ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Friday, August 19, 2005

Diane in her most Haggard State

Dan-dan-dan-dan…

Presenting…Diane in her most haggard state!

Oo. Haggard ako. At walang magagawa ang lahat ng tao para mapigilan ang pagka-haggard ko.

C’mon, ako nga mismo walang magawa e, kayo pa kaya.

Naisipan kong mag-post ng blog ngayon dahil ngayon lang ako nakakumpleto ng tulog since Saturday. And nararamdaman ko nang ngayon lang magiging kumpleto ang tulog ko hanggang Monday ng gabi. Kasi kahit sabihin ko pang makakatulog ako ng maaga at pwede akong hindi magpuyat, I am sure mapapanaginipan ko rin ang mga bagay na dapat kong tapusin at hindi rin magiging maganda ang tulog ko.

Musical Interpretation Production para sa BC 121.

Mini-Documentary script para sa BC 103.

Midterms para sa CommRes101.

Radio Talk para sa BroadGuild.

Potah. Napapagod na ako kakaisip ko pa lang sa mga gagawin.
---

Oo nga pala. Pinaka-aabangan na ng lahat ng tao ang aking pagsagot sa blogpost ng isa sa aking orgmates na nadagdag na sa aking hate list. In fairness sa iyo, mas mataas ang position mo sa aking hate list kesa kay beloved chaka doll. Haha.

Pero bago ‘yan, gusto ko munang magpasalamat kay Klara dahil sa kanyang magagandang insights sa kanyang blogsite. Marami akong nalaman pang ibang bagay dahil sa post mong ‘yon.

Okay. Eto na ang aking mensahe sa orgmate kong ito:

Una sa lahat, ‘wag kang mag-alala. Hindi ko isisiwalat ang pangalan mo dito. Hindi ako balahura na tulad mo. Pangalawa, mas gusto ko sanang personal ko na lang ito sabihin sa iyo. Pero hindi ako pinagbibigyan ni God ng pagkakataon na matiyempuhan ka para masabi ko ‘to lahat sa’yo. ‘Wag kang mag-alala. Kapag nakita kita, ako pa ang unang lalapit sa’yo para sabihin ‘to lahat sa mukha mo.

Alam mo, kahit tanungin mo pa ang mga guilders, never kang siniraan ng buddy ko (yes, buddy ko na siya ngayon) sa kanila. Sana, bago ka manisi ng ibang tao, alamin mo muna kung tama ang isinisisi mo sa kanila. At totoo yung sinabi ni Klara, nung sinabi mo sa kanya na gusto mo nang mag-quit sa org dahil sa nangyari, umiyak siya at sinabi niyang siya na lang ang magde-defer dahil naguguilty siya. Sinabi rin niya sa akin ‘yon.
Well, just in case you’re wondering kung anong sinabi ko sa kanya nung sinabi niya sa akin ‘yun, sabi ko sa kanya, ‘wag siyang ma-guilty o matakot. Hindi siya dapat mag-defer dahil lang sa’yo. You are not worth it.

Pangalawa, potah to the highest level, hindi namin siya kinakampihan dahil siya’y isang “poor helpless applicant”. We don’t regard FGs that way. That is the very reason why we don’t like calling them applicants. Kaya nga Future Guilders tawag sa kanila, diba? Hindi mababa ang tingin ng org sa kanila. At kahit siya na ang pinaka-pasaway na buddy na pwedeng makuha ng isang guilder, hindi natin sila dapat inaaway. Kaya nga tayo buddy nila e. We are supposed to take care of them and make them like and love the org. Kung pasaway man sila, hindi pa rin sila dapat pagalitan o awayin, dahil bilang buddy nila, tayo dapat ang unang umintindi sa kanila.
Kinampihan namin siya dahil sa tingin namin tama siya. At mali ka.

