ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Sunday, February 13, 2005

Happy?!? Yep...HAPPY Valentines!

"In an age wherein a simple mistake becomes a grand gesture of freckleness, we have lowered our threshhold for pain and sacrifice. The exit is always there, of course. However, it's staying close to the windows of opportunity and growth that matter. Love, I realize, is not about roses and good times. It's about the bad times and the pain, the complications and the doubt that accompany and fortify it. Love is not about needing to be but choosing to be. We have to stand by the right things sometimes because believe it or not the world is better lived for someone else that for yourself alone. You'll see."
---Celine Lopez, Love Actually

I guess that is the Valentine message for me this year.
Ibang-iba ang Valentines ko ngayong taong ito. Most of you might think that saying so is very drastic of me, since ilang oras pa lang ang tinatagal ng February 14. But then again, iba talaga ang pakiramdam ko.
Simula nung naging teenager ako, big deal sa akin ang Valentines. Kahit wala pa akong nagiging official na ka-Valentine ever, big deal pa rin sa akin. Basta dumating na ang month ng February, araw-araw ko nang iisipin kung anong gagawin ko sa Valentines. Mapapadalas na dapat ang pagmo-"moment" ko. Magagasgas na dapat ang mga CD kong puro senti at love songs ang laman. Mapaparami ang buntong-hininga sa isang araw. Mapupudpod ang utak sa kaiisip ng isusuot sa araw na 'yon. Nung high school ako, kailangan may special accessory akong isusuot, last year naman, first Valentines day as a college student, medyo matagal ko ring pinag-isipan kung anong isusuot ko. Kung red ba o pink. Kung skirt ba o pants. I also make sure na may gagawin ako para sa araw na 'yon. Usually, sumasama ako sa mga singles' day/night out.
Dati, pagkagising ko pa lang ng umaga ng February 14, nanamnamin ko na ang spirit ng araw na 'yon. Napansin kong dalawa lang ang emosyon ko kapag Valentines day---either depression at pagka-heartbroken o saya at pagka-in love.
At hanggang sa pagtulog ko, magkakaroon pa ako ng assessment sa nangyari sa espesyal na araw na 'to.
But this year's different.
Last February 1, there was no familiar feeling of excitement. Nung araw na 'yon, pinoproblema ko an script ko para sa kauna-unahang production ko sa BC. Well, kahit naman in the midst of preparing for my production, alam ko, kayang-kaya kong isingit 'yang pagmomoment na 'yan, pero hindi nangyari.
Well, me and my friends (blockmates and orgmates) planned a singles' day out today. Pero hindi rin ako masyadong excited. I even told them na 'wag na lang namin ituloy at matulog na lang kami sa aming mga respective homes, tipid pa sa pera (For more details on this one, read my previous blogs) Kaya lang ako pumayag na manood ng sine e dahil maganda ang papanoorin namin.
Me and my friends would talk about this "special" day once in a while. Pero I noticed na hindi ako masyadong attached. Parang nagiging simpleng kwentuhan lang, biruan. And supposedly, talking about the day of hearts and not having someone to spend it with for the nth year now, dapat depressed na ako. Pero in fairness sa akin, parang wala lang.
Isang mababaw pero kapansin-pansin na change e yung hindi ko iniisip kung anong isusuot ko. Kanina, naisip kong magsusuot ako ng pula para mapakita ko ang participation ko sa mobilization mamaya against the P357M budget cut ng UP. Hindi ako sasama sa rally. Siguro naman okay na 'yung magsuot ako ng pula. Kaya lang parang ayoko na rin kasi baka isipin ng mga tao, kaya ako nagsuot ng pula e dahil Valentines day. Bahala na...
Different, diba?
Marami akong naiisip na rason kung bakit nag-shift na ang aking approach sa Valentines day...
Siguro...
...dahil nag-mature na talaga ako and I chose not to dwell on things na magreregister ng negative emotions sa akin...
...dahil marami lang talaga akong iniisip at ginagawa kaya hindi ko napagtuunan ng atensyon...
...dahil mas marami pa akong mga bagay na dapat isipin at tapusin at ayoko ng distraction...
...dahil hindi ko ginawang priority ang pag-iisip tungkol dito dahil wala naman akong lovelife...
...dahil si Backseat ay walang panahong isipin 'to kaya ginaya ko rin s'ya...
...dahil masaya ako...
...dahil pinili ko lang na 'wag s'yang isipin dahil hindi naman s'ya kailangang isipin...
Love is not needing to be...but choosing to be.
Happy Puso!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home