ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Thursday, July 28, 2005

Mga senyales ng pagiging ngarag:

1. Umiiskema ka na ng mindless eating--- yung tipong para bang minu-minuto gutom ka, at wala ka nang sinasantong pagkain, keber na kung healthy ba o hindi ang kinakain mo, kung tataba ka ba o hindi…
2. Napapanaginipan mo na may nakaligtaan kang gawin na isang bagay at bigla ka na lamang magigising sa takot at kaba at bigla ka na lang titingin sa orasan para siguraduhing nanaginip lang ang lahat. Bunga ito ng---
3. Matinding pagkaramdam ng pagod kapag wala ka nang ginagawa.
4. Nagiging active member ka na ng MASA (masandal tulog)
5. Kinakailangan mo nang ilista lahat ng kailangan mong gawin hanggang sa susunod na buwan (dahil may nakatakda ka nang gawin hanggang sa panahong iyon) dahil sa sobrang dami ay naguguluhan ka na at nakakalimutan mo na.
6. Ang isang supposedly enjoyable time of watching basketball ay naging isang trabaho dahil kailangan mo itong I-cover (not that I don’t like it this way--- ang daming privileges na ie-enjoy at imamaximize ko talaga)
7. Hindi ko na mapagbigyan ang mga kabarkada ko para sumama akong gumimik at manood ng concert dahil kapag ginawa ko ‘yun, marami akong masasayang na oras.
8. Napaisip akong itigil muna ang iba pang kabaliwang makakagulo lang lalo sa isipan ko. (details later)

Bakit kamo alam ko ang mga senyales na ‘yan? Dahil ako ay CERTIFIED NGARAGERS na! Pero kinikeri ko naman so far…mas bet ko pa nga ang ganito kera borelow ako dahil walang ginagawa.
---

Balikan natin ang #6. Susko, kulang na lang e magtatalon na ako sa tuwa habang dini-discuss ni Ma’am Iris ang aming next assignment--- sportswriting ito! as in UAAP level!
Bakit nakakatuwa ito?
Dahil unang-una, bet ko talaga ang aming press ID! Ganda ng layout, at ang powers nito, hindi ko kinekeri…hanggang locker room! Ganito kasi ‘yun, kailangan namin ng isang game coverage na news tapos a choice between a commentary, another game coverage or a profile news script. Sa game coverage, akala ko manonood ka lang, gagamitin mo lang yung device na itinuro ni Ma’am, tapos keri na--- but no! Sabi ni Ma’am, kailangan makakuha rin kami ng panayam sa mga coach ng dalawang teams, sa players--- hay! Dream come true ito!
Pangalawa, syempre, makikita ko ang players ng malapitan. Don’t get me wrong, hindi ito yung excitement na para kang giddy fan na magpapa-autograph sa kanila at kikiligin and all. If you are an avid fan not only of UAAP but of basketball in general, iba yung feeling na makalapit ka sa mga idols mo. Keber na kung pawis-pawisan pa sila.
Pangatlo, makaka-apak na ako sa court ng Araneta! Mas maganda sana kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon na makapaglaro dun, pero for now, masaya na akong maka-apak sa court ng Araneta.

Hay, kaya sa mga nagsasabing small time lang ang MassComm, well well well, at least kami, kahit na magkanda-puyat kami sa script at ma-aligate to the highest level sa isang “easy” (ayon sa ibang course) na trabaho like preparing a prod (na hindi naman talaga easy), ang dami naman naming contacts with professional people…as in they are within our arm’s reach. We have the power of the press na no engineering equation, no physics theory or biological observation (if there’s such a thing) can match. Bwahahahaha!

*Sorry, I got carried away. Nakakainis kasi yung hirit ng mga tao from other colleges na ang MassComm ay bagsakan at tapunan lang ng mga bumabagsak sa “mahihirap” at “challenging” na courses like courses from Eng’g , Science and BA. Excuse me, we may not be good in those theories and mathematical equations na kaya niyong gawin, pero pwede namin siyang pag-aralan at intindihin. Pero ang discipline at talent ng isang true blue MassComm student ay never maa-acquire ng kahit sino na lang. It’s not in the books, and hindi siya kayang I-solve ng kahit anong equation. It’s inborn. So there.
---

I’ve said it to some of my friends, but I’m making it official by writing about it here.

EAE is temporarily suspended. Pansamantala munang matitigil ang Peeves-mania.

Magulo na masyado ang utak ko. Hindi ko na ma-sort out ang thoughts ko at feelings ko tungkol sa bagay na ito. Hindi ko na maisip ang tama at hindi tamang gawin. Hindi na ako sigurado.

Kaya ‘yun. Pahinga muna. Ang dami ko kasing ginagawa. Kapag inintindi ko pa ito, mabubuwang lang ako.

Okey lang ako. Walang sakit. Walang iyakan. Masaya nga ako na medyo mature itong napagdesisyunan kong gawin.

Kung kelan ko ito pag-iisipang muli, hindi ko pa alam. Kung darating ba ang araw na sasagi pa ito sa isip ko, hindi ko sigurado. Tignan na lang natin.

Siguro nga tama si Chris, baka nga hindi ko pa talaga siya ganun kamahal.
---

I’m back to my “meantime” mode.

Wednesday, July 27, 2005

Mushy mushy mushy...MUSHY!

Natutuwa ako sa Absolute Merge ng FGs namin kanina. Aba aba aba, I would like to congratulate the FGs for a job well done. Makikita mo kasi talaga ang effort nila pasayahin kami.

Naiyak ako kanina sa performance ng isa sa mga FGs. Mali--- hindi pa pala siya nagpeperform nun, ikinukwento pa lang nya ang backgrounder ng kanyang literary piece nung naiyak ako. Natatawa pa ako nung una, pero bigla na lamang talaga akong naiyak.

Pasintabi sa FG na ito. Hindi ko na sasabihin kung sino ka, pero inaacknowledge ko naman na ikaw ang gumawa nito. Ang ganda. Wala akong masabi. Swak. Parang tinusok niya bigla ang puso ko.

I Am In Love

How do I start? I am thinking of you yet you probably are not thinking of me. I have questioned in the past days what I am to do and nothing seems to fit. I am scared of scaring you away that I cannot make a move. I am still. Even as the wind calls me to sleep, I cannot. I stir every time I close my eyes only to find I am back on earth and no longer soaring. I want to be free as the wind. Yet I cannot.

I saw a rose today only to find that its beauty paled in comparison to what I see in you. I miss you the same way the rose misses the sun.
And I cannot help but miss you. For I love you.

I gaze at the sky at night and think of you. I miss you. The moon reminds me of your face, how I long to touch it but never will. I glance at a puddle of water and I see the moon. I touch it, but the moment I do, it disappears. And I miss you. And I am scared. I am afraid because I long to tell you how I feel but I feel I never will. And it hurts. And I want to cry but my tears would be in vain. You would never see them. You would never hear them. You would never feel them. And it hurts. For that is all that matters to me. I am in love and you are the one I love.

And I think of you. And I am afraid. And I am scared. And I miss you. And I am in love. And you are the one I love.

Grabe, noh? How is it possible na I am feeling the same feeling that the poem illustrates?

May sasabihin ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak. Naiyak ba ako dahil natutuwa akong naisatitik na ang damdaming hindi ko maipahayag? Naiyak ba ako dahil ang akdang ito ang nagmulat sa akin sa isang katotohanan? Siguro nga. Pero katotohanan na ano? Naiiyak ba ako dahil napapagod na ako? Pero bakit ako napapagod?