Third, alam mo tsong, minsan talaga, kapag pakiramdam mo buong mundo ayaw na sa’yo, minsan dapat iniisip natin kung tayo na ba ang may mali. Shet. Hindi yata tama na lahat na ng tao ayaw sa’yo tapos ang iisipin mo sila ang mali at hindi ikaw. Kapal. Alam mo, para sabihin ko sa’yo, okay ka naman bilang tao e. Nung FGs pa tayo, okay ka naman, wala akong kahit katiting na bahid ng inis sa iyo. Sabi ko pa nun ang bait mo.
And then you started harassing Keina with your text messages na para sa akin ay sobrang pathetic. Potah. Kung nakita mo lang ang epekto nun kay Keina, at kung alam mo lang kung gaano mo naapektuhan si Keina nung mga panahong ‘yon, tangina talaga.
Pero pinalampas ko ‘yun. Sabi ko pa kay Keina, initindihin ka na lang. Baka mabigat problema mo or something.
And then pati si Rica napaiyak mo dahil dun. Pero sige, siguro nga malaki problema mo.
Pero pati ba naman ang buddy ko?
Tangina, alam mo, hindi ka matutulungan ng mga tao diyan sa kung ano man problema mo kung hindi mo gugustuhing tulungan sarili mo. You know why people around you seem to hate you already? Kasi pagod na sila sa kakaintindi sa’yo. Pagod na kami sa pag-intindi sa problema mo dahil parang wala ka namang balak solusyunan ‘yan.
Try mo minsan, yung mga tao naman sa paligid mo ang subukan mong intindihin. Kung pwede lang naman.

Lastly, tungkol dun sa sinabi ni Klara na sinabi mo sa kanya na gagawin mo dapat sa panel ng buddy ko. I know na naisip mo yun na ang nasa isip mo pa rin e ikaw pa rin ang buddy niya. Unang-una, kung ako na ang buddy niya tapos sinubukan mong balahurain siya nung mga panahong iyon, duuy, kahit lalaki ka talaga, sasapakin kita. And FYI, kung ginawa mo man ‘yun, kahit hindi niya ako buddy, sasapakin pa rin kita. Wala kang karapatang gawin ‘yun.

Seryoso ako. Pakiusap. ‘Wag ka munang magpakita sa akin ngayong mga panahong ito. Dahil ayokong ma-stress. At ayaw din kitang ma-stress sa mga posibleng magawa ko sa’yo.
---
Sabi ni Chris, nakakatakot daw ako. Sabi ni Karol, sobrang credible daw lahat ng sinasabi ko kaya nakakatakot ako kapag nagagalit o nang-aaway kahit na joke lang. Sabi rin ng blockmates ko, talagang taray kung taray daw ako.

Bakit ganoon? Sweet naman akong tao a? Mabait rin naman ako a. Bakit ang tingin nila sa akin e parang tigre sa tapang?

Grabe, feeling ko ang sama ko tuloy.

Okay lang. Bitch mode naman ako e.
---

Hindi ko masabi sa lahat ng tao kung ano talaga ang nararamdaman ko. Gaya ng dati, I prefer to put up a brave and happy front in front of everybody. Pero sa tuwing naiisip ko ang bagay na ‘yon, bigla na lang umaagos ang luha mula sa aking mga mata.

Lord, alam ko naman na hindi mo kami bibigyan ng trials at problema na hindi namin kayang harapin. I’m so sorry kung naisip ko dati na bakit despite the fact na sobrang faithful kami sa iyo, binibigyan mo pa rin kami ng ganitong problema.

I am so hurting right now. For the first time, wala na akong pakialam sa kahit anong bagay. Hinihiling ko lang sa Diyos na bigyan kami ng lakas, lalo na si Papa. Sana rin, bigyan niya ako ng pagkakataon na makatulong. Tulungan niya akong makagawa ng paraan para makatulong.

I love you so much, Mama.

Thursday, August 11, 2005

Mas gusto ko na maaraw kesa yung ganitong maulan. Mas gusto ko yung mainit kesa yung ganitong malamig. Mas gusto ko yung tuyo kesa basa…

Potah. ‘Yan ang mga nararamdaman ko ngayon. Ilang beses kong sinubukang magsulat ng literary piece tungkol d’yan, pero ‘di ko talaga magawa-gawa. What the hell is wrong with me? Is it the stress? O dahil wala lang akong inspirasyon? O meron akong inspirasyon pero ayoko na itong maging inspirasyon? Dahil ba masaya ako? O dahil ba akala ko lang masaya ako pero hindi?

