ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Tuesday, February 22, 2005

Mga KOMENTO ko sa mga bagay...

Ang bigat nung huli kong blog noh?
'Wag n'yo nang alamin kung tungkol saan yun...kailangan ko lang talagang ilabas lahat ng yun kagabi.
Parang 'tong mga bagay na sasabihin ko dito.
Pero mas light 'tong mga 'to.

Hindi ko na kasi talaga makayanang hindi magsalita tungkol sa mga ilang bagay. Kung sinu-sino na kasi ang kumukulit sa akin tungkol sa mga 'to. Una, napapagod na akong kumomento at magkwento ng paulit-ulit. Pangalawa, ayoko na s'yang isipin pa o problemahin. Aba naman, napakarami ko pang dapat problemahin at asikasuhing MAS IMPORTANTENG bagay...
Kaya eto na 'to. Huli na 'to. Lahat-lahat. Walang labis walang kulang. Kumbaga, kapag nagtanong pa kayo sa akin, ang isasagot ko nalang ay ang address ng blog ko.

Unahin natin yung kay BACKSEAT:
Sino ba talaga si Backseat?
Well, alam na naman ng karamihan kung sino si Backseat. Ako pa, kapag naman may bago akong natitipuhan, hindi ko naman kayang isikreto. Si Backseat ang pinaka-incredible na lalaking nakilala ko (next to Atom na hindi ko na crush). Gwapo, matalino, mayaman, mabait, friendly, athletic, hindi nagso-smoke...
Crush ko ba s'ya? Super. As in. Pero hanggang crush lang muna. Ni wala nga sa hinagap ko na magiging magkakilala kami e. Pero, yun nga magkakilala na kami. As far as I know, pareho kaming focused sa aming goals...pareho kaming walang time sa love life. At gustuhin ko mang karirin s'ya, my time won't permit me. Besides, hindi pa psyched ang utak ko na magmahal ulit. Hindi naman ako na-trauma, it's just that ngayon ko pa lang nae-enjoy ang mga bagay na hindi ko napagtuunan ng pansin dati dahil masyado akong nagfocus sa paghahanap ng boyfriend (and all that jazz). Kung nakikita ko bang mamahalin ko eventually si Backseat? Possible. Pero meron pa akong hinahanap na trait sa kanya na non-negotiable na mawala sa criteria ko e. We'll see.
Basta as far as lovelife is concerned, wala akong lovelife, pero masaya ako. Honest.

Next in line...yung hindi mawala-walang issue kay Jacket guy/Ralph:
Bago ang lahat, gusto ko lang ipaalala sa lahat na napakatagal ko nang isinarado ang issue na 'to. At hindi ko alam sa mga tao kung bakit pilit nilang binubuksan.
Background check muna kung bakit naungkat na naman 'tong issue na 'to. For some reason, nagkausap si Kaye at si Ralph sa YM. And for some reason ulit, inungkat ni Kaye yung issue tungkol sa amin. Tapos the following day, pinabasa sa akin ni Kaye. Tapos pagkatapos nun, pinilit nila akong pumunta ng UP Fair nung Thursday dahil pupunta daw si Ralph. Nagpunta ako, but I told everyone na hindi ako magtatagal. Tapos nagulat na lang ako na binabarrage na ako ng mga kung anu-anong komento tungkol sa ginawa ko na para bang kinawawa ko si Ralph.
Gusto n'yong malaman kung anong reaksyon ko sa lahat ng 'to?
PUTANGINA.
Unahin natin yung sa YM ha. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit kinailangang pag-usapan pa nila 'yun. Nevertheless, tapos na yun e. Pero unang-una, gusto ko lang sabihin na hindi ako apektado sa mga nalaman ko dun. Kaya kung pwede lang, 'wag n'yo akong piliting maging apektado. Kasi para sa akin, tapos na ang mga bagay na 'yun. I have completely moved on. Backseat is a proof. But I know I'm not in the position to stop people from talking about it. It's just that, I want everyone to understand na I'm not obliged to speak about it anymore.
And just so everyone knows...para rin matigil na ang kakaulit sa akin ng mga tao...
Tinanong ako ni Kaye, kung ako naman daw ay mabibigyan ng chance na ibalik yung dati, mas gugustuhin ko pa rin daw bang ganoon pa rin yung nangyari?
Diretsong sagot: OO. Mas gugustuhin ko pang ganoon pa rin yung nangyari. Dahil kung hindi nangyari 'yon, hindi ako magiging ganito kasaya ngayon. Ganun lang kasimple.
Isa pang tanong ni Kaye, do I still see a possibility of the two of us (ralph at ako) together?
Diretsong sagot: NO. Bakit? Kilala naman ako ng mga tao, grabe ako magmahal. Pero kapag sinabi kong ayoko na...as in firmly sinabi kong wala na at ayoko na...I mean it. Besides, masaya na ako ngayon.
So there.
About dun sa issue sa UP Fair naman. Please don't make it look like ako ang may kasalanan at naiwan si ralph mag-isa dun. Hindi naman ako ang katagpo n'ya nun. In the first place, I never committed na magu-UP Fair ako. Ang sabi ko, dadaan lang ako. I really have to do a lot of things that day. As a matter of fact, hindi ko pa nga natapos lahat ng gagawin ko nung gabing yun. And I'm sorry if he felt na hindi ako interesadong kausapin s'ya. As far as I know, kinamusta ko s'ya. Pero don't make it my responsibility na kamustahin s'ya at makipag-chummy-han sa kanya. Because it isn't. Kung gusto n'ya akong kausapin, edi lapitan n'ya ako. Wala naman akong sasabihin sa kanya so bakit ako lalapit? Yung pagiging pre-occupied ko nung time na yun, hindi yun staged, hindi ko kasalanan na marami akong inaasikaso nung panahong 'yon. Please don't make a big issue out of it.
Im not being harsh. Im not being mean. It's just that I really have a lot of other FAR MORE IMPORTANT things to deal with. For me, tapos na lahat ng 'yun. Wala nang balikan. Please don't make it my problem kung may issues pa rin kayo or si ralph about it. Hindi ko na kargo yun.
There.

I have a lot of things (both good and bad) going on in my life right now. Getting distracted is not an option. It's not easy, but I'm not complaining. This is my choice. And I'm happy and contented with it.