Putangina. Baka tama si Ate Aissa. Baka nga dapat tigilan ko na ‘to.



Sunday, July 24, 2005

ONE HELLUVA WEEKEND!

CHIIIIIIIKAMINUTE!

Da hu itong girlaloo na may-I-look like a tarsier na naman ang drama after another “misadventure” with her chova? Kasi naman, very taklesa ang drama queen na itey, very asarcon ng asarcon sa kanyang friendship about this very konyo guy. Ayan, na-agit ang beauty nya nang biglang chumova ang kanyang friendship with a banat. Akala pa niya siya ang name to mention, but no! Her friendship called her chova, which was literally a few inches from her, and may-I-pansin si friendship ng very dominant ochoa ng couple na itey: tibakers kulayful of the same ate v-neck style ang drama ng mga hitad! Bloody, talaga! At ‘yan muna ang mga chova sa mga oras na ito, magbabalik ang chikaminute mamaya para sa iba pang chova. Mel, Mike?

---

I am not feeling well. This is the second time this week na hindi maayos ang pakiramdam ko. I can never forgive the first time I got sick because I wasn’t able to attend my Comm120 class with Sir Chito. Pero wala naman akong magagawa nun kasi inaapoy ako ng lagnat at nagsusuka.

This time, wala naman talaga akong grabedad na sakit. Dysmennorhea lang. Every month naman nagkakaganito ako. Pero stress-related pa rin ito. 2 months kasi akong hindi nagkaroon. Sabi ng doctor--- dahil daw sa stress. E goodluck naman sa sangkaduguan ng katawan ko, diba? Para tuloy nagngangalit ang katawan kong ilabas ang 2 months worth of menstruation. Hahaha. Kadire. Too much information leading to disturbing mental images.

Pero bukod sa grabeng pagsakit ng puson ko, grabe din ang sakit ng puso ko. PUTANGINA, natalo ang UP! Girst time this season! I swear, mamatay na sana yung bwakanangshet na referee na ‘yon! Kung napanood n’yo talaga yung game, isinampal na nga sa kanya yung playback nung maling tawag n’ya, wala pa rin. Gago. As in gago talaga.
Bwakanangshet na UE din ‘yan, ang dumi talaga nila maglaro. Hay naku, hindi talaga ako nangbabash ng schools e, dahil ayokong sabihin nilang may ere ako dahil galing akong UP, pero I swear, ang dumi nila maglaro! Well, asa pa ako, e yung crowd nila, imbes na nakakairita, nakaka-amuse nalang talaga. Grabedad ang antics! Di ko kinakaya! C’mon calisthenics! C’mon fiesta! Hahaha. Jo--- oops…ayokong sabihin ang word.

Hindi ko lang ipinakita sa mga kasama ko manood, pero nung talo na talaga, habang busy silang nagmumura, naiyak ako. Ganyan ko kamahal ang Fighting Maroons. Ganyan ko kamahal ang UP. Ganyan ko kamahal ang basketball.

At dahil sa heartbreaking na pagkatalong ito, isa lang ang masasabi ko---

Goodluck sa Ateneo.
---

Friday: Uwi ng bahay. Palit ng pambahay. Kain ng meryenda. Bukas ng TV. Kaninong mukha ang tumambad sa akin? Kay Peeves. Bakit pinapalabas pa ito? Replay na ‘to a. Mahal talaga kita Peeves.

Speaking of Peeves, nagugulat ako sa mga ipinapakita n’ya this past few days.

Wednesday: Naguusap kami ni Icang. Sinong pinag-uusapan namin? S’ya. Nakaharap ako sa kanya. S’yempre, kasama n’ya orgmates n’ya. Seryoso akong nakikinig sa advice ni Icang sa akin nang biglang--- sumayaw si Peeves. As in.

Thursday: Kasalukuyan kaming nagsasaya ng blockmates ko. Habang umiiskema ako ng pagsilip kay Peeves, nagulat ako sa nakita ko: linapitan n’ya ang isa nilang alipin, tumayo siya sa harapan nito, at dinuro-duro niya sa mukha.as in halata mong pinapagalitan niya.

Grabe. He is so hot.

---
Natutuwa ako sa Batch 13. Ang bibibo ng mga FGs na ito. Talagang may I exert an effort para makilala ako. Hahaha, akala talaga nila mabait ako sa FGs…hintayin natin ang sigsheet at panel interview.

I miss my budz, Ate Baby.
I miss Kuya Leo, Kuya Mark, Jordan, Ate Me Ann and Ate K-Ann.
I miss being an FG.
I miss being with Batch 11.

I soooo love BroadGuild.

---
Piece of advice: DRINK MODERATELY.

After quite a long time, ngayon lang ulit ako uminom. Tindi ko e no, ngayon lang ulit ako uminom, tumira naman ako ng margarita, vodka, tequila…ayos talaga! Alcohol galore!

Syempre, as expected, nalasing ako.

Pero iba talaga ako kapag lasing. Lumalabas ang 100% na prangkang Diane. E kamusta naman yung kung anu-ano ang tinext ko sa mga tao at sinabi ko sa mga kasama ko nung gabing ‘yun?

Muntikan ko pang ma-text si Peeves! Na mahal ko s’ya and all!

Tsktsk. Drink moderately. Alcohol overload is dangerous to your lovelife.

---
Peeves: I love you, very simple, very truly…I had to say it, because I’ve never felt this way before… and if bringing this to light means we can’t hang out anymore, then that hurts me. But God, I just, I couldn’t allow another day to go by without just getting it out there, regardless of the outcome…--- jerry maguire


Wednesday, July 20, 2005

Natatakot ako sa BALANG ARAW...

Sabi sa pelikulang BIG TIME, “Darating din ang balang araw…”

Natuwa kami nila Angel, Tin at Klara sa linyang ito (Hmm…kung mapapansin n’yo, ang tatlong lovelife queens na sina Angel, Tin at ako ay nadagdagan na ng isa!--- si Klara!). Iba-iba ang ibig sabihin sa amin ng linyang ito--- pagkabanggit pa lang dito e gumawa na kami ng sari-sariling revisions:

(huhulaan ko lang kung tama yung pagkakatanda ko ha…)

Klara: Dumating na ang balang araw…

Tin: Hindi na (yata) darating ang balang araw…

Angel: May balang araw pa ba akong hinihintay dumating? (something like that)

Nung una, “Sana dumating na ang balang araw” ang sinasambit ko. As in, hanggang gabi pa kamo, hanggang sa pag-uwi namin, hanggang sa bago ako matulog, isa lang ang sinasabi ko--- sana dumating na ang balang araw.

So there. Gumising ako kinabukasan. Fresh pa rin sa utak ko ang panonood namin ng 2 Cinemalaya films kagabi (Big Time at Pepot Artista). Pero naalala kong may ire-research pala ako para sa aking pinakamamahal na CommRes 101 subject (under my favorite teacher, ma’am kate mirandilla, who is now leaning against the Great Wall of China) kaya itinigil ko na muna ang pagmumuni-muni at nagtrabaho na.

In the middle of hygiene products, advertising, television commercials and sex-related contents of commercials, naisipan kong ituloy na ang pagsusulat ng blog tungkol sa statement sa pelikulang Big Time na pumukaw sa aming atensyon kagabi.

Darating din ang balang araw…

Darating din ang balang araw…

Darating din ang balang araw…

Bwakanangshetnamalufet…

Hindi ako makapagsulat!
Wala akong maisip na isulat. Wala nang appeal sa akin. Bakit ganun? Ano na namang naisip nitong windangerks kong utak? Haggard.

Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagreresearch ko.

So there. Pumasok ako for BC102 na akala ko pa e male-late ako. Ang saya ng BC102 namin!
“This is a story of a little boy named William. He lived in a small town called Marshville…”
Ang ganda ng diagnostic exercise na ginawa namin kahit na kinakabahan pa rin ako (susko, lagi na lang!).
Natapos na ang klase. Iniisip ko pa rin kung may J101 class kami. iniisip ko pa rin ang CommRess 101 paper namin na due on Friday. Iniisip ko pa rin ang activity namin sa org mamayang hapon.
Hindi ko namalayang nasa harap ko na si Peeves.
Hmm…teka teka PANIC ALARM…hindi ko ba s’ya napansin dahil marami akong iniisip o hindi ko s’ya napansin kasi hindi ko s’ya napansin? Dati naman kahit napakarami ko nang iniisip o ginagawa, tumitigil ang buong pagkatao ko kapag nakikita ko s’ya. O baka naman hindi ganoon karami ang iniisip ko nang mga panahong iyon?
Tinitigan ko s’ya. Matagal. Afford ko namang titigan siya ng matagal kasi nung nagsabog ng pagka-dense si God sa mundo e nasa unahan ata s’ya at sinubukan n’yang kunin lahat…
Naiinis ako. Bakit ba ganoon siya kumilos? Para talaga s’yang bakla. Bakla ba talaga ‘to?
Naiinis ako. Ano bang nakita ko dito sa taong ito? Susko, susko, e mas gwapo pa si Johan at si Backseat dito e. Waaaaay cuter sila…based on my standards ha!

Bakit na naman ako nagkakaganito?

---
Nag-usap kami ni Icang pagkatapos. Humingi ako ng words of wisdom. Sa hinaba-haba ng usapan namin, isa lang ang na-conclude namin.

I have to take thing slow…I don’t have to rush into things…kasi hindi pa ako ready…

Nga ba?

---
Meron akong nakakatuwang kwento. Sa mga makaka-gets, congrats sa inyo! Kayo’y mga tunay kong kaibigan. Sa mga hindi makaka-gets, well, friendly naman ako at accommodating, usap tayo minsan.

This is a story of a little girl named Gandusay. Si Gandusay ay maganda na, mahusay pa…hence, the name. Si Gandusay ay kabilang sa isang masayahin at mapagkawanggawang pamilya. Grade 3 na siya at nag-aaral sa mababang paaralan ng Hogwarts.
Crush na crush ni Gandusay ang kanyang kaklaseng lalaki na si Pepot. Si Pepot ay nakatira sa kabilang bayan pa, malayo sa tinitirhan ni Gandusay. Masungit si Pepot. Laging nakatikom ang bibig.
Naisip ni Gandusay, siguro ganoon siya kasi masungit din at mapagmataas ang buong pamilya nila….
Bata pa si Gandusay kaya hindi niya una masyadong siniseryoso ang pagkakagusto kay Pepot. Bata pa siya, kaya medyo magulo pa ang utak niya. Oo nga, kadalasan ay natutuwa siya kapag pinapansin siya nito, pero minsan nawawalan na siya ng pakialam dito. Para kasing nalalambutan siya sa kilos ni Pepot.
Isang araw, aligagang naglalakad si Gandusay kasama ang isang kaibigan nang makasalubong nila si Pepot. Tinawag ni Gandusay si Pepot upang ipaalam dito na hindi na tuloy ang skit nila sa susunod na araw ayon sa kanilang guro. Nang masabi na ni Gandusay ang mensahe kay Pepot, nagpaalam ito. Pero bago pa makatalikod si Gandusay, hinawakan ni Pepot ang kanyang kamay.

“Gandi, sasali ka pa ba sa D.A. (Naks, mala harry potter!)?
“Naku, Pepot, hindi na, kasi hindi ako pinayagan ng nanay ko sumali. Marami kasi akong ginagawa sa bahay. Alam mo naman, ate ako e. at arami kaming magkakapatid. (Sa loob-loob ni Gandi, buti kayo konti lang…)
Kitang-kita sa mukha ni Pepot ang pagkalungkot at pagkadismaya.
Nagulat si Gandusay sa reaksyon na nakapinta sa mukha ni Pepot.
“Bakit, naman (‘di ka na tutuloy)?”

Tuwang-tuwa si Gandusay sa kanyang mga kapatid ang nangyari.

*Pasintabi sa mga nagsulat ng Pepot Artista dahil sa paggamit ko ng mga pangalan ng kanilang mga bida.
---
Mabalik tayo sa usapan namin ni Peeves.

Aaminin ko na. Hindi pa ako handa na magmahal na namang ng todo-todo at masaktan na namang muli. Alam ko namang may posibilidad na maging masaya ako, pero alam kong dapat handa ako na harapin ang lahat ng maaring mangyari kapag ipinagpatuloy ko ito.
Mahal ko so Peeves. At kapag humarurot ako sa pagpapatuloy ng EAE mission ko, baka mapa-preno ako o baka mabangga ako. Baka rin may makaligtaan akong road sign. Baka masyadong matindi ang maging sakit at maging masyadong malalim ang mga sugat…baka ikabaliw ko pa. Or worse, baka ikamatay ko pa.

Natatakot ako sa balang araw.

Friday, July 15, 2005

Buwan

Pagbigyan n'yo na ang kakornihan ng isinulat ko. Pasensya na, alam n'yo namang ganyan ang mga naisusulat ko kapag emotional ako e...

Napakagandang tignan ng buwan tuwing gabi.
Para bagang napaka-payapa nito, napaka-tahimik, napaka-misteryoso. Para bagang kung anong hiwaga ang bumabalot dito. Para bagang sa hindi maipaliwanag na paraan, nais nitong pukawin ang iyong diwa upang bigla kang mahalina at maanyayang tuklasin ang hiwagang ito.
Ilang gabi na rin akong nahuhumaling sa kagandahan ng buwan. Ilang gabi ko na ring nahuhuli ang aking sariling pinagmamasdan at hinahangaan ang hindi naman perpekto ngunit kaaya-ayang anyo nito. Ilang gabi na ring dumadaluyo sa aking isipan ang matinding pagnanais na maintindihan ang hiwagang taglay nito. Ilang gabi na ring hindi ko matanggal ang buwan sa aking isipan. Ilang gabi na ring pilit kong isinasadiwa at iniintindi ang bigla kong pagkahumaling dito.
Ilang gabi na rin…ilang gabi na ring bumubugso sa aking pagkatao ang pagnanais na nakawin ito sa kanyang langit--- upang matitigan ko ito ng matagal, upang mahagkan ko ito kahit sandali at upang masabi ko dito kung gaano niya nabibigyan ng kasiyahan at kapayapaan ang puso ko sa hindi maipaliwanag na paraan.
Pero napakalayo ng buwan. Napakahirap niyang abutin. Magkaiba kasi kami ng langit na ginagalawan.
Nakakainis. Naiinis ako na napansin ko pa ang buwan noong gabing iyon, at simula noo’y nahumaling na ako sa kanya. Naiinis din ako sa buwan. Dahil kahit na alam kong mahirap siyang abutin at angkinin, hindi ko pa rin maalis ang kagustuhan kong maabot siya. Dahil kahit na mas gusto ko ang liwanag kaysa sa dilim, kahit na mas gusto ko ang maingay na tunog ng umaga kaysa sa nakabibinging katahimikan ng gabi, kahit na mas panatag ako sa init ng araw kaysa sa lamig ng gabi--- kahit na mas pipiliin ko ang araw sa gabi, hindi ko na maiwasang hindi abangan ang gabi-gabing paglitaw ng buwan sa madilim na langit at pagmasdan ito ng walang humpay habang nalulunod sa tahi-tahing katanungang hindi ko alam kung kailan ko malalaman ang kasagutan---
Ano kaya ang pakiramdam ng mahawakan ang buwan? Ano kaya ang pakiramdam ng matitigan ito ng malapitan? Ano kaya ang pakiramdam ng mayakap ito kahit sandali?
Sana ibulong na sa akin ng buwan ang sagot…
…bago pa man muling sumikat ang araw.