Blech. Paranoia.

Sige sige, I will attempt to write again later.
---

Napanaginipan ko si Peeves kagabi.

Ngayon ko lang ulit siya napanaginipan after I permanently suspended the EAE mission. Bakit kaya?
Hindi ko makilala ang setting ng panaginip ko. Parang somewhere in the Metro Manila area. Tapos birthday daw ni Rica. I went inside this bar kung saan nagaganap ang party niya with a blockmate (di ko matandaan kung sino, pero I am sure na hindi si Kristin Bourbon yun!), and pagpasok ko pa lang daw ng bar, pinainom na nila ako kaagad. As in ang dami ko daw nainom!
Lumabas daw ako bigla kasama si Bebang. Tapos sabi ko daw sa kanya hanapin namin si Peeves. Kung saan-saan daw kami pumunta para makita si Peeves. Tapos nung nakita daw namin, tinabihan daw namin pero di namin kinausap.
Basta ang nangyari sa huli, pumasok daw kami sa isang haunted building at sobrang ayaw na daw lumakad ni Peeves dahil natatakot daw siya. Hahahahaha!
Tapos, nung lumabas na daw kami sa building na ‘yon, I found myself standing beside him. I tried to talk to him and when we started talking sa aking dream, I suddenly felt the urge to wake up…to cut the dream and wake up.

So there. Gumising ako. Grabe naman, panaginip pa lang, sira na ang umaga ko.

Ano kayang ibig sabihin ng panaginip na ‘yon?
---

Naiinis ako! 5 ang magpapanel interview na FG bukas. 2 dun, ako ang buddy (kasi naman Roro e), isa blockmate ko, isa ka-high school ko, at yung isa naman e tahimik masyado para I-terrorize. Dammit! Paano ako iiskema ng taray mode bukas?
---

Wala akong crush as of the moment. Waaaaaaah! Ayoko ng ganitong feeling of tigang-ness. Dahil na naman ba sa stress kaya biglang lumabo ang mata ko at wala na akong makitang gwapo? Wala akong makilalang bagong guy!
Shet shet and shet talaga…
---

Wala pa akong first kiss.

Masyado namang overrated ang first kiss. Kailangan sa isang taong mahal mo. Kailangan memorable. Mas maganda kung spontaneous. Mas okay din kung kayo. Dapat daw hindi planado.
Napakaraming dapat I-consider. I bet naman na more than half of the people in the world, hindi ganoon kaganda ang first kiss.
Hay nako. E ‘di nga ako marunong humalik e. At gusto ko na magkaroon ng first kiss. I need someone to teach me how. Anyone?

Wednesday, August 10, 2005

Despite everything...MASAYA AKO.

Masaya ako. Haggard…pero masaya.
---

1st Batch of Panel Interview ng mga FGs kahapon. Sa totoo lang, mas physically and mentally draining ang mag-interview ng mga aplikante.
Hindi ako natuwa sa first batch ng FGs na nagpanel. Masyadong mga kampante. Disappointed ako kasi gusto ko yung batch nila. Mababait, mga bibo--- pero parang masyado yata silang naging kampante na gusto namin sila. Its either ‘yun, or talagang iba lang ang depinisyon nila ng pag-aaral ng Consti. O ‘di kaya, ‘di lang talaga nila pinapahalagahan yung panel interview o yung buong application process.
Hindi ako namemersonal ng FG. Naalala ko last year, pinigilan ko talagang magsalita nung panel interview ni Bam kasi magkagalit kami nun. Pero ang sa akin lang, pucha naman, ang bait bait ko sa mga aplikante…chummy kung chummy ako sa kanila. May I kwento ng buhay talaga and all that…pa-close talaga ang iskema, tapos pagdating ng panel interview…
Hay naku. ‘Wag kasi masyadong kampante.