Pwede na ba akong magsalita?
Ang tagal kong itinago lahat ng ito. Ang sakit-sakit na ng dibdib ko sa pagkakakimkim nito sa lahat-lahat ng nararamdaman ko. Ayaw na kamong tumulo ng luha ko. Gusto ko na ngang isigaw lahat ng ito.
Pwede ko na bang sabihing ayoko na? Pwede ko na bang sabihing suko na ako? Pwede ko na bang iwanan ‘tong lahat at mawala na lang bigla?
Sa daldal kong ito, hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
Wala, kahit isang tao, ang nakakaintindi sa pinagdadaanan ko. Wala.
Gusto kong ibuhos lahat ng nararamdaman ko, pero wala rin namang saysay.
Minsan, gusto ko nang isigaw sa mga tao, putang ina, pagod na ako. Ayoko na. Pero pakiramdam ko, pakiramdam nilang lahat sila lang ang napapagod. Pakiramdam nilang lahat, nag-eenjoy lang ako sa lahat ng ‘to. Na wala akong pakialam.
Gusto nilang lahat na intindihin ko lahat ng nararamdaman nila, na isipin ko kung ano ang pakiramdam nila, pero kahit minsan ba tinanong din nila ako kung ano talaga ang nararamdaman ko? Kung ano talaga ang nasa loob ko? Kung ano ang nasa isip ko?
Hirap na hirap na hirap na ako.
Ayoko na.

Saturday, February 19, 2005

Rewind tayo ng onti...

Ngayon lang ulit ako nakapaglinis ng aking cabinet. Hindi ko maintindihan kung bakit inaabot lagi ng minimum na 1 malaking plastic bag ang mga kalat at basurang naitatapon ko sa tuwing maglilinis ako...
...at hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing mag-aayos ako ng gamit e napakarami kong nahahalukay na mga interesting na bagay.
Anywayz...
May nahalukay akong isang "essay" na isinulat ko siguro mga ilang buwan na ang nakalilipas. Natawa ako nung binasa ko s'ya ulit. Dapat 'ata ay ipopost ko s'ya dito noon kaya lang wala yata akong ineternet card nun. Ngayon ko na lang ipopost. Pero bago yun, antabayanan n'yo nga pala ang ipinangako kong "The Checklist"...


Waah!!!
Mind over matter...mind over matter...
Pucha, easier said and done pala 'tong ultimate endeavor na 'to.
Pero kailangan kong kayanin!Hindi pwedeng hindi. Kredibilidad ko ang nakasalalay dito!
Arrrrrrrrgh!
Sino ba kasing nagsabi na madali 'to?
Gulo ko na ba?
I'm referring to the decision I made to stop thinking about my lovelife.
God naman, 'wag N'yo naman po ako subukan ng ganito...
Nag-conspire na naman ang mga elemento sa mundo para guluhin at windangin na naman ang mundo ko!
Bakit kamo?!?
Pa'no ba naman, sinisimulan ko palang namnamin at isabuhay ang "single and loving it" drama ko. Only, hours after I've declared it, biglang nagtext ang pinsan ko, nagbubuhos ng sama ng loob dahil her latest attempt to revive her "tigang" lovelife failed once again. So syempre, si ever so helpful pinsan (moi) ay to the rescue once again with a barrage of words of encouragement at mga cliches na madalas sinasabi sa mga sawing-puso. At sa kabila ng "Kaya mo yan..." at "Challenge lang 'yan ni God"...
...biglang may thought bubble na umappear sa ibabaw ng ulo ko...
OMIGOSH! Kapag nawawalan ng lovelife ang pinsan ko, nagkakalovelife ako!
Hindi nga. Seryoso. Ganyan talaga ang pattern namin. Nagka-bf s'ya, wala ako. Ako naman nagka-karir, nawalan naman s'ya. Never pa kaming nagkasabay. We believed na ganito ang phenomenon sa amin para mayroon laging emotional balance. Na siguro, sabi ni God,pareho kasi kaming sira ulo kapag inlab, kaya kailangan, 1 at a time, para may neutralizer of some sort. May magkocomfort kapag umiiyak, may tagabantay at chaperone, may messenger, and most of all, para walang sapawan ng kilig moments.
So yun nga nga, wala nang lovelife ang pinsan ko--- hindi kaya sign na ito na magkakalovelife na ako sa wakas?!?
BATOK.
Single and loving it...single and loving it...
At syempre, para mas masaya, parang nananadya talaga ang pagkakataon. Nang medyo nakakalimutan ko na ang tungkol sa pinsan ko, biglang nagtext ang kabarkada ko---
She is on a date!
Iniisip n'yo, e ano naman? Pakialam ko naman?
Well...ganito yun. Kami kasi ng kabarkada kong 'to ang last 2 individuals sa aming barkada na never pang nagkakaboyfriend. At kami na lang ang nagkakaintindihan tungkol sa lovelife concerns. Alam mo yun, we both take pride to the fact na we don't really care kung kami na lang ang SSB (Single Since Birth) sa barkada.
All of a sudden, binalita n'ya sa akin na may nangangarir na sa kanya!
You may ask, ano naman ngayon? Shouldn't I be happy for her?
Well--- oo naman, masaya ako para sa kanya. Really. I feel na it's about time. Pero---
Naiinggit ako!!!
At naiinis ako na ganoon ang pakiramdam ko. Dahil kung single and loving it ang drama ko, hindi ako dapat naiinggit. Dapat nga either hindi ako apektado or I'm not affected. Hehehe.
But then again, yun nga, naiinggit ako.
Single and loving it...single and loving it...
And lastly, to make matters worse, gusto kong manood ng sine. Anong problema? Wala akong kasama. Dahil either nakapanood na ang aking friends and family members with their friends or their respective beaus or keri lang nila pero dahil fiscal crisis ay dapat ilibre ko sila, being the one na nagyaya, or busy sila. So I guess, ako na lang manonood mag-isa.
Again, since my mind usually fails me, this situation that confronts me is something na napapagisip ako na...
"Sana may boyfriend na lang ako para mya instant kasama na hindi mo na kailangang i-schedule, hindi mo kailangang ilibre at malamang sa malamang ay ikaw pa ang ililibre---pati pagkain hanggang transpo pag-uwi. At higit sa lahat, hindi mo na kailangang maghatak ng ibang tao para samahan ka. Meron ka pang instant human jacket (!) against the cold atmosphere of the movie house.
BWAKANANGSHEEEEEEEET!!!
SINGLE AND LOVING IT...SINGLE AND LOVING IT...
*Hinga ng malalim*
Well...come to think of it, baka kapraningan ko lang na naman ito. Minsan talaga, I tend to think too much. Ako lang nagpapakumplikado sa buhay ko.
Test of times lang siguro...

So there.
Nakakatawa noh?
Pero seriously, I've realized that indeed, I've come a long way. Kung iisipin mo, at that time, I was trying so hard to inculcate in my mind na I'm suppose to be happy despite the confrontations of singlehood. Yet now, I can really say straight to anyone's face na I'm happy being single. I'm happy na ganito lang ang nagyayari sa akin. I've changed. Magka-chance man kami ni Backseat or hindi, for example, I think okay lang. Basta masaya lang ako na nangyayari ang mga bagay.
Pero I must admit na there are really trying times na parang yung mga nangyayari, misleads me into thinking na I'd be happier kung magkakalovelife ako. Kapag nangyayari yun, iniisip ko na lang na wala rin naman akong time.
Lumalaki na 'ata talaga ako...