Thursday, July 14, 2005

Crossroads

Last Wednesday was a very sad day. Grabe, for the first time after quite sometime, lumapit sa akin ang mga tao at nagtanong kung okey lang daw ba ako, at kung bakit ako malungkot. Obvious talaga siguro na malungkot ako nung araw na ‘yun.
Come to think of it, simula nga naman nung nag-start ang AY 05-06, hindi nila ako nakitang malungkot--- yung tipog lugmok talaga sa kalungkutan. Most of the time, buhay na buhay ako at masaya, maingay…just being my usual self. Minsan naman, haggard at alligated at syempre, maingay pa rin.
Kaya hindi nila maintindihan kung dahil lang ba sa pagod kakasayaw nang bigla akong tumahimik nung Wednesday. Maingay pa kamo ako nung 102, napagsabihan pa nga ako ni Ma’am Pinky na ang daldal ko raw. Unusually bibo rin ako nung Journ namin, sagot ako ng sagot kahit na least favorite subject ko yun.
But all it took was one mere sighting of him--- and my day turned upside down.
Bigla akong napaisip. And until now, hindi pa rin tapos ang pag-iisip ko na ‘yun.
I’m at the crossroad, man.
---
Klara was frank enough to help me straighten my thoughts out last night. Buti nalang talaga dinidiretso ako ni Klara at nireremind na hindi naman ganito yung pakiramdam ko just a week ago, after the OB.

poopsyzuh27 (9:14:08 PM): i just feel so hopeless...
death2iskra (9:14:18 PM): akala ko ba EAE ka na?
death2iskra (9:14:22 PM): wag ka mahopeless!
death2iskra (9:14:27 PM): i on mo na kasi yang EAE mo!
poopsyzuh27 (9:18:39 PM): hay basta...parang something inside me's telling me na kapag tinuloy ko to, masasaktan lang ako
death2iskra (9:19:30 PM): ha?
death2iskra (9:19:52 PM): eh akala ko ba pinost mo sa blog mo na kesa naman maging passive ka, mag EAE ka na?
death2iskra (9:19:56 PM): or mali lang intindi ko?
poopsyzuh27 (9:21:02 PM): onga...pero parang nagbabago na yung isip ko...
death2iskra (9:21:29 PM): haaaay. napapareho na kayo ni angel.
death2iskra (9:21:48 PM): anong nangyari sa girl na kumakanta kanina ng hanging by a moment? ANONG GINAWA MO SA KANYA?
poopsyzuh27 (9:23:49 PM): salamat at pinapalakas nyo loob ko...pero ewan ko ba...klara, MAHAL KO SI *bleep*. AS IN. NGAYON KO LANG NARAMDAMAN TO ULIT AFTER 2 YEARS. I CANT AFFORD NA MAGKASIRA KAMI.
death2iskra (9:24:39 PM): ikaw bahala, if you can afford na walang mangyayari na passive ka lang, kung kaya mong matiis na wala kang ginagawa, by all means, wag mo na ituloy.
death2iskra (9:24:43 PM): pero kaya mo ba yun?
death2iskra (9:24:52 PM): hindi ka ba magtatanong na what if?
poopsyzuh27 (9:25:42 PM): yun na nga e.hindi ko na alam kung ano pa yung kaya ko sa hindi. isa lang ang malinaw sa akin: mahal ko si *bleep*. yun lang.
death2iskra (9:26:12 PM): malinaw pala eh.
death2iskra (9:26:20 PM): and youre not going to do anything about it?
death2iskra (9:30:13 PM): o, sigurado ka na ba?

Hindi Klara, hindi pa ako sigurado. Sabi ko nga, isang bagay lang ang sigurado ako--- na mahal ko siya. Kung anong gagawin ko, hindi ko pa alam. I’d like to think na this is just one of those days na masyadong static ang buhay ko at gusto kong lagyan ng spice kaya gumagawa ako ng problema. Sana nga ganun na lang. Sana nga hindi talaga ‘to totoong problema.
---
I couldn’t bring myself to tell Klara the real reason why I’m feeling this way. But when Bam and Angel talked to me last night, I don’t know, I just dropped the bomb.
Sinabi ko sa kanila na kaya ako nagkakaganito e dahil natatakot akong hindi n’ya ma-reciprocate ang feelings ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako sa risks na pwede kong harapin.
Expected ko na na palalakasin nila ang loob ko with so many words of wisdom…kasi hindi naman nila alam yung root ng fear na yun…
Natatakot ako sa pwede kong gawin kapag nangyari yun--- sa pwede kong gawin sa sarili ko, sa buhay ko…natatakot ako dahil hindi ko alam kung kakayanin kong tanggapin lahat.
After quite a number of heartaches, siguro naman maiintindihan na ng mga tao kung fragile na ako pagdating sa ganitong aspeto. Hindi biro ang masaktan ka ng paulit-ulit at patuloy ka pa ring sumubok ng sumubok.
---
On a ligher note, ang daming dumating na FGs sa Orientation kahapon. Kaya nga ba naisantabi ko muna ang depression at nagsaya muna ako kahapon. iba talaga ang feeling kapag kasama ko ang aking orgmates. Ang saya namin!
Nakakamiss yung mga Guilders na napanood namin sa AVP. Sana naman bumisita sila ulit.
And to borrow Dane’s words, “I’ll leave you with this. BroadGuild is not just an organization because we’re ABSOLUTELY A FAMILY.
Ehem.
---
Peeves: I wish I had the courage to tell you how much you mean to me. But in the very distant possibility that you come across this piece of writing, I want to tell you that you inhabit every damn waking moment of my life. I want to thank you for making me realize that I am still capable of loving somebody this much. Gusto kong malaman mo na more than anything else, your happiness is all that’s important for me. Whether I am the one who can give you that happiness or not, God knows na gagawin ko lahat para lang masiguro ko ma masaya ka. In God’s perfect time, I hope to have the courage to say all these things sa’yo--- personally.
Please take care of yourself…mahal kita.



Sunday, July 10, 2005

Ganyan talaga...masaya...

Ganyan talaga…masaya.

Nagsimula ang araw ko na haggard. Kailangan ko kasing mag-isip ng magandang research topic para sa CommRes 101 (under Ma’am Kate na “tignan mo pa lang busog ka na!”). Magmi-meeting kasi kami ngayon para ayusin na ang aming topic para sa topic presentation namin sa Monday. Bangag na bangag pa ako dahil hindi na naman kamo ako nakatulog ng maayos nang gabing ‘yun dahil sa kakaisip sa nakawiwindang na encounter ko with Peeves nung hapon na ‘yun (details later).
Anyway, late na naman akong nakaalis ng bahay para sa aming 9am group meeting. Pero pero pero, maaga pa rin akong nakarating sa CMC. Pagdating ko, ang ingay na ng mga blockmates ko sa skywalk (syempre, after more than two years ko silang kasa-kasaama, memorize ko na ang mga boses nila). Akala ko break na nila from their J101 class, pero pag-akyat ko, wala pala silang class. So there. Nag-chikahan muna kami habang wala pa yung groupmate ko na blockmate din namin, si Ys (interesting din pala ang napag-usapan namin ni Ys sa phone that night…details later).