Good luck nalang talaga sa mga ipapanel sa Saturday. Dahil sa generally poor performance ng batchmates n’yo kahapon, expect a nastier and stricter panel of guilders. Alumni included.
---

Grabedad na ito, wala akong natatapos na maayos these past few days. Hindi ito maari. Aayusin ko na ang buhay ko.
---

Nawala na totally ang amor ko kay Peeves. Napalitan na ito ng inis. Pero keri lang…tuloy pa rin ang buhay.
Hintayin nalang niya, pati ng kanyang mga alipores, ang aking REVENGE. Diane forgives, but never forgets. So there.
---

Ngayon lang ako ulit nagalit sa isang tao na sa sobrang galit ko gusto ko na siyang burahin sa mukha ng sangkatauhan.
Alam ng maraming tao na sa lahat ng ayoko e yung ginagawan ng ‘di maganda ang mga tao o bagay na mahalaga sa akin. In this case, my org.
Tama ba naman kasi, na ang isang nilalang na nag-defer na sa pagsali sa org, not only once, but twice (!), e bigla na lang sisilip sa panel interview namin, na take note, hindi man lang kumatok, with that face na sobrang nakakaasar talaga?
Tapos ang irarason niya e akala niya, pwedeng panoorin ang FGs sa kanilang panel interview? How lame can her excuse be?
Well let me tell you now, b****, kahit saang angle mo tignan, wala kang kahit katiting na karapatan na sumilip dun. Unang-una, sino namang org sa sangkatauhan ang papayag na for public viewing ang panel interview nila? Worse, applicants watching their co-applicants? The panel interview is suppose to be confidential!
At pangalawa, sige, sabihin man natin na pwede siyang panoorin ng FGs, e kung ‘di ka ba naman tanga’t kalahati e, nag-defer ka na nga for chrissake! That means, hindi ka na aplikante at wala ka nang koneksyon sa org! ang kapal ng mukha mong bastusin kami pagkatapos mong mag-defer ng dalawang beses!
Let me just tell you na kung ang ibang tao napapalampas ang pagka-brattinella mo, puwes, hindi ka uubra sa akin. Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo. Kung lahat sila e hindi masabi sa harapan mo na may mali sa ugali mo, puwes sinasabi ko na sa’yo ngayon, MAY MALI SA UGALI MO! Ever heard of the word respect? And to tell you honestly, sabi ng FGs nung time na ginera ko kayo sa labas, that was the time na they are trying to convince you na ‘wag na mag-defer. Apparently, dahil sa ginawa ko, tuluyan ka nang nag-defer.
Well, for that, natutuwa ako na ginawa ko ‘yun. And just so you know, natuwa rin ang buong org na ginawa ko ‘yun at ‘di ka na tumuloy.
I don’t like you. Period.
---

Sana seryosohin ng mga tao kapag sinasabi kong masama akong magalit. Oo, pwede mo kong gaguhin hanggang gusto mo, pero siguraduhin mong hindi ko malalaman. Akala ng mga tao, isa lang akong masayahin bata, pero ganun naman ‘ata talaga ‘yun, kapag nagalit ako, minsan ako natatakot sa sarili ko.
---

Pero ‘yun nga, kahit pa sobrang sama ng araw kahapon, I must say na masaya pa rin ako. Seryoso. Kahit pagod at maraming ginagawa, kahit napakaraming kinaiinisang bagay…
MASAYA AKO.
---

Bakit ako single? ‘COZ GOD’S STILL BUSY WRITING THE BEST LOVE STORY FOR ME…:)

Saturday, August 06, 2005

BREAKING NEWS

Ang dami kong NEWS!

This has been a very incredible week, I must say.
---
Okay, first and foremost, very important and definitely wonderful news:

“Hi diane,ths is nana frm CHALK:) m hapi 2 infrm u uv bn chosen 2 b an official studnt corespondnt:) wud it be ok if I asignd u smthing 4 our oct issue?:)"

Bwakanangshetnamalufeeet!!! Chalk magazine! My favorite magazine of all time! Shet shet shet…I get to work for Chalk!