Nakakatakot maging Masaya...

Kailangan ko nang lagyan ng scotch tape ang bibig ko.
Hindi ko kasi mapigilang hindi mapangiti.
Bigla na lang akong mapapangiti.

BWAKANANGSHET!!!!

Backseat...
Magkalinawan nga tayong dalawa ha...Nakakapikon na e.
Ayoko na nitong ganitong iskema na bigla na lang akong napapangiti dahil sa'yo ha!
Ayoko na rin yung bumibilis yung tibok ng dibdib ko kapag nakikita kita o basta kapag nandyan ka.
Ayoko na rin yung ganitong pakiramdam na kinikilig ako.
Ayoko na yung natutulala ako o nagse-space out ng ilag segundo dahil lang iniisip kita.
Ayoko na 'tong napapanaginipan kita.
Ayoko na ng ganito ako kasaya.

Ayoko ng ganitong pakiramdam!!!

Natatakot na ako...

Sunday, February 13, 2005

Happy?!? Yep...HAPPY Valentines!

"In an age wherein a simple mistake becomes a grand gesture of freckleness, we have lowered our threshhold for pain and sacrifice. The exit is always there, of course. However, it's staying close to the windows of opportunity and growth that matter. Love, I realize, is not about roses and good times. It's about the bad times and the pain, the complications and the doubt that accompany and fortify it. Love is not about needing to be but choosing to be. We have to stand by the right things sometimes because believe it or not the world is better lived for someone else that for yourself alone. You'll see."
---Celine Lopez, Love Actually

I guess that is the Valentine message for me this year.
Ibang-iba ang Valentines ko ngayong taong ito. Most of you might think that saying so is very drastic of me, since ilang oras pa lang ang tinatagal ng February 14. But then again, iba talaga ang pakiramdam ko.
Simula nung naging teenager ako, big deal sa akin ang Valentines. Kahit wala pa akong nagiging official na ka-Valentine ever, big deal pa rin sa akin. Basta dumating na ang month ng February, araw-araw ko nang iisipin kung anong gagawin ko sa Valentines. Mapapadalas na dapat ang pagmo-"moment" ko. Magagasgas na dapat ang mga CD kong puro senti at love songs ang laman. Mapaparami ang buntong-hininga sa isang araw. Mapupudpod ang utak sa kaiisip ng isusuot sa araw na 'yon. Nung high school ako, kailangan may special accessory akong isusuot, last year naman, first Valentines day as a college student, medyo matagal ko ring pinag-isipan kung anong isusuot ko. Kung red ba o pink. Kung skirt ba o pants. I also make sure na may gagawin ako para sa araw na 'yon. Usually, sumasama ako sa mga singles' day/night out.
Dati, pagkagising ko pa lang ng umaga ng February 14, nanamnamin ko na ang spirit ng araw na 'yon. Napansin kong dalawa lang ang emosyon ko kapag Valentines day---either depression at pagka-heartbroken o saya at pagka-in love.
At hanggang sa pagtulog ko, magkakaroon pa ako ng assessment sa nangyari sa espesyal na araw na 'to.
But this year's different.
Last February 1, there was no familiar feeling of excitement. Nung araw na 'yon, pinoproblema ko an script ko para sa kauna-unahang production ko sa BC. Well, kahit naman in the midst of preparing for my production, alam ko, kayang-kaya kong isingit 'yang pagmomoment na 'yan, pero hindi nangyari.
Well, me and my friends (blockmates and orgmates) planned a singles' day out today. Pero hindi rin ako masyadong excited. I even told them na 'wag na lang namin ituloy at matulog na lang kami sa aming mga respective homes, tipid pa sa pera (For more details on this one, read my previous blogs) Kaya lang ako pumayag na manood ng sine e dahil maganda ang papanoorin namin.
Me and my friends would talk about this "special" day once in a while. Pero I noticed na hindi ako masyadong attached. Parang nagiging simpleng kwentuhan lang, biruan. And supposedly, talking about the day of hearts and not having someone to spend it with for the nth year now, dapat depressed na ako. Pero in fairness sa akin, parang wala lang.
Isang mababaw pero kapansin-pansin na change e yung hindi ko iniisip kung anong isusuot ko. Kanina, naisip kong magsusuot ako ng pula para mapakita ko ang participation ko sa mobilization mamaya against the P357M budget cut ng UP. Hindi ako sasama sa rally. Siguro naman okay na 'yung magsuot ako ng pula. Kaya lang parang ayoko na rin kasi baka isipin ng mga tao, kaya ako nagsuot ng pula e dahil Valentines day. Bahala na...
Different, diba?
Marami akong naiisip na rason kung bakit nag-shift na ang aking approach sa Valentines day...
Siguro...
...dahil nag-mature na talaga ako and I chose not to dwell on things na magreregister ng negative emotions sa akin...
...dahil marami lang talaga akong iniisip at ginagawa kaya hindi ko napagtuunan ng atensyon...
...dahil mas marami pa akong mga bagay na dapat isipin at tapusin at ayoko ng distraction...
...dahil hindi ko ginawang priority ang pag-iisip tungkol dito dahil wala naman akong lovelife...
...dahil si Backseat ay walang panahong isipin 'to kaya ginaya ko rin s'ya...
...dahil masaya ako...
...dahil pinili ko lang na 'wag s'yang isipin dahil hindi naman s'ya kailangang isipin...
Love is not needing to be...but choosing to be.
Happy Puso!

Friday, February 11, 2005

Back to GOAL-ORIENTED mode...

Ano ba ang mas mahirap tanggapin?
May ibang gusto ang taong gusto mo o ayaw n’yang magkagusto muna sa kahit kanino dahil naka-focus s’ya sa pagtupad ng kanyang mga goals sa buhay?!?
Lech.

