka na, sabihin mo lang--- pagpapahingahin kita. Paiinumin ng tubig.
Pagkatapos, laro ulit.
Ganoon ang tunay na mag-‘tol, diba?

‘Tol.

Thursday, January 19, 2006

Im officially missin' YOU...

There. I said it.

Gaya nga ng sabi ko kay Boy Lata, uhaw na uhaw na uhaw na ako.

Ngarag na ngarag na ako sa buhay, uhaw na uhaw pa--- para na akong mamamatay.

Hindi ko alam kung galit ba sa akin si Papa God, o kung iskema mo ba ito. Kung kanino mang pakana ito, wala na akong pakialam. Tama na. Please. Give me back my sanity.

Ang bigrahas!

6 days. Grabedad na yun. Noong panahon ni Backseat, keri ko pa yung 6 days na hindi ko siya makikita. Aba aba, e anlayo naman kasi ng mundo niya sa mundo ko. Pero ngayon, iisang mundo ang ginagalawan natin. At napakaraming pagkakataon para magkasama--- pero ewan ko ba.

Alam ko na kaya ako nagkakaganito e dahil na rin sa hindi kita nakikita. Sanay na ako sa ganitong pattern ng buhay ko. Kapag nawawala, mas lalo kong hinahanap. Pero kapag nandiyan na, okey na ako. Keber na ulit.

Sana ngayong araw na ito, makita na kita. Kahit hindi tayo mag-usap at magkulitan. Kahit makita lang kita. Kahit hindi mo na ako makita.

Gusto ko lang malaman kung ano na nga ba.

Please. Gago ka ha. Give me back my sanity.

---

Bakit ba ang malas malas malas ko ngayong linggong ito? Sabihin niyo nga sa akin. Walang isang tao ang naiintindihan at nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. Napapagod na ako. Wala akong masabihan. Wala akong matakbuhan.

Help. Get me out of this deep shit.

Tuesday, January 17, 2006

STEADY lang.

Bigla kong na-miss ang pagpopost sa aking blog. Napapansin ko lang, sa tuwing stressed na ako sa aking buhay, nagpopost ako sa blog ko. I don’t know, but I’m starting to feel that this blog is my escape from--- whatever

Hindi ko na ma-distinguish kung stress ba o depression na itong nararamdaman ko.

Pero teka--- bago niyo isiping lovelife na naman ang dahilan ng lahat ng ito, well well well, nagkakamali kayo. HINDI ITO TUNGKOL SA LOVELIFE or the lack of it.

E mamaya pa yun e. Joke.

Lagi akong inaasar ni Nikki na everytime na kakamustahin niya ako, isa lang daw lagi ang sagot ko… ”Eto, haggard…”. Kaya nga minsan, inuunahan na niya ako at sinasabing, “How are you panggs? Haggard?”

Noong huling beses na niloko niya ako ng ganoon, it finally hit me na, oh sheeeet, haggard nga ang buhay ko. Don’t get me wrong, I am actually enjoying learning and doing all those things that I have to do, pero susko susko, pwede namang one at a time ko gawin ang mga bagay-bagay diba? But no, kailangan talagang magkapatung-patong at magkasunod-sunod ang mga dapat gawin (take note: dapat) at tapusin.

Hence, the stress brought to me by what I call my DEATHWEEKS. Grabe na divine, yung ibang tao, meron silang deathday, pero deathweeks?!? Cmownst! Deathweeks kasi pakiramdam ko nahihiwalay na ang katawan ko sa kaluluwa ko at para bang isinanla ko na ang kaluluwa ko sa lahat ng aking THINGS TO DO at wala na akong control sa aking buhay at oras. Bigat, diba?

Sabi nga ni Ma’am Pinky last sem, bakit daw kaya lagi nalang parang stressed out ako at lagi nalang akong nagrereklamo na haggard ang buhay? (Speaking of Ma’am Pinky, O ayan Ma’am ha, very safe ang sinabi ko about you…more to come sa latter part ng aking post…hehehe) Lagi rin niyang sinasabi na kaya ko naman, na, oo nga naman, kaya ko naman talaga, minsan, kailangan ko lang talaga I-voice out na napapagod na ako kahit na alam ko namang wala naman akong magagawa.

Okay. Tama na Diane. Move on.

---

How does it feel to know na your professors are reading your blog?

Nagsimula si Ma’am Iris, ngayon naman si Ma’am Pinky.

Now, how do I feel?

Hmm, its weird, pero parang wala lang. Okay lang. (or sinasabi ko lang ba ito dahil alam kong mababasa nila ito?)
Pero seheryoso, I think it’s okay. Siguro kung sa iba nangyari ito, they’ll probably feel awkward kasi diba, professional ang relationship natin with our profs. Pero kasi, even if sobrang iginagalang ko sila at nirerespeto, somehow, comfortable ako to be myself sa mga klase ko sa kanila. I mean, cmownst, si Ma’am Pinky ay prof ko for 3 consecutive semesters already, while si Ma’am Iris naman ay 2 consecutive sems na. Outside the confines of the classroom, parang nanay ko na si Ma’am Pinky at parang ate ko naman si Ma’am Iris. Alam niyo yun, okey lang sa akin kung okrayin nila ako at ang aking mga works, and I really feel bad kapag hindi ko nadeliver ng maayos yung pinapagawa nila.

Besides, they already know and have already accepted my baliw personality, so probably, parang napatunayan lang nila na ganun nga ako bilang tao nung nabasa nila itong blog ko.

---

Kamusta na nga ba ako?

Well---- besides sa haggardo ang buhay ko, kamusta na nga ba ako?

Ang bago kong sagot: STEADY lang.

Oo, steady lang. Happy lang. Magulo at nakakapagod ang buhay, pero hindi lang naman ako ang nasa ganitong sitwasyon, divine? Who said that living life was easy?

Pero alam niyo, kailangan ko lang talagang sabihin, para lang talaga tapos na. Nakakatawa kasi si Keks nung Friday, nung tinanong niya kung ano ba talaga si JV sa akin. Ito na yata ang pinaka-delayed na tanong na kinailangan kong sagutin. Well, alam ko naman na naririnig-rinig na nila yang tungkol sa pagkakahumaling ko kay JV noon pa, pero, joske, ngayon lang daw ba I-confirm?

Well, ikoconfirm ko na sa inyo ngayon--- wala na talaga akong gusto kay JV. I guess that was just a phase…na sobrang na-intriga lang ako sa pagkatao niya at na-obsess sa fact na we may be compatible dahil opposites kami.

Pero yun nga, tapos na siya e. Hindi ko pala talaga siya gusto. Hindi pala talaga kami compatible.

So there. With that part over, ano na?

Alam niyo, narealize ko na grabedad pala ako, every semester, ibang lalaki ang kinahuhumalingan. Kaya ngayon, rest muna ako. Ang pangit ng feeling e. In fairness kay Ralph ha, after him, wala na akong kinagagahan ng kasing fatale nung sa kanya. In fairness, malapit na rin palang mag-dalawang taon since that time.

Rest doesn’t mean na wala akong lovelife. Pero gaya ng aking bagong status sa buhay, STEADY lang muna ako. Happy lang ulit. Just taking each day as it comes. Not fussing about things, para less complications.

Ito lang ang masasabi ko. Kung ano man ang nangyayari ngayon sa aspetong ‘yan ng buhay ko, may malaking possibility na mapantayan nito ang lebel nung kay Ralph--- actually posibleng malampasan pa. Kaya I’m very very careful.

---

It was never my intention knowing you better, but something between us has come for us to know each other, and now, I see the value of a you not just for a moment but forever…

Tuldok.