Hmm…well, hindi naman nga ganoon kalaki ang trabahong ito, I’m not even sure if I get paid for the job, pero pero pero, opportunity pa rin ito! To say na I’m happy is an understatement. I AM VERY VERY VERY HAPPY!
---
Parang habang tumatagal, lalong dumarami ang kailangan kong gawin…ang mga concepts na kailangang bigyan ng atensyon, ang mga prod na dapat paghandaan, ang mga midterms na dapat pag-aralan, ang mga papers na dapat simulan--- my hands are full with soooo many things to do--- but hey, I’m not complaining. Kahit nakakapagod, masaya naman. Kahit ngarag, fulfilling naman. Kaya ko ‘to…
---

Malapit na ang ABSOLUTE CATHARSIS: Batch 13’s Panel Interview. Kaya nga hindi ako masyadong nagwo-worry na stressful ako the past weeks, kasi finally, may venue na para mai-vent out ko ang lahat ng stress. Hehehe, joke lang!

Hmm…por dat, I’ve decided to give out free tips for a hassle-free panel interview with the guilders dito sa blog ko. Mababasa ba ito ng mga FGs? Ewan natin. Kung paano nila ito mababasa, aba, bahala na sila…

1 Kabisaduhin ang Preamble ng Constitution. Huwag kakalimutan ang “I quote…” bago simulan ang pagre-recite nito at ang “Unquote…” pagkatapos. Sinasabi ko sa inyo, importante ito.
2 Hindi kailangang kabisaduhin ang buong Constitution. Wala kaming pakialam kung memoryado n’yo lahat ng period, comma o exclamation point (meron ba?) sa Constitution. Wala rin kaming pakialam kung memoryado n’yo kung paano naisulat ang mga nakalagay sa Constitution. Ang kailangan namin ay ang assurance na naiintindihan ninyo ng TAMA at MABUTI ang mga nakalagay doon.
3 Makakatulong kung magtatanong kayo sa inyong mga buddies o sa mga guilders kung meron man kayong hindi naiintindihan sa Constitution.
4 Sobrang importante na kilala ninyo lahat ng guilders. As in alam ninyo ang kanilang buong pangalan, year and course, batch nila sa guild, committee nila, at syempre, kung anong itsura nila. Pati mga alumni, paghandaan n’yo rin. Kasi kung mababagsik ang mga guilders, mas mababagsik ang mga alumni. Marie Ann Los Banos, Catherine Jillian Maroket, Mark Limchoa, Mike Celis, Maybel de Leon, Skipp Macadagdag…kilala niyo ba ang mga ‘yan?
5 At syempre, kung kilala niyo sila, malamang sana naman e kilala rin nila kayo. What do I mean by this? Magpakita kayo at magparamdam sa kanila bago mag-panel. Be friendly and nice to the guilders. But---
6 Don’t be too friendly na tipong nagiging KAMPANTE na kayo. Learn how to draw the line--- remember, members na sila at nag-aaply kayo sa org nila. Hindi pa kayo pantay-pantay. Mas superior pa rin sila sa inyo ng isang level. RESPECT is the key here. Syempre, naging mga FGs din ang mga yan dati, and to use Ate Me An’s explanation (nung dinedepensahan niya ako kay Bam dati), nag-exert ng effort ang mga ‘yan to be able to earn the respect due to them. Ibigay niyo sa kanila ‘yun.
7 Come prepared. Dress properly. Seryosohin ang dress code. Wag ipagpilitan na ang maong ay pwedeng semi-formal. Look presentable. Dapat pati yung attire n’yo sa panel, karir kung karir. Para naman maramdaman ng guilders na pinaghandaan ninyo ang araw na ito. Dahil I am sure na pinaghandaan rin nila ito…*devilish laugh*
8 Sa panel interview proper, huwag mag-angas. Paano masasabing nag-aangas ka? Una, kapag sinasagot mo ng tanong ang tanong ng mga guilders. Wag mamilosopo. Wag maraming angal o reklamo. Magtiwala sa mga guilders. Hindi kami namemersonal.
9 Iwasan maging pikon. Dahil sa panel, ang pikon ay laging bagsak. Lastly---
10 Be yourself. Be confident. Kapag prepared kayo, confident kayo na kaya ninyo. Isipin niyong kaya niyo. Isipin niyong lahat ng members ng panel ay dumaan din sa pagdadaanan ninyo.