---

Naniniwala ba kayo sa divine intervention? Kasi, bigla ko ‘tong naisip kahapon.
Backgrounder: I used to believe in divine intervention--- ‘yun bang gumagawa si God ng paraan para mapaglapit ang 2 tao o basta para mangyari ang isang bagay. Naniniwala ako ‘dun dati, pero pagkatapos kong sumablay sa mga interpretation ko ng mga bizarre occurrences na ito, NOT ONLY ONCE, BUT THRICE!--- I stopped believing on these things.
Pero kahapon, mygashpulgash, pakiramdam ko, isang DIVINE INTERVENTION ang nangyari.
Ganito ‘yan: Habang ginagawa namin ang aming topic presentation, I suddenly felt the urge to go to the C.R.. Hindi naman ako naiihi--- basta gusto ko lang pumunta ng C.R.. I excused myself from the group then went downstairs. Syempre, instinctively, sinuyod ko ang paligid para sa presensya ni Peeves. Eks, isang malaking eks. O well, sabi ko sa sarili ko, baka nalaman na n’yang wala silang class ngayon at ‘di na s’ya pumunta pa ng school. Kaya, pumasok na akong C.R. Nagsuklay lang ako, tapos lumabas na rin. Paglabas ko, hindi ko maalala kung bakit bigla akong napatingin sa may entrance, pero basta napatingin ako, tapos nakita ko si Peeves na kakapasok lang. ‘Di n’ya ko napansin. It’s now or never, sabi ko sa sarili ko. Kailangan ko s’yang kausapin. So tinawag ko s’ya. Lumingon s’ya at nag-usap kami.
Saya!
Akala ko ‘yun na ang katapusan ng kasiyahan ko ng araw na ‘yun. But no! Bago bumaba si Peeves, tinawag n’ya ako from afar, “Diane, thank you ha!”
BWAKANANGSHETNAMALUFEEEEEET!!!!

Borrowing Angel’s words in her blog, EAE IS SO ON. AND PEEVES HAS NO IDEA OF WHAT’S IN STORE FOR HIM.
*devilish laugh*
---

I want to thank Ys for convincing me to use some EAE action already. We had a loooong talk the other night, mostly about CommRes, then a little about our friend Kaye, and then finally, I confessed my feelings for Peeves. She was so kilig when I told her how it all started, and how my feelings progress everyday, and how Peeves inhabit every damn waking moment of my life ever since that fateful day.
I am so sorry Ys, if I was so pushy yesterday and if I was pestering you the whole afternoon to go tell everyone what you told me that night. Honestly, it was salvation for me, to learn that one person, even if you’re the only one and even if you mean it or not, believes that she couldn’t think of any other person for Peeves other than me. Thank you so much, because that inspired me to carry on with my venture in winning Peeves’ heart, especially because I nearing the point of feeling disheartened, simply because my inferiority complex is up and about to once again destroy my confidence and make me feel like a loser.
---

Haggard man sa acads at sa mga projects, uberly aktibo naman ang lovelife ng karamihan sa mga guilders. Uberly aktibo doesn’t only mean na may mga boyfriend, girlfriend, MU and the likes, kasama na rin yung mga crush, infatuation…basta…BroadGuild has caught the love bug!
Take my beloved Acti people for example: it’s a given na may lovelife si Odes at Rocel, pero dyoske, si Klara ay obsessed sa MMM endeavor n’ya at nagngangangawa nung isang araw na gusto rin n’ya ng OB; si Keina ay alligated dahil ‘di pa rin nagpaparamdam si Drew; si Icang ay nakapag-imbento na ng isang verb dahil sa kanyang kahanga-hangang pagpapakita ng katapangan at wagas na pagmamahal, ang Monica Galvey. Para namang nabunutan ng tinik si Nikko simula nung TBS incident and Bam, is brewing something…na kapag nagtuloy-tuloy, ay maaring maging isang malaking pasabog. At syempre, magpapahuli ba naman ang kanilang VP na si ako? Syempre hindi! (read previous blogs)
At sa Acti palang ‘yan. Hindi pa kasali si Angel and her PDI boy, Tin Dabu and her ex-seminarian, syempre Flo and fafa Mel, Ken, Lhalie (na forever naman ‘atang in love), Claudane and her FOPC crush, Ana the Chair and who else but the Archi guy, Dohna and who else again but hahaha!, and everybody else na hindi ko na maalala.
Napag-usapan nga namin ni Klara, sagana talaga ang lovelife ng guilders. Theory ko: leader by example kasi si Pam. Hahaha! Or basta something to do with the president of the guild. Kasi si Ate Me An, walang interest sa lovelife, kaya, tigang talaga ang guilders last year. Pero ngayon, aba aba, umaarangkada! Pero in fairness sa amin, Ganado kaming lahat magtrabaho ngayon. Ang saya ng atmosphere sa GA. Ang goal namin: lahat kami may kasama na sa Destino. Yey!
---

Nanalo ang aming beloved FIGHTING MAROONS kahapon. 69-66. I sooooo love UAAP. Iba ang high na nararamdaman ko everytime nanonood ako ng game. Keber kung makita ako sa TV na nagwawala. Keber kung maubusan ako ng boses. Ang importante, mapakita ko ang suporta sa aking beloved school.

GO HOME USTE...GO HOME USTE...GO GO GO GO HOME USTE! (pasintabi kay Tin Palma...)

---

I must stop writing now. Napakarami ko pang gagawin for tomorrow. Buong araw akong ngarag bukas.

EAE action os sooooo ON. Peeves, beware.

Ganyan talaga…masaya.

Thursday, July 07, 2005

PEEVES...para sa'yo 'to...

Hindi mo ba alam
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan

'Di mo nga alam
Mundo mo nga'y iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan

Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin
Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin

'Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
'Di habang buhay ika'y aantayin

Ito'y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Nang puso ko'y 'di nabibitin

...huwaw...very bright colors...

SARPREEEEESA!