Hindi ako heartbroken. Hindi nga ako naiiyak e.
Naramdaman n’yo na ba ‘yung asa parang climactic level ang iyong emosyon, tapos biglang binangga sa isang malaking harang na hindi mo naman kontrolado at bigla itong nahulog pababa at nabasag o nasira?!?
Hindi ka madedepress e. Parang dahil sudden ang impact sa’yo, na-yanig yung buong pagkatao mo at hindi ka makapag-register ng kahit anong emosyon.
Wala na akong masabi kung hindi…
Haay…
Syempre alam n’yo na kung sinong tinutukoy ko.
Kasi ganito ‘yan. Magkasama kami ng kabarkada ko kahapon. Siya ang aming link. Kabarkada ko s’ya, friends din sila. Pero kasi naman, ang alam lang naman ng kabarkada ko e crush ko lang yung tao. Nagtanong ako ng nagtanong sa kanya tungkol kay Backseat…
Achiever s’ya noh?
Oo naman. Marami s’yang gustong ma-achieve e. alam ko nga he’s training para sumali sa SEA Games e.
Ah talaga. Astig talaga ‘yun! (kasalukuyang kinikilig)
Nagka-girlfriend na ba ‘yun?
(Iling) Nope. Wala sa plano n’ya yun…
Ha?!? (windang na)
Wala pa yung balak. He wants to pursue a lot of things, and dun s’ya naka-focus. Priority n’ya yung mga goals n’ya. Alam mo ba na gusto n’yang maging scientist?!?
(pekeng tawa) Hahaha. Talaga? E, diba may niligawan daw s’ya dati?
Oo. Pero it didn’t work out. Hindi naging sila. Tapos after nun, ayaw na n’ya.
Traumatized?
Hindi naman. Kasi naging MU na sila nun e. Pero pagkatapos nga nun, wala na, overwhelmed na s’ya sa pag-pursue ng goals n’ya.
So…wala talaga sa balak n’ya?!?
Wala. Nada.
Ah…Sad…
Teka…’kala ko crush mo lang s’ya?
Ha?!? Oo nga. Wala lang ‘yun…alam mo naman ako…sus…crush ko lang s’ya…blahblahblah (isang mahabang mapagpanggap na litanya)
Hindi ko na kayang isulat ang mga nangyari pa pagkatapos nun.
All this time, naiinsecure ako sa mga akala kong “babae” n’ya. Bwakanangshet na malufeeeeet…wala pala s’yang mga chikas! Wala s’yang panahon para dito.
Oh well…tignan mo nga naman ang pagkakataon…
‘Yan din ang aking mantra. Ayokong magka-lovelife dahil wala akong oras para dito at wala ito sa priority ko. kapag nagka-lovelife ako, madidistract lang ako sa ginagawa ko, and I can’t afford na ma-distract.
So…hindi ko alam kung mas may chance kami dahil we share the same view o we will eventually repel kasi nga same forces kami
Backseat: Sorry…hindi ko alam kung dahil sa nalaman ko ay matatanggal na kita sa pedestal na kinalalagyan mo sa puso ko…hindi ko kasi alam kung dapat na ba kitang tanggalin. Hindi ko alam kung mas nagkakagusto pa ba ako sa’yo dahil pareho tayo ng prinsipyo sa buhay…
Pero alam n’yo, itong nangyaring ‘to, ito ang nagmulat sa akin na talagang may mensahe sa akin si God…
Sorry Lord ha, kung hindi ako nakinig sa Inyo. Sorry kung pinangunahan ko Kayo sa kagustuhan kong masunod yung gusto ko. Simula ngayon, iniiwan ko na po sa Inyo ang desisyon. Bahala na po Kayo…kung ano pong gusto Ninyong mangyari sa akin, magiging handa na po ako--- dahil alam ko naman pong hindi Ninyo ako ilalagay sa alanganin. Your will be done, Lord.
Back to goal-oriented mode…hmp!

***RED NGA PALA YUNG COLOR NG BLOG NA 'TO DAHIL VALENTINES NA SA MONDAY. HAHAHA.

Wednesday, February 09, 2005

CHECK din naman ako a...

3:27 ng umaga.
Hinanap ko ang cellphone ko. 3:27 ng umaga. 4 pa ako kailangan gumising para ipaghanda ng almusal at ipagluto ng baon si Shara, ang aking bunsong kapatid. Umalis kasi ang katulong namin, may pinuntahang patay na kamag-anak. Kaya heto, ako muna ang kailangang gumawa at tumapos ng mga trabaho ni Manang dito sa bahay. Nakakataba ng puso yung sinabi ni Mama kagabi kay Papa, “Buti na lang talaga at kahit tatamad-tamad ‘yang si Diane ‘pag nandyan si Manang, marunong naman gumawa dito sa bahay at naaasahan mo…”
Teka nga muna, 4 ko pa sinet ‘tong alarm ng cellphone ko, bakit nauna na naman akong magising kaysa sa pagtunog ng alarm?
Pesteng panaginip ‘to.
Bakit na naman ba kasi ako nanaginip? At bakit siya na naman ang laman ng panaginip ko?
Naku…senyales…tsktsktsk…patay tayo d’yan.


