ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Friday, January 28, 2005

Lovers in Paris, City of Angels...at si Backseat

Tapos na ang Lovers in Paris.
Hindi ko na nga pinanood yung mga huling episode nun kasi hihiramin ko yung vcd ng blockmate kong si Michelle at papanoorin ko s’ya ng buo.
Akala ko hindi ko maaabutan nung Thursday kasi gabi na ako umuwi. Pero pag-uwi ko, kakasimula lang pala. At pinapanood ng lahat ng tao sa bahay namin ultimo ng Papa ko.
Nanood na rin ako.
Nung may flashback moment na ng love story ni Vivian at Carlo, hindi ko namalayan na nalunod na ako sa pinapanood ko. Bigla akong napag-isip…
…si Vivian. Hindi naman s’ya kagandahan. Hindi rin naman s’ya ganoon katalino. Nakakatawa nga s’ya kasi ang weird n’ya. Nakakatawa s’ya, diba? Tapos hindi s’ya nakapag-aral, wala s’yang permanenteng trabaho…
…pero isang katulad ni Carlo ang nagkagusto at nagmahal sa kanya ng todo. As in. Mayaman. Filthy rich kumbaga. Matalino. Maraming great opportunities na dumarating. Gwapo. Cultured. Isipin mo nga naman, kayang talikuran ni Carlo lahat para kay Vivian…baliw na baliw s’ya kay Vivian.
Kaya naisip ko, anong nakita ni Carlo kay Vivian? Anong meron sa pagkatao ni Vivian at nakabingwit s’ya ng isang katulad ni Carlo?
Tinanong ko ‘yan sa kaibigan ko. At alam n’yo ba kung anong sinagot n’ya sa akin?
“Ang kahit sinong tao, ano man ang pagkatao n’ya, inilalapit ni God sa taong destined para sa kanya. At kahit ano pang pagkakaiba nila, kahit magkalayo sila sa ugali, sa kilos, sa status nila sa buhay, kapag sinabi ni God na destined kayo, kahit hindi kayo magkakilala, magtatagpo at magkakalapit rin kayo…”
Destiny. Na naman. Bakit lagi na lang kailangang iduldol sa mukha ko at sa utak ko ang konseptong ‘yan?!?
Pero sige…dahil fan ako ng Lovers in Paris---
Siguro nga totoo ang destiny. Kahit pa exaggerated ang pag-conceptualize ng karamihan ng mga telenovela o teleserye o chinovela rito, dahil nangyari kay Vivian at Carlo, maniniwala ako.
Bago ako makatulog, iniisip ko pa rin ang destiny. Naisip ko ang crush ko, na itago na lang natin sa pangalang Backseat. (Kung bakit Backseat?!? Next blog na lang) Naging classmates na kami dati pa sa isang subject. Naging crush pa nga s’ya nung kaibigan kong classmate ko rin sa subject na ‘yon, si Marla. Bwisit na bwisit ako kay Marla kasi lagi n’yang pinapansin at sinusubaybayan ang ginagawa ni Backseat, kahit saang lupalop pa ito ng classroom nakaupo. Kilig na kilig si Marla tuwing makikita namin. At para lang tumigil s’ya, oo na lang ako ng oo.
Pero sa totoo, hindi naman ako nagwapuhan. Matangkad, matipuno--- pero yun lang. Tsaka puro babae ang kasama sa klase. Bakla siguro sabi ko. Walang striking feature. Kaya buong sem, irrele (irrelevant) s’ya sa akin. Besides, may karir ako nang mga panahong ‘yon.
Fast forward---
One heartbreak after, nakita ko nalang si Backseat sa isa kong klase. For some reason, natuwa akong makita s’ya. Ewan ko kung bakit. Kakaibang feeling. Nakita ko na. Gwapo nga s’ya. Nakakatawa.
At simula noon, naging isa na s’ya sa mga dahilan kung bakit pinapasukan ko pa rin ang klase kong iyon despite sa mga obstructions (na next blog ko na ieexplain).
At ganoon na nga, naisip ko s’ya habang naisip ko ang destiny. Ang takbo ng mga pangyayari siguro ang dahilan kung bakit naiisip kong, hindi kaya destiny ko s’ya? O kaya may chance pala kami?
Ewan ko kung anong pwersa ang sumanib sa akin nang gabing ‘yon, pero nang magdasal ako, hindi ko naiwasang masambit…
“Lord, bigyan mo naman ako ng sign na may chance kami. Kapag na-invite at napapunta ko s’ya sa Destino bukas, may chance kami. Kung hindi…”