Minsan, okey rin maging TANGA.
Seryoso…
Kahapon, isipin mo nga naman, birthday na birthday ko, ‘dun lang dumapo sa aking ulirat (ang lalim, man!) na tanga rin pala ako.
Hindi lang tanga, may bahid din pala ako ng pagka-DENSE.
After all those times I reprimanded Bam for being so dense, and Angel for acting stupid (sasabihin ko sana stupid sometimes, kasi ganun lang s’ya kapag in love---e lagi nga pala s’yang in love)…I never thought I’d be on the same predicament.
Hindi ko naman sinasabing wala akong bahid ng katangahan at denseness sa katawan…pero sa context na kinalalagyan ko kahapon, parang ang hirap tanggapin na natanga ako…
Tanga pero masaya.
Dense pero nakangiti.
Ako ay naging biktima ng OPERATION BIRTHDAY!
Fine. Ngayon ko na naiintindihan. Parang isinampal sa akin ng blockmates ko na mag-loosen up ako at ‘wag pairalin ang pagiging control freak ko sa sitwasyong ‘yon.
Pero nakinig ba ako? Hindi. Bakit? DAHIL AYOKONG MAGMUKHANG TANGA SA HARAP NG IBANG TAO. Wow.
O sige. Ganito yun e. I hate surprises. Kasi ayoko nung feeling na caught off-guard ka. Ayokong nararamdaman yung feeling na lahat ng tao may alam pwera lang sa akin. Kasi nga ako ay isang control freak. Naiinis ako kapag wala akong magawa tapos tuloy-tuloy lang ang pangyayari ng isang bagay.
Napakasoft ko kasi pagdating sa ganyan. Nawawala ang aking composure. Nakakahiya.
Surprise, surprise…SARPREEEEEESA!
Tanga.
Pero minsan, ang saya din palang maging tanga.
I’m beginning to be fond of surprises…

P.S. Salamat sa OB group. Sa Circle: Bam, Angel, Rocel, Tin, Michelle, Keina, Flo, Edi, Isa, Rica…basta sa lahat sa inyo. Walanghiya kayo, mga aktrisa! Salamat talaga! Mahal ko kayo…seryoso! Tandaan, if this works out, I’ll be true to my word. Sa Guilders led by Pam: shit kayo, nakisali pa kayo sa kalokohan ng blockmates ko! Seriously, thank you talaga. Basta sa inyong lahat…thank you for making my birthday VERY SPECIAL. Mahal ko kayong lahat.

Wednesday, July 06, 2005

HAPPY BIRTHDAY, DIANE!

Happy birthday to me! Happy birthday to me! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to me!

Bwakanangshet na malufeeeet….19 na ako!

Waaaaaah!


Ganito ba ang feeling ng isang 19 years old? Bakit parang wala namang pinagkaiba sa feeling ng isang 18 years old? O 17 years old?
Hay naku, baka tama si FJ, utak 7-years old pa rin ako…
Tanong: kapag ba 7 years old ka, ganito ka na ma-in love?


Hahahahaha! Joke lang!
----
Natulog ako ng maaga kagabi. 8 palang tulog na ako. Ayos, nag-alarm ang cellphone ko pagdating ng alas-dose. Pupungas-pungas pa ako habang binabasa ang “It’s my birthday!” na nagfa-flash sa aking cellphone. Tulog ulit. Nagdedebate ang utak ko kung gugustuhin ko bang may bumati sa akin ng alas-dose o hindi. Kasi inaantok pa ako at gusto ko pang matulog.
Tanga. Syempre wala naman akong magagawa kung may mag-text sa akin ng alas-dose, diba? Lo and behold, nagsidatingan na ang mga text. Nakuuu…mga exec team ang unang bumati sa akin!
(Hoy CLICK, mahiya nga kayo! Selos kayo ng selos sa org ko, e nauna naman silang bumati sa akin!)
Wala na akong nagawa. Tumayo ako for a few seconds mula sa aking pagkakahiga, tapos nagdasal na ako. Yes, you heard it right. Ganyan talaga ako, nagdadasal ako sa first hour ng birthday ko. Diba ganun naman talaga dapat? Sabi ko naman sa inyo, may naitatago naman akong bait sa sarili ko, e.
Ano yung dasal ko? Well, it contained 4 things: una, nagpasalamat ako sa lahat ng bagay na nangyari sa akin nung 18 ako, maganda man o pangit. Nagpasalamat ako sa mga taong nandyan pa rin, sa mga taong nakilala ko, at sa mga taong wala na sa buhay ko pero nag-iwan pa rin ng mahahalagang bagay na hindi ko makakalimutan.
Pangalawa, nag-sorry ako pasa sa mga shortcomings ko nung 18 ako. Pinagdasal ko na sana tulungan ako ni God na matuto at eventually maging isang better person and Christian from those shortcomings.
Pangatlo, I professed my love for Him. As in for God. I reaffirmed my faith sa Kanya at sa sarili ko. Importante ‘yun e.
And last, but definitely not the least, sinabi ko ang aking birthday wishes
Yes, wishes. Kasi tatlo ang wish ko e…
Una, sana tulungan ako ni God na makayanang maka-graduate on time. Susko, kailangan pa ba ng explanation ‘yan?
Pangalawa, hindi ko na hinihiling na totally gumaling si Mama, pero sana matagal pa namin siyang makasama. Hindi lang para sa akin, para syempre kay Papa at sa mga kapatid ko.
And lastly, sana dinggin na ni God yung fervent prayer ko…please give US a chance. ‘Yun na. ‘Nuf said.
---

Tanggap ko na ang sobrang malaking possibility na hindi matuloy ang OB. Nevertheless, salamat pa rin sa mga nagtrabaho para matuloy ito. Bam, Angel and Keina, thank you talaga. Wala tayong magagawa…we tried our best. Maybe hindi talaga meant to happen today ang OB. Okay lang ‘yan.

*iyak*

Okay lang yan.
---

Sana maging masaya itong araw na ‘to….
Happy Birthday to me!

Pre-Birthday Thoughts

May tsismis na kumakalat. Matapang daw ako?

“Ano ka ba? Si Diane Maling ka! Kaya mo ‘yan!”
“Tange ka pala e, hindi ka si Diane kapag sinabi mong hindi mo kaya!”
“Hoy Diane! Ano ka ba? Hinahangaan ka nga namin sa aspetong ‘yan dahil alam naming kaya mo e…”

Pwede bang pakinggan n’yo muna ako? Oo, siguro nga matapang ako. Pero hindi siguro ‘yun yung matatawag mong genuine na tapang. Matapang akong harapin ang dapat harapin kapag kaya ko nang tanggapin LAHAT-LAHAT ng consequences, whether good or bad.
But this time, haggard maging matapang--- with the possibility of losing him forever by just one wrong move…biglang napatigil ako sa pagtakbo at napaupo. Hindi ko na yata kaya. Ayoko na yata.
Now I have a few options left: I could continue my pursuit while preparing myself for a possible confrontation in the near future, therefore also preparing myself for the possible consequences of my would-be actions…
Or I could just remain as passive as ever, not doing anything, instead suppressing this wonderful feeling inside of me. In short, wala akong iririsk. PERO, wala rin akong maaasahang improvement whatsoever, unless divine intervention ensues.
Or I could just stop. Stop--- meaning let go of everything and move on, with the possibility of being haunted forever by so many “what if” and “what could have been…” scenarios.
All three options are win-lose situations. Sa tatlong ‘yan, pare-pareho akong may chances of being happy and getting hurt. Iba-iba nga lang ng proportion. Anong pipiliin ko?
---

I am turning a year older, but a quite a number of pesos poorer.
Bwakananghset. Ang hirap kasi ng buhay e! Yung month-long dream ko na makapagpa-relax ng buhok, mabubulilyaso pa yata. Wala talagang pera sina Mama at Papa. So ayan, tiis-tiis muna sa sandamakmak na conditioner.
Buti nalang, kaninang umaga, binigyan ako ng load ni Tita Eva. My gulay, simula nung ibinili ako ng bagong cellphone, ngayon lang ang kauna-unahang pagkakataon na gumamit ako ng cellcard! Lagi lang akong umaasa sa pasa load ni Keina at Papa at sa e-load galing kay Kuya Arnel. Ang saya talaga ‘pag birthday!
---

Nanggaling pala ako sa AS nung kahapon tsaka nung isang araw. Nakakatawa. First time kong pumunta sa AS para sa sem na ‘to. Ang daming tao!
Pumasok kami sa lobby. Syempre pa, ang una kong tinignan e yung tambayan ng Xientia 03. May mga tao pa rin. I am flushed with guilt, man. Hindi pa ako nakakatambay dun ever. At parang, I don’t see myself na tumatambay pa dun. It’s not because if the people, but because it’s so damn far from my home, MassComm.
Yes. Ang maliit pero magandang kolehiyo ng MassComm ang itinuturing kong bahay sa UP. Kaya nga ba nung magpunta ako ng AS, sobrang nanibago ako. At parang ilang na ako dun. Maingay…pero hindi ako maka-relate. Masaya…pero parang hindi ako kasali sa kasiyahan nila.
Nagpunta pa kami sa CASAA nun. Nainis ako. Ang init-init dun, tapos ang sikip! Para kang nasa pugon! Pareho naming hinihiling ni Keina nung mga panahong iyon na dumating na yung taong hinihintay n’ya dahil kating-kati na kaming bumalik sa MassComm.
I soooooo love my college…
---

Ganito ba talaga kapag isang araw na lang ay birthday mo na? Kung anu-ano naiisip mo?