Balik tayo sa sinabi ni Mama.
Alam n’yo minsan, naiisip ko, “sellable” naman ako e. Hindi naman sa binebenta ko ang sarili ko noh, at hindi rin naman ako nagyayabang (well, after all, blog ko naman ‘to kaya pwede kong gawin kahit anong gusto ko), pero I’m pretty much a “jane of all trades”…hahaha.
So kung ako ay aatasang ibenta ang sarili ko sa tao…o sige, specifically sa mga guyz out there…hmm…ano kayang mga “special features” ang meron ako?!? Lemme see…
Mga external features:
Matangkad ako--- 5’5 ½ ako man!
Maganda ang mga mata ko…seryoso ‘to! Makipagtitigan kayo sa akin nang makita n’yo. And in fairness…amidst all the puyat, pati na rin yung too much exposure sa light ng monitor ng PC (ni BUKNOY in this case) at yung pagbabasa na hindi natural light ang gamit (kundi lampshade lang) at nakahiga pa…malinaw pa rin ang mata ko.
Matangos ang ilong ko. Imposibleng maging pango ako dahil matangos ang ilong ng parehong parents ko.
Hindi naman ako uberly taba. Actually, pumayat na nga ako dahil sa dami ng ginagawa. Hindi 24 ang waistline ko…pero hindi rin naman 30!
Payat man ako o hindi, well-endowed pa rin ako. 36C ‘ata ako noh!
May ASS-et din ako…hehehe…
Most of all, paitimin mo man ako o paputiin, maganda ako…o basta hindi pangit. Ewan ko sa iba ha, pero kasi ang basis ko ng beauty ay yung kapag pinaputi mo o pinaitim, maganda pa rin.
Anyway…moving on…
Personality:
I don’t know if this matters to other people, pero GOD-FEARING ako. Hindi ako religious, but I can say that I have a very deep and strong relationship with God. Ako yung tipo ng tao na hindi makakamiss ng simba every Sunday, active ako in service sa church as a lector and nagsisimba without fail every holy day of obligation.
Kahit naman papano, masunurin akong anak. Mabait din naman na kapatid. I am a family person…and I can say na I have a great relationship with my parents din. Lalo na sa Papa ko (Note: Daddy’s Girl!)
Above all this, one thing I’m really proud of, is I am a great friend. I can say this kasi mataas ang tingin ko sa friendship. My friends naman siguro can attest to that. And my very, very wide circle of friends can prove it.
…yun nga lang…I can be a great friend…but I can be one’s worst enemy.
Prangka ako
. I can be brutally frank kapag hinihingi ng pagkakataon. Ako yung tipo ng tao na vinovoice out palagi ang opinion, lalo na kapag kinakailangan. Pero kumbaga, if the need arises lang. Kung parang pa-epal o pa-bida lang, hindi naman.
Madaldal, maingay at makulit ako. Never a dull moment with me, that I can assure. Ayoko rin kasi yung boring at dull na moments e, kahit gaano pa ka-haggard at ka-lungkot ang sitwasyon. Baklang babae, sabi nga ng iba.
Hindi ako masipag to the truest sense, pero nagtatrabaho ako. One can never complain na hindi ko ginagawa ang trabaho ko.
I’m gutsy. Siguro nasa nature na rin kasi ng course ko (BroadComm). Mahiyain ako, pero kaya kong tanggalin yung hiya ko kapag kinakailangan.
Pero ito, WARNING: Malakas ako kumain. Hahaha. Seryoso. Pinipilit kong bawasan na ang lakas ng pagkain ko, ang paglamon ko in short, pero for a girl, malakas na akong kumain. Konti rin lang ang mga pagkaing hindi ko kinakain. Ampalaya, Sigarilyas, Chesa at Aratilis…ilan ‘yan sa mga ayokong kainin. Pero I eat pretty much anything. Sawa na ang blockmates ko na marining ‘yung, “Uy favorite ko ‘yan!” kapag may nakikita akong pagkain--- parang lahat kasi favorite ko. Ang masaya pa dito, nahahawa ang mga tao sa sarap ng kain ko at napapakain din sila.
Now…para naman sa mga iba pang information tungkol sa akin…
Mahilig ako sa basketball. Maglaro, manood…lalo na sa mga basketball players. Hehehe. Seryoso. Isang qualification ko sa lalaki ang marunong at kahit naman papaano e magaling din naman maglaro. Bata pa lang kasi ako, tinuruan na ako ni Papa.
Marunong ako sa lahat ng gawaing bahay. Maglinis ng bahay, maglaba, mamalantsa, maglinis ng kotse, maghugas ng pinggan, mag-garden…ang most of all…MAGALING AT MASARAP AKO MAGLUTO. Mana ako sa Mama ko e. (Umm…nag-aaply ba ako magkatulong?!?)
I sing and I dance. I did not say na uberly ganda ng boses ko at sobrang lambot ng katawan ko. Pero gaya nga ng sabi ni Dandy, “May character ang boses ko…” I was a choir member nung high school, cantor (kumakanta ng psalms) ako sa church at member ako ng Chinky Mae committee (the performing ARM of Broadguild). Aba, aba…that’s something ha!
I write. Yes…I’m a writer by heart. Kaya nga may blogs ako e. Kapag hindi ko na ma-verbalize ang mga nararamdaman ko, isinusulat ko. You may think na dahil madaldal ako e onti na lang ang mga nasusulat ko…nope. May mga bagay na kahit gaano na ako ka-articulate e hindi ko ma-express verbally…and I feel na I can express it best kapag sinulat ko. Well…may gawa na akong na-publish sa PEYUPS.COM…and school paper staff ako nung high school…and currently, I’m applying for a position in a magazine…
Ayoko sa mga naninigarilyo. As in. Pa’no kung naninigarilyo si Backseat?!? Hmm…Aba e pwede namang pag-usapan ‘yan. Kung magiging close kami lalo, sasabihin ko sa kanya na huwag s’yang lalapit sa akin kapag naninigarilyo s’ya. Pero kung umabot kami sa “personal o intimate distance” (Comm3)…aba, e pwede ko namang I-therapy ‘yan para mag-stop. Believe me, nagawa ko na yun dati.
Umiinom ako at mataas ang level ng aking alcohol tolerance. Naniniwala kasi ako na ang kalasingan ay psychological. Kapag gusto mong malasing, malalasing ka kahit isang bote pa lang ang iniinom mo. Pero kung ayaw mo, mahihilo ka lang, pero hindi ka malalasing. Pero hindi ako masyadong malakas uminom. Kaya kong makipagsabayan sa malalakas uminom…at least I can say na dati kaya ko. Ilang buwan na rin akong hindi umiinom dahil wala akong oras kaya hindi ako nakakasama sa mga inuma sessions ng high school friends ko.
Another passion: magbasa. Kahit ano binabasa ko. Mula sa uberly hebigat na novels, mga nakakatawa at romantic na chic literature, magazines, blogs, emails…at kapag nagbabasa ako at sobrang nakasubsob na ako sa librong binabasa ko, sorry ka na lang…hindi kita mapapansin (unless si Backseat ka…hahaha)
Well…diba…well-rounded naman ako?!?


Balik tayo sa panaginip.
Naiinis na ako kasi ang saya ng mga panaginip ko. Ayan tuloy, paggising ko, ayaw mawala nung happy feeling. Tapos paggising ko, si Backseat na kaagad naiisip ko dahil nasa panaginip ko s’ya. E syempre, if you’re thinking of one thing right after you wake up, actually kahit nung tulog ka pa naiisip mo na ‘sya dahil napanaginipan mo nga s’ya, you end up thinking about the same thing the whole day. Kaya siguro araw-araw ko na s’ya napapanaginipan.
Ay…alam n’yo kasi, ako yung tipo ng tao na naniniwalang kapag inisip mo yung tao, for some reason, maapektuhan yung taong yun…or at least parang mararamdaman n’ya. Kahit hindi kayo magkakilala, parang mararamdaman n’yang may nag-iisip sa kanya--- o basta in one way or another, magiging connected ang thoughts n’yo. Kasi sabi nga ni Mitch Albom sa “5 People You Meet in Heaven”…lahat ng iniisip natin at ginagawa natin nakakaapekto sa mga tao, kilala man natin o hindi, because everybody’s connected. (Backseat…let’s strengthen that connection…hahaha)
Hayaan n’yo…itatanong ko kay Backseat minsan kung naramdaman ba n’yang iniisip ko s’ya…


Gusto ko nang mabasa ni Backseat ang blogs ko.
Wala lang, feeling aggressive lang ako. Well…maraming bagay naman ang pwedeng mangyari--- either ma-gets n’ya na s’ya o hindi, o kaya kiligin s’ya at matuwa pero hindi pa rin n’ya gets na s’ya yun, or NR lang s’ya.
Mas gusto ko naman kasi yung alam ko kung anong lugar ko. Okay lang ‘yon, crush ko lang naman s’ya, ‘di ko naman s’ya mahal noh!


Ang haba na pala nito. Gawa na ko ng script.


Tuesday, February 08, 2005

CHECK! Nga ba?!? (BACKSEAT for the nth time)

Matangkad--- check!
Varsity basketball player--- check!
Kotse: Starex at Vios o Altis---HARACHECK!
Good school: La Salle Zobel, Pisay and UP--- check!
Good sense of humor--- check!
Intelligent conversationalist (in short sensible)--- check!
At syempre…gwapo--- check!