So there. Good luck Batch 13!
---

Bukas, ang aming org, ang UP Broadcasters’ Guild, ay pupunta sa Y-Speak Live! Excited na akong makita si Ryan Agoncillo. Shet shet shet…
---

Nanalo ang UP versus Adamson! Yey! But then again, talo kami ng FEU. 8 points na naman. Oh well, nakakagulat nga naman kung matalo namin sila, diba? That was quite a good first round. Sana bumawi ulit kami ng second round.
---

Okay. Eto na. Save the best news for last.

Malungkot na naman ako at ‘di mapakali kahapon. Hindi ako makasagot kapag tinatanong ako kung bakit ako malungkot. Nung Thursday, napakainit ng ulo ko. Hindi ako naiiyak. Hindi ako natatawa. Wala na akong pakialam. Hindi na ako masaya.

Hindi na ako in love.

Therefore I now declare that the temporary EAE suspension is now permanent.

Yes, Klara, Angel and Bam, and everybody else, wala na. Nada. Ayoko na.

It’s over. Relatively painless.

And you Peeves, this is my message for you: Ang paglalagay ko sa’yo sa pedestal na kinalalagyan mo ngayon ay hindi ko utang na loob sa’yo. Para sabihin ko sa’yo, at ipaalala, hindi ikaw ang pinaka-perpektong tao sa mundo ko. Tanga lang talaga ako. But I have now come into my senses. Akala ko iba ka sa kanila. Akala namin ikaw ang salvation ninyo. Hindi pala. That arrogant blood runs through your veins din pala.

I want to stop being so conscious about my every move, I want to stop being so different in front of him, being so restrained.

I am soooo back into my bitch mode.




Tuesday, August 02, 2005

Mga kwentong dulot ng STRESS

Okay. Kailangan n’yo akong palakpakan. I HAVE SURVIVED MY MOST STRESSFUL DAY(YET!) FOR THE WEEK!

Oh well. Alam ko naman na haggard talaga ang aking sked kapag Monday, pero pero pero, nung mga unang linggo e wala pa akong production sa BC 121. Bale, ito ang mga factors kung bakit ngaragerks ako kahapon.

Dumating ako ng UP ng 7:45 am. Aba, marami nang tao. Balak ko kasing I-record pa sa tape ang news theme na gagamitin ko, baka kasi mag-hang o di gumana yung CD. Balak ko rin I-consult kay Kuya A kung tama ba ang graphics na gagamitin ko mamaya bago ko idikit. Pagdating ko dun, keri na daw yung graphics ko kaya mas inuna ko ‘yun idikit kesa I-record yung news theme ko.
Pagdating ni Keina, pareho kaming kabado. Aba naman, malamang halos pareho kami ng nararamdaman, e magkaklase kami buong araw e. Napag-usapan namin na late kaming papasok ng CommRes 101 at umiskema muna kami kung paano kami mag-aaral for Comm 120 under Sir Chito dahil may graded recitation kami mamaya.
Pagpasok ng CommRes, wala pa si Ma’am Kate--- wala pa rin kaming kalahati sa klase. Bwakanangshet. Dapat pala mga 9 kami pumasok e.
Hindi kami maka-concentrate ni Keina sa class. Pareho kaming kabado. In just a few hours, parang death day naming dalawa. Prod tapos graded recitation. Parehong magaling ang prof namin sa parehong subjects.
First prod jitters plus cramming in memorizing quite a number of provisions in the constitution = butterfly garden in my tummy.

So there.

Pero mahal talaga ako ni God. Naging maayos ang prod ko (although I must admit na I’ve was a bad crew). Nakalimutan ni Sir Chito ang graded recitation. Masarap ang ulam namin pag-uwi ko (haha!).

Hindi naman perfectly okay ‘tong araw na ito. But then again, I am really surprised na hindi ako nahimatay, naiyak at natulala sa kalagitnaan ng kangaragan ko kagabi.