Sino nga ba kasing nag-imbento ng konsepto ng destiny? Nakakainis. Nakakasira ng buhay. Hindi nakakatuwa.
Tahimik akong nanonood ng City of Angels, ang pelikulang tampok ng Destino. Pagod na ako. Halos buong araw na kaming nag-ayos para sa event na ito. May exam pa ako kanina sa Math. Ang bigat na ng pakiramdam ko. Buti kamo busy ako, wala tuloy akong oras para magmukmok.
Nakakainis yung kwento. Isang angel, nagkagusto at nagmahal ng isang mortal. Tapos nung naging mortal na s’ya, halos isang araw lang silang nagkasama na pareho silang mortal. Namatay naman yung mahal n’ya at naiwan s’ya dito sa lupa.
Naiyak ako ng ilang beses. Nakakaawa naman kasi talaga. Niyakap ako ng orgmate kong si Ate Ken. Tumatawa naman si Ate Dane sa tabi ko. Ang lungkot kasi ng kwento sabi ko, ang mean ng nakaisip n’yan. Bakit pa sila pinagtagpo at pinagkilala kung hindi rin naman sila pwedeng magsama ng matagal? Pinahirapan lang sila ng pagkakataon. Sabay bulong sa akin ni Ate Dane…
“Ganyan talaga. Siguro hindi talaga sila destined para sa isa’t isa…”

Ang aga ko pa naman pumasok. Kahit na puyat ako nang nakaraang gabi, sinigurado kong maaga akong makakapasok para makapag-handa ako sa gagawin ko. Major step para sa akin ‘to. Kahit gaano kakapal ang mukha ko, hindi ko pa nagagawa ‘to sa buong buhay ko.
Wala namang mawawala sa akin, sabi ko sa sarili ko. Isa pa, mabuti na yung sinubukan ko tapos walang nangyari kesa naman habang-buhay ko na lang iniisip kung ano kaya ang posibleng nangyari kung may ginawa lang ako.
Kabado ako, pero masaya.
Bawat kabog ng dibdib ko, isang minuto ang dumaraan. Hindi ko na marinig at maintindihan ang sinasabi ng prof ko. Isinulat ko na at isinasaulo ng makailang beses ang mga sasabihin ko. Iimbitahin ko s’ya, at kailangan hindi halatang praktisado. Kunwari wala lang.
30 minutes na lang tapos na ang klase. Okay lang ‘yan lagi naman s’yang late dumarating.
20 minutes. Bwakanangshet. Hindi ito maaring mangyari. Ito na ba ang hinihingi kong sign, Lord?
10 minutes. Hindi. Hindi pwedeng mangyari ‘to. Bakit Mo ako hinayaang maniwala nang kahit ilang oras lang na may chance kami kung balak Mo rin pala akong biguin, Lord? Ang labo Mo.
5---4---3---2---1
Hindi s’ya pumasok.
Destiny?
Bullshit.

Ang lamig ng gabi. Buti na lang may jacket ako. Hahaha…jacket o walang jacket, nilalamig pa rin ako.
Tapos na ang Destino. Nakakatawang isipin na Destino pa, isang event na ang theme ay destiny, ang magiging witness sa pagkabuwag ng konsepto ko ng destiny.
Dumating man s’ya noong gabing ‘yon, wala na akong pakialam. Wala na akong pananalig sa konsepto ng destiny.
E hindi naman ako si Vivian e. At hindi naman chinovela ang buhay ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home