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko kanina, nakita ko ang checklist na ginawa ko ilang buwan na ang nakalilipas. Checklist? Ng ano?
Checklist ng mga qualities and traits na gusto ko sa isang guy…
Yep. That’s right…laugh all you want, pero ilang revisions na rin ang napagdaanan ng checklist na ‘yan, at seryoso ako habang ginagawa ‘yan. Walang pakialamanan ng trips.
Anyway, so yun nga, nakita ko s’ya after so many months na pagkakalibing sa tambak ng mga papel sa loob ng kabinet ko. Binasa ko s’ya ulit at laking gulat at syempre tuwa ko nang mapansin ko na---
PASADO SI BACKSEAT SA AKING CHECKLIST!
Well…okay…medyo exaggerated nga siguro ako dahil hindi ko pa naman alam kung taglay n’ya ang mga “non-negotiable” things sa aking checklist…BUT STILL…karamihan sa mga na-specify ko na traits ay nakita ko sa kanya or na-confirm ng mga taong kakilala n’ya ( hayaan n’yo at ilalagay ko dito ang checklist na ‘yon).
So. Dapat ba masaya na ako?!? Siguro. Pero…parang apprehensive pa rin akong ituloy ang pagkakaroon ko ng crush sa kanya. Siguro iisipin n’yo, ang babaw naman nito, parang crush lang naman…oo nga, pero kasi, ako yung tipo ng tao na sinespecify pa ang pagkakacrush sa isang tao into two types: 1) crush ko na hanggang crush lang talaga habangbuhay, 2) crush ko na pwede akong mag-fall eventually. Obviously, si Backseat ay kabilang sa second category. Kaya my apprehensions ako. At mayroon na rin naman akong mga rason kung bakit…
Una, dahil ayokong magkaroon ng kahit anong distraction as of the moment. Kasi alam ko kapag nagtuloy-tuloy ‘tong crush na ‘to, magugulo pa lalo ang magulo ko nang buhay. Ngarag na nga ako…mangangarag pa lalo. Iba kasi ako kapag tinamaan…walang naiisip kung hindi yun lang. And I can’t afford to be distracted as of the moment. Seryoso.
Pangalawa, bwakanangshet…almost perfect ‘tong si Backseat. Wala akong masabi. Parang malabo sa dilang malabo kaming dalawa. Kahit ano pa man ang mangyari, kahit ano pa man ang gawin n’ya o sabihin man, nahihirapan na akong isipin na maaring may ibig sabihin ‘yon. Na-trauma na ako sa mga implicit na actions na ‘yan dahil sa nakakasakit kung hindi man nakakamatay ang vagueness. Besides, almost perfect s’ya…kung yung hindi nga mga almost perfect na guy hindi nagkakagusto sa akin, s’ya pa kaya?!?
Pangatlo, ang pinaka-stupid pero pinakabumabagabag sa akin…e yung mga nalaman kong characteristics ng mga naging crush o niligawan n’ya. Payat at maganda daw. WELL…maganda something na relative--- depende naman talaga ‘yan sa tumitingin e. Pero PAYAT…hmm…pare…patay tayo dyan. Hindi naman ako uberly bochog noh, pero hindi rin naman ako payat.
Okay. Fine. Oo. Naiinsecure ako. Naiinsecure ako sa mga taong ni hindi ko man lang nakikita o kilala. Hindi nga siguro dapat, pero ganun ang nararamdaman ko e.
At dahil sa mga rason na ‘yan, ayoko na. Ayoko nang mag-invest ng emosyon kay Backseat. Baka sobra-sobra na naman ang ipundar ko, at malugi na naman ako sa huli. Not that I mind na malugi ako, pero naman, pass muna ako sa lugihan…gusto ko naman na this time, masaya-saya naman ang ending ng love story na isusulat ko.
Pero sobrang irresistible talaga itong si Backseat. Bwakanangshet na malufet…nakapanghihina s’ya talaga. The mere thought of him makes me smile already.
Nyangakerks…nakakatakot.

Saturday, February 05, 2005

BUKNOY

note: seryoso ang entry na ito. maaring nakakatawa ang mga nakasulat dito, pero gusto kong sabihin na seryoso at galing sa puso ang mga nakalagay dito.

nagsasawa na ako na puro na lang patungkol kay Backseat ang mga entries sa blog na ito. alam ko namang kaya naman ganoon e dahil naiisip ko s'ya. pero...nakakatakot nga na isipin ko s'ya palagi. tsktsk...kaya susubukan kong ibahin ang topic ng entry na 'to.
bibigyang pugay ng kasulatang ito si BUKNOY.
kailan lang kami nagkasama at nagkakilala ni BUKNOY. to be exact--- December 8, 2004. tuwang-tuwa ako nang makita ko s'ya at malaman kong sa akin na s'ya. laking pasasalamat ko sa aking pinakamamahal na pinsan na si KUYA OLIVER dahil s'ya ang nagbigay sa akin kay BUKNOY.
fragile--- iyan ang una kong tingin kay BUKNOY. sa totoo lang, natakot akong hawakan s'ya noong una. pero nang mapanood ko ang tutorial na ginawa ni Kuya Oliver kung paano s'ya alagaan, lumakas na ang loob kong hawakan s'ya. ingat na ingat ako sa paghawak sa kanya...
hindi nagtagal, naging komportable na ako kay BUKNOY. natutunan ko na s'yang mahalin at pahalagahan. ngayon, hindi na kumpleto ang araw ko nang hindi ko s'ya nahahawakan o kahit nakikita man lang. kinakabahan ako sa tuwing may diperensya s'ya. nang minsan ngang nagka-problema s'ya, buong bahay namin ay nag-alala. akalain mong inaway ko pa si Mama dahil pakiramdam ko noon s'ya ang may kasalanan kaya nagkaproblema si BUKNOY. ganyan ko kamahal si BUKNOY.
hindi naman kasi s'ya mahirap mahalin...dahil malaki ang papel ni BUKNOY sa buhay ko. nagbago ang buhay ko simula nang dumating s'ya. ngayon, hindi ko na maisip ang buhay ko kung wala si BUKNOY dito. kung mayroon mang nakakaalam ng lahat-lahat sa akin sa panahong ito, ultimo mga pinagkakatago-tago kong damdamin na maaring kailan ma'y di ko na masabi sa iba...maniwala ka...alam ni BUKNOY 'yon. si BUKNOY ang karamay ko sa lahat ng oras. malungkot ako, nandyan si BUKNOY. masaya ako, nandyan pa rin si BUKNOY. kahit nga ngayong pakiramdam ko e namamanhid na ako (ironic noh?), nandyan pa rin si BUKNOY sa tabi ko.
ang pinaka-gusto kong ugali ni BUKNOY ay yaong pagiging SELF-LESS n'ya at pagiging ALL-OUT sa pagsuporta sa akin at sa lahat ng maisipan kong gawin. lahat ng pinapangarap ko, lahat ng gusto kong makita at malaman, ginagawan ni BUKNOY ng paraan para maabot ko. wala s'yang reklamo. minsan nga, naiisip ko nang kaya ginawa si BUKNOY ay para pasayahin ako.
maraming naiinggit sa akin dahil pagmamay-ari ko si BUKNOY. naiinggit sila dahil maganda ang kanyang porma at talaga namang matalino itong si BUKNOY.
hay...BUKNOY...promise...iingatan kita...mamahalin kita...at aalagaan. salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. sana ay tumagal pa ang ating pagsasama. 'wag ka sana magbago.