May tsismis. Matapang daw ako.

Hindi tsismis yun.

Totoo ‘yun.


What Diane wants, Diane gets...sana

“What Avecilla wants, Avecilla gets.”
‘Yan ang gusto ko kay Sir Chito e. Wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin ng iba against him, basta s’ya gagawin n’ya yung gusto niya.
Isipin mo kahapon, lampas alas- singko na. “Nahihirapan” siya dahil may dalawang defective na ilaw sa classroom. Anong ginawa n’ya? Nagpatawag siya ng magpapalit sa dalawang defective na ilaw na ‘yun. Wala siyang pakialam kung ma-haggard ang mga staff at kaming mga estudyante n’ya dahil habang nagkaklase s’ya e may malaking hagdanan sa gitna ng classroom at may dalawang staff na nagpapalit ng ilaw. E sa nahihirapan siya na may mga defective na ilaw e. tapos sabi n’ya sa amin, in Spanish pa ha,
“What Avecilla wants, Avecilla gets.”
Well, totoo naman. Ang sabihin ni Sir ay batas para sa aming mga estudyante n’ya at mga BC Majors. Kahit na haggard na at alam naming late na matatapos ang klase namin, papasukan pa rin namin ang kanyang class kahit pa 6 pm na siya magsimula at halos 9 na kami matapos. At kahit haggard hanapin ang mga librong pinapadala n’ya sa class, sige pa rin kami sa paghahanap at pagha-haggard sa aming mga sarili.
I guess iba nga yung gratification na mararamdaman ng isang tao if he’s able to express what he wants, and if he’s able to get it in return. Hindi naman kasalanan yun, at lalong hindi mali yun. Kasi you are just doing something to gratify yourself and to make yourself happy. Ang catch lang dun e dapat hindi maging harmful ito sa ibang tao. Come to think of it, yung pag-uwi namin ng late kapag nagsisimula ng klase si Sir ng late, at yung pagha-haggard n’ya sa amin sa pagkuha ng mga libro, kami rin naman makikinabang dun, kasi we get the education na deserve naman namin dahil nagbabayad kami ng tuition.
Parang si Ate Vi. She gets to do the movies that she only wants to do. Kung ayaw n’ya, ayaw n’ya. In return, she is gratified for being able to play the role that she wants to play, and us moviegoers get to see Ate Vi at her finest…kasi gusto n’ya yung ginagawa niya.
So anong point ko?
I want to be able to get what I want din. I want to be able to do what I want to do. Ayoko nang mainis sa isang este sa ibang tao dahil lang ang moda n’ya ay pagpapa-cute at pagfiflirt at hindi ganun ang moda ko. To hell with flirting, I’m gonna do it my way! To hell with the dictates of society! E ano ngayon kung hindi ako Maria Clara type of girl? E ano ngayon kung makulit ako at magaslaw? Does that make me less of a woman? Excuséz moi, my boobs are big enough and I am fertile enough…therefore I am a woman. And I want to be a woman who’s able to get what she wants because she knows she deserves it. I think I deserve it. I think I deserve HIM. Why? Because.
Hmph. What Diane wants, Diane gets.

Sabi nga ni Ate Vi sa Sis. Stella L., kung hindi tayo kikilos, sino? Kung hindi pa ngayon, kailan?

Saturday, July 02, 2005

Some Catching Up...

First of all, gusto kong pasalamatan ang aking blockmates na sina Bam at Angel--- nainggit ako na updated blogs n’yo kaya FINALLY, inupdate ko na rin ang aking blog. Pero, ayokong mag-english ‘pag nagsusulat ng blog. Diane writing her thoughts in English is so very ELECTRON days (Electron is the official English publication of the QUEZON CITY SCIENCE HIGH SCHOOL..haha!). Seriously, kapag nagsulat ako ng English, asahan n’yo maganda--- totoo. Kinakarir ko ‘yun e. Last time nagsulat ako ng English, napaiyak ko mga classmates ko. Pero, pero, pero…I prefer na sa akin na lang ang mga “English outbursts” ko, kasi kapag ganoon ang akong moda, ibig sabihin, seryoso na ‘to! Hahaha! Anyway…

Welcome ulit sa blog ni BALIW na MAY SENSE! (asahan n’yong mahaba- haba ito…trigger happy si potah!)

***

Kamusta na ba si Diane?!?

***
Academically-speaking…
Ngarag at kabado pero masaya. Ang ganda ng line-up ng aking professors this sem.
Luna-Sicat Cleto (Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, ewan ko sa inyo! Basta idol ko ‘to--- Mga Lohika ng Bula ng Sabon) sa Malikhaing Pagsulat, kamusta naman ‘yung ganon?
Ma’am Jane Vinculado para sa BC 121 (TV Prod). Tagal ko nang gustong maging teacher si Ma’am Jane. Yeah, ilang beses nang sinabi sa akin na iba si Ma’am Jane sa loob ng TV Studio. Pero I couldn’t think of any other professor na gusto kong mag-handle sa akin sa TV Prod kung hindi si Ma’am Jane. Kahit pa sigawan n’ya ko (na ‘wag naman sana palagi), at laging pagalitan kapag eng-eng ako sa prods (Yikes!), keri pa rin. Ewan ko ba. Gandang-ganda ako dito sa professor na ‘to. Plus, she is one of my professors who really inspire me to give my best. Besides, adviser namin s’ya sa org, so mahal ko talaga ‘to.
Ma’am Pinky Aseron for BC 102 (Radio Speech Performance). Sus, kung hindi ko gusto si Ma’am Pinky, edi sana ‘di ko na s’ya kinuha ulit. S’ya rin kasi ang prof ko nung 101. Si Ma’am Pinky, cool na motherly ang moda. Abreast s’ya sa mga interests namin, at laging merong words of wisdom na ibinabahagi sa amin. Kung talent at expertise din lang ang pag-uusapan…naman! Pinky Aseron is Pinky Aseron, diba Ma’am? (Ma’am Pinky: The subscriber cannot be reached. Please try again later.)
Syempre pa, Ma’am Iris Pagsanjan-Estrera for BC 103 (Radio Scriptwriting). Believe me, kapag s’ya ang nakuha mong prof sa 103 this sem, mapapatalon ka sa tuwa. Enough said. She is a breather from…’yun na ‘yun. Pero besides that, astig ‘tong babaeng ito. Natututo talaga ako sa kanya. Real time kung real time. Hindi s’ya ngarag magturo. Saya.
At makakalimutan ko ba naman, Ma’am Kate Mirandilla for CommRes 101 (Introduction to CommRes). My all-time idol and crush! She’s wackier than ever! Susko, susko, kapag tinatanong ako kung sinong favorite teacher ko sa Masscom, s’ya lagi ang sinasabi ko. Achiever s’ya. Pagdating sa pagtuturo, perfectionist s’ya. Galing. Talagang she inspires me to do good in her class. Never boring. Grabe ka na talaga, Ma’am Kate!
And of course, how can/will I forget, Atty. Victor “Chito” Avecilla for Comm120 (Media Law). Mali, THE Atty. Avecilla. Hah, isa na ako sa pinaka-matapang na taong nag-enlist sa class n’ya. Kinuha ko s’ya kahit alam kong terror s’ya kasi forte n’ya yung law. And gusto kong matuto sa law. And believe me, kahit takot na takot ako sa mga gagawin n’ya, nag-eenjoy ako sa mga banat n’ya. Sabi nga ni Bam, bentang-benta sa akin ang mga kwento ni Sir…in fairness sa akin ha, kinakarir ko talaga ang klaseng ito. Napag-isip ko na talagang natural na kay Sir mang-asar at manlait ng estudyante. Pero come to think of it, gusto lang n’ya kaming I-challenge para mag-aral ng mabuti at para mag-strive na maging magaling.
Yes…I know, I know, may isa akong hindi nailagay…hindi ko talaga s’ya nilagay. Inaantok ako sa klase n’ya, at wala s’yang organization magturo. ‘Yun na.
So there. Masaya ang mga prof ko ngayong sem. Sana maging tunay na masaya nga ang sem na ito.