Thank you Lord.
---

Bago matapos ang class ko kay Sir Chito, inilista ko na lahat ng mga kailangan kong gawin in the following days. To say na marami akong gagawin is an understatement. Uberly dami…uberly nakakapagod na nga iniisip at sinusulat ko pa lang. Kailangan ng careful planning at organization. Off una ang tamad mode. Let’s go for academic excellence!
---

May trumawag sa akin kanina. Si Belita. In fairness ha, ang tagal ko na ring walang narinig from her. Tagal ko ring naghihintay ng update kung kamusta na sila ni Bedoy. (DZUP, miss na kita!)
Yun nga. Tumawag siya sa akin. Naiinis. Nakakainis daw si Bedoy.
Nang tinanong ko siya kung bakit, ikinuwento niya sa akin (medyo mahaba-habang usapan ito) nitong mga nakaraang araw, nawawalan na raw siya ng gana kay Bedoy. Basta ang gulo na raw ng utak niya pagdating sa aspeto na yun. So she decided to focus on much more important things like her career. Kasi mukha naman daw walang pinapatunguhan ‘yung sa kanila ni Bedoy.
Nakakatuwa itong si Belita. Kasi kinukwento niya na simula nung sinubukan niyang balewalain si Bedoy, parang dumapo na naman daw sa isipan niya na napakarami pang ibang lalaki sa kanyang paligid. Sa trabaho niya, at kung saan man siya mapadpad, laging nakakakita siya ng lalaking pakiramdam niya, way better kesa kay Bedoy.
Mas GWAPO, mas APPROACHABLE, mas LALAKI, mas MALANDI, at mas GENTLEMAN kesa kay Bedoy.
Nakasalubong raw niya si MR. PERFECT na dati n’yang crush nung isang araw. Nakasakay ito sa caru niyang kasing gwapo niya. Pareho pa rin ito ng dati, sobrang gwapo pa rin at sobrang saya kausap. Sabi ni Belita, si Mr. Perfect daw ang example ng kanyang ideal guy.
Tapos nakausap naman niya nung isang araw si TUPAC, ang uberly crush niya bago si Mr. Perfect. Trophy naman ito. Hindi kasing ideal ni Mr. Perfect, pero maraming koneksyon sa maraming bagay.
At yun nga, bukod pa raw sa dalawang ito, marami pa siyang nakikilalang haracheck na kalalakihan. Kaya naisip raw niya, bakit ba pinapaikot niya ang buong mundo niya dito kay Bedoy?
So yun na nga. Medyo nawala muna ang focus niya kay Bedoy. Medyo wala naman raw siyang napansin na pagbabago kasi naman di na naman talaga sila madalas nag-uusap.
Kaya sabi ko, e bakit ka naiinis?
E kasi naman daw, may tinatrabaho sila ni Bedoy kanina. So nung una niya itong nakita, keber lang daw, tuloy pa rin sa pagtatrabaho. Pero dumating daw sa point na kailangan nilang tapusin ang isang mahalagang trabaho nang magkatulong. Habang nagtatrabaho raw sila, bigla raw siyang binulungan ng kanyang konsensya,

“Belita…Belita…ang hot ni Bedoy sa suot niya, ano?”

Nainis si Belita sa kanyang konsensya. Kaya hindi niya tinignan si Bedoy. Aba, aba, at para bagang nananadya raw ang pagkakataon, pinagharap sila ni Bedoy. At doon--- doon tumambad sa kanya ang isang gwapong Bedoy.
Tumili si Belita. Ang sakit sa tenga! Naiinis daw siya. Bakit kailangan pa raw ba kasing gwapo si Bedoy sa pagkakataong iyon?
Sabi ko naman sa kanya, akala ko ba sai mo ayaw mo munang isipin siya?
Oo daw, sabi niya. Alam naman daw niyang nun lang naman daw yun. Sa mga susunod na raw, wala na raw ulit.
Hay Belita, cool ka lang.
Para naman kay Bedoy, kung alam mo lang kung gaano nahihirapan si Belita, kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga para kay Belita…tsktsktsk. Sana balang araw, malaman mo rin, bago pa tuluyang mapagod si Belita.
Haha.
---
Happy Birthday Keina! Sana…sana sumeksi ka pa lalo. At sana…sana sumaya ka pa lalo. Mahal kita Mare! Maraming nagmamahal sa’yo! (Bakit green? kasi favorite color ni Keina 'to e!)