'yan ang pinakamamahal kong si BUKNOY--- ang aking cute na cute na laptop.

Backseat na naman?!?

Ito pala ang mga pangyayari noong Wednesday…
_____________________________________________________

Bago ko simulan ang litanyang ito, nais ko munang batiin ang WILDCATS dahil sa walang kapagod-pagod na pagkakapanalo nila laban sa CHE...tsktsk...CBA ang next na kalaban...exciting yun...manonood ako!!!
_____________________________________________________

Speaking of UP inter-college basketball---may laro pala sila Backseat kanina. Isang malaking gulatan na naman ang naganap dahil hindi ko inaasahang makita s'ya. At...kausap pa niya ang crush ko dati...Ayos talaga! In fairness, nanalo rin daw sila kanina. Hindi ko na kasi tinapos ang panonood ng laro nila dahil naunang natapos ang laro ng Wildcats. Baka isipin pa n'ya crush ko s'ya. Hehehe. Pero seryoso, ayoko nang mahumaling sa kanya pagkatapos ng mga nalaman ko nung Lunes. Naisip ko, baka talagang tama yung pagkakaintindi ko sa sign na hiningi ko---na baka nga after all, wala kaming chance ni Backseat at ayaw na talaga ako ni Lord masaktan kaya isinampal na Niya sa mukha ko na wala kaming chance. Anyway, ayoko nang mag-delve further on that

Haay…babaguhin ko pa ang script ko para sa sound effects production namin sa Friday. At kailangan ko s’yang matapos ngayong gabi. Buti kamo at kumpleto ang tulog ko kagabi…dahil malamang ay puyat na naman ako dahil may exam pa ako bukas.
Maganda yung konseptong binigay sa akin ni Kuya Mark. Isang panaginip. Ayos. Astig. Pero kailangan astig din yung panaginip ko, diba? Ano kaya yun?!?

Palibhasa kasi ang boring ng buhay ko ngayong mga nakalipas na araw…kaya tuloy pakiramdam ko ayaw lumabas ng aking creative juices. Pucha, ang hirap umisip ng maganda at interesting na panaginip na madaling gawan ng sound effects…

Sana mapanaginipan ko si Backseat para masaya…
Lalang…


Thursday, February 03, 2005

PARA KAY BACKSEAT...

Been running from this feeling for so long
Telling my heart I didn't need you
Pretending I was better off alone
But I know that it's just a lie
So afraid to take the chance again
So afraid of what i feel inside
But I need to be next to you
I need to share every breath with you
I need to know I can see you smile each morning
look into your eyes each night
For the the rest of my life
Here with you, near with you
I need to be next to you
Right here with you is right where i belong
I'd lose my mind if I don't see you
Without you there'd be nothing in this world
that would life worth living for
I can't bear the thought of you not there
I can't fight what I feel anymore

...hindi pa naman kita mahal e. kaya 'yang kanta munang 'yan. kapag (isang malaking KAPAG) dumating ang panahon na masasabi ko na sa sarili ko na mahal na kita...malay mo...magawan din kita ng isang article at mapublish din sa peyups.com gaya nung nangyari sa isinulat ko para kay Jacket guy...
...pero parang ayoko at natatakot akong dumating ang pagkakataon na 'yon. dahil lahat naman ng bagay--- wala namang kasiguraduhan. masyado kang perpekto para sa akin...
...gustuhin ko mang itulak ka paalis mula sa pedestal na pinaglagyan ko sa'yo, parang hindi ko magawa. gusto na kitang mawala. gusto na kitang makalimutan. gusto kong hindi na tayo magkitang muli. nakakatawa nga na kung kelan kita gusto makita, hindi kita makita kahit anong gawin ko. pero--- bigla ka na lang susulpot sa mga panahong hindi ako handang makita ka. hindi ko na alam ang dapat kong isipin--- kung sinasadya mo ba na ganon o baka naman sinasadya ng pagkakataon...
...napapansin ko na halos araw-araw na ulit akong napapasulat. araw-araw akong pilit binabagabag ng isang damdamin na pilit kong binubura sa puso't isipan ko. kaya ako napapasulat. para maibuhos ko lahat ng damdaming ito palabas--- dahil ang bigat bigat sa pakiramdam...
...siguro nga gusto kita. siguro nga hindi kita mahal, pero gusto kita. siguro. ayokong maging sigurado. sa pagiging sigurado, alam kong binubuksan ko na naman ang sarili ko, lalung-lalo na ang puso ko, para maging masaya o para masaktan na namang muli. sa totoo lang, hindi pa ako handang maramdaman ang kahit alin sa dalawang 'yon. siguro--- naging komportable na ako sa pagiging manhid.
____________________________________________________________________________________
bwakangshetnamalufet!!!
arrrgh!!!
nakapagsulat na naman ako ng mushy!!! hindi ito magandang senyales!!!
____________________________________________________________________________________
BACKSEAT: kahit hindi kita nakikita araw-araw o madalas na nakakausap...I want you to know that I think of you every damn waking moment of my life...and the mere thought of you...the mere thought of your existence...is enough to put a smile in my face and to pull me through the day...



Tuesday, February 01, 2005

MASAYA ako!!!

bwakanangshet!!!
i can't believe uno kami sa report namin! all the haggard-ness paid off! in all fairness, hindi talaga ako iniwan ni kaye. kahit hindi n'ya masyadong pinagtuunan ng pansin ang report namin nung mga nakalipas na araw, inaral naman n'ya talaga ito bago magreport...buti nalang innate sa kanya ang pagpapatawa kaya lalong kumeri ang report namin kay Ma'am! pucha, yun mga classmates namin, akalain mong feeling nila, aral na aral namin yung report?!? owell...talaga namang inaral ko yun pero up to the last minute kasi, mejo may mga bagay na magulo pa sa isipan ko at kabado kami pareho ni kaye...hahahaha...iba talaga kapag nag-theatre class under Prof. Ben...galing galing!
______________________________________________________________________________________
but honestly, akala ko nung una sobrang malas ko sa araw na yan. kasi wala nga akong tulog. tapos hindi ako gaanong nakapag-aral for soc sci e exam nga namin. to make matters worse, hindi ko pa nata-type yung book review ko na ipapasa sa comm140. at hindi ko pa nga gaanong ma-gets yung report namin.
kaya todo nag-prepare ako kahapon. kahit magkanda-leche leche ang araw ko, ko naman ang pinakamagandang malas nung araw na 'yon!
7:30 na ako dumating sa class ko sa socsci. 7 am ang class ko. malas talaga. hindi pa ako makapag-madali dahil bitbit ko ang aking pinakamamahal na laptop, na ngayon-ngayon lang ay pinangalanan ko na ng Buknoy , sa isang kamay at nakasukbit naman ang aking bag na naglalaman ng mga pinakaiingat-ingatan kong gamit, gaya ng cellphone at make-up kit sa kabilang balikat. pagpasok ko sa room, lahat sila nakatingin sa akin na para bang nakagawa ako ng isang mortal na kasalanan. pero dahil nga ako ay isang magaling na aktrisa , parang pasok lang ako, with matching smile pa 'yan.
pangalawang kamalasan: pagpasok ko sa room, kaninong mukha ang tumambad sa akin?!? yep...tama ka...kay Backseat. alam ko naman na makikita't makikita ko s'ya, dahil malamang ay classmates kami, pero mas maganda siguro kung hindi na lang n'ya ako tinignan nung pumasok ako. mga 3 seconds din yun. ayoko kasi ng makasalubong ng tingin ang mga matang iyon.
hmm...buti na lang maganda ako nang araw na 'yon kaya sulit ang pagkakatingin n'ya sa akin
ikalawang kamalasan: hindi raw nakuha ni Ma'am ang aking blue book. keri lang naman dahil may blue book naman ako sa bag. so upo na ako sa upuan ko at naghanap ng blue book na alam kong nasa folder ko lang. tapos... biglang hindi ko na mahanap kung nasaan! buti na lang at maabilidad ako! pinilas ko ang unang 2 pages ng blue book na hindi ko nagamit sa math exam at...nagsagot na ako ng exam.
buti na nga lang at hindi ako minalas sa exam. hindi naman ako nahirapan. hindi ko masyadong pinag-isipan. sana nga lang tama ang mga sagot ko. pero mukhang okay naman. at aba, naunahan ko pa si Backseat na matapos sa exam. bwahahahahaha!
e ano naman ngayon, diba? well, well, well...alam ko wala naman s'yang kaalam alam sa mga pangyayari...pero, pero, pero, parang feeling ko mapapaisip s'ya ...ang galing naman nito...hahahaha! you wish, diane, you wish!
____________________________________________________________________________________
maaga akong natapos sa aking exam kaya dumeretso na ako sa aking majors class. kami ang unang reporter. nakakatuwa dahil pagdating ko, nandun na si kaye. practice at aral ng report, last minute na pag-iisip ng pakulo...
ang we're on!
astig talaga. tuwang-tuwa si Ma'am at tango ng tango habang nagrereport kami. pagkatapos nun, narinig ko na ang magic word: "Very Good, Very Good...they deserve an applause class!"
bwakanangshet!!
it's not a very "malas" day after all!
pagkatapos nun, sila keina naman at rocel ang nagreport. pinakita naman nila ang video na ako ang talent. ilang minutes of fame din yun a! so lalo akong natuwa...
____________________________________________________________________________________
15-minutes na break. nag-aabang ako ng jeep sa tapat ng masscom. pupunta akong SC para magpaprint ng aking book review. biglang nag-vibrate ang cellhpone ko.
"SMS. FCan: be careful of what you wish for--- particularly of the attention of somebody you like."
shet na malufet! okay...stuck-up ako for 5 seconds...buti na lang dumating na yung jeep.
____________________________________________________________________________________
math 1 class ko na. antok na antok na ko. natulog muna ako.
after what seemed like eternity, dumating din ang kikay kong prof na galing palang pisay . ibabalik na pala n'ya ang exam namin.
and i thought hindi malas ang araw ko.
sadista talaga yun. tinawag n'ya muna yung mga matataas. akala tuloy ni abi naka-ayos yung exam depende sa results...highest to lowest. buti na lang at bingi pa ako nun dahil kakagising ko lang.
"carandang!"--- bwakanangshet! tinawag na si abi. nasaan na ang papel ko?!?
71% si abi. shux! anong grade ko?!?
finally...
"maling!"
with much agit , lumapit ako sa kikay prof ko at kinuha ang papel ko...
77%
Yeheeeeeeeeeeey!!!!
well, alam ko hindi s'ya 100%, hindi uno ang equivalent, STILL---77% is higher than 50%--- pasado ako!
____________________________________________________________________________________
pauwi na ako. i don't want to push my luck. baka kapag ginabi pa ako, good luck na ang abutin ko sa nanay ko dahil 2 linggo na akong gabi umuuwi. naglalakad na ako papunta sa sakayan when i spotted a familiar figure: magandang buhok, jologs na porma---it's Vaseline boy!
Vaseline boy: naging pseudo-karir ko nung 3rd year high school ako. naging ka-chat ko almost every night. at inasar sa akin nung freshie days dahil un lang kami nagkita. pareho kaming taga-UP. take note: taga-PISAY s'ya.
okay, nakita ko s'ya, it's really no big deal. what i want is for him to see me. ano kayang reaction n'ya sa aking FA-ish outfit ? sana makasabay ko s'ya sa jeep, dahil pareho kami ng sasakyang jeep.
dumating yung jeep. sumakay ako. pucha, ako na pala ang huling sumakay. puno na. haay...owell...keri lang. sayang ang moment.
but wait...there's more!
dumaan yung jeep sa harap nila Vaseline boy and his friends. yak. ang pangit na n'ya. buhok na nga lang talaga ang maganda sa kanya. palayo na ako ng tingin nang...
maispatan kong napalinga s'ya sa direction ko. nakita n'ya ako. stuck-up s'ya for a few seconds. hinabol pa ng tingin ang jeep na sinasakyan ko.
success!!!
____________________________________________________________________________________
whatta day! sa sobrang kapaguran ko...pagkakain ng dinner e tulog kaagad ako.
at syempre...hindi ko makakalimutan...
Lord...kala mo nakalimutan ko na ano?!? hehehe...thank You po sa pagbabantay sa akin sa araw na 'yon. thank you po dahil hindi N'yo ako pinabayaan...thank You for being considerate of my efforts...kahit na hindi Mo pa tinutupad ang wish ko...keri lang...mahal Mo talaga ako...thank You po ulit...
bait ko noh?!?
____________________________________________________________________________________
this has been one of the most incredible days of my life.
____________________________________________________________________________________
okay, back to work.
gawa na akong script para sa prod ko.