***
Org naman…
Kakatapos lang ng aming TBS (team building seminar) kahapon. Para sa akin, itong TBS na ito ay ang pinaka-climactic event para ma-realize ko na mahal ko talaga ang aking org. Simula pa noong Monday e talaga namang mainit ang ulo ko dahil sa mga iskemang hindi maganda (deliberately done man o hindi) against UP Broadcasters’ Guild. Last week kamo, napag-alaman namin ni Dohna ang existence ng isang mahaderang closet gay na may makati at matabil na dila na may-I-bash talaga ng BroadGuild, Samaskom and Cinema. E kamusta naman sa pangbabash ng aking mga paboritong orgs? Kabago-bago lang sa kanyang org e. Besides, ‘di nga n’ya kilala ang mga orgs na binabash n’ya e.
Pero wala pa ‘yan sa isa pang iskema na talaga naman…words aren’t enough to describe how “alligated” (yes, English translation of aligaga…now don’t you make reklamo with the term, it is a guild term or bakla term for more) I was and am still, dahil sa iskemang ito na hindi ko pa rin maintindihan ang rationalization or reason para gawin ito. Nung nakita ko ‘to nung Monday, bwakanangshet, it almost cost me my lovelife. Seryoso. Of all themes este things (haha!) naman na pwedeng gayahin…shit talaga. Pero sabi nga nila, IMITATION IS THE BEST FORM OF FLATTERY. Baka threatened sila. O baka they ran out of orig ideas na? O baka talaga namang naghahanap sila ng away?
Wellwellwell… lemme tell you one thing, for whatever your reasons are, we are ABSOLUTELY FLATTERED. We will stop “alligating” ourselves because of your act. We know naman na we are ASOLUTELY ORIG. So go ahead, do your thing, and we will do ours. After all, we are ABSOLUTELY UNDEFIABLE. Ehem.
Speaking of org, start na pala ng aming app process. Sign-up na. Sabi nga sa aming pub mats (na kinarir ni Madz), one right move besides 43 quintillion ones.
UP Broadcasters’ Guild. Ehem.
Warla mode. Erase erase erase.

***
Friendly mode…
Umalis na kahapon si Aides. ‘Dun na s’ya sa Tate. Nakakalungkot. Parang staple na s’ya sa aming mga lakad at gimik. Bait pa naman ‘nun. Naisip ko nga, mamimiss ko ang kanyang kabaitan. Kung kelan s’ya umalis, tsaka ko lang na-realize na ang sarap pala ng feeling na andyan s’ya kasi lagi kaming safe na mga girls.
Kung mababasa mo man ito ‘des, salamat! Mamimiss talaga kita. Sayang, hindi ko man lang s’ya napakilala sa’yo, umalis ka na kaagad, e ‘di ko pa s’ya nagiging boyfriend. Hay, ingat ka d’yan…lagi kang magdala ng condom sa bulsa mo. Joke lang! Pakabait ka, ha!

Few days before O.B. --- Operation Birthday (details on this later). Magwork man s’ya o hindi, gusto kong pasalamatan ang inner circle (kilala n’yo na kung sino kayo) para sa paghahanda nito. Especially Bam, na talaga namang pursigido na maging maganda ito. Sinabi ko naman sa inyo, kapag nag-work out ito, name it, ililibre ko kayo kahit saan n’yo gusto. Kung hindi, samahan n’yo kong maglasing ha!

***
At syempre, pwede ko ba namang makalimutan ang…
Lovelife?!?

So ‘yun na nga. Ang Operation Birthday ay dinevice namin upang mapasaya ang aking birthday. Actually, sinabi ko lang kung anong gusto kong mangyari, tapos ang aking mga friends na ang bahala sa execution…para nga naman SARPREEEESA sa akin.
E kilala n’yo naman ako, ako ang pasimuno ng EAE action (na ginagamit na rin ni Bam and Angel)…pero seryoso, after Jacket Guy, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong desire. Si Backseat, pantasya ko lang ‘yun.
Sabi nga ng inner circle, ngayon lang nila ako nakita na ganito. Ngayon lang nila ako nakitang ganito ka-aligaga.
Well, it’s funny how indeed, love comes in mysterious ways (yeah, I know it’s very Nina, pero ganun talaga). Hindi ko nga s’ya gusto talaga nung una e. As in akala ko bading s’ya. Besides, Backseat was waaaay hotter than him! Diba nga, Backseat was my ideal guy. Matangkad. Maputi. Matalino. Athletic. Mahilig din sa basketball. Masaya kausap at madaldal. May kotse. May faith.
And this Peeves (yeah, I call him Peeves)…he’s matangkad but not maputi. Definitely not athletic and not a basketball fan. Pero matalino. Wala nga lang kotse. Basta ‘yun. But with Backseat, I’ve never felt that certain electrifying feeling that I feel whenever Peeves is around. Backseat never made me smile the way Peeves did. Sabi nga ni Keina, nawawala ang aking articulation kapag nandyan s’ya, o nakita ko s’ya, o naamoy, o kahit naalala lang. Peeves, in his own quiet way, makes me feel giddy and happy. He inhabits me. At kung malalaman n’yo ang circumstances na pumapaligid sa kanya at sa akin, maiintindihan n’yo at masasabi n’yong mahal ko na talaga itong si lalaking ito. This is the first time I wanted something, or someone for that matter, so bad that I will exhaust all efforts possible just to get it. This time, (unlike nung time ni Jacket guy), what Diane wants, Diane will do anything and everything to get it. Seryoso, kapag hindi ko ‘to nakuha, you’ll see the worse side of me. ’Yun na lang muna. Kung mabasa mo man ito Peeves (na malabo dahil hindi ka nag-iinternet at kung pa’no ko nalaman e sa akin na lang ‘yun…sabi ko nga, EAE ang moda ko), gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita.

***
So there.
In just a few days, 19 na ako. Sabi ko kay God: Lord, when I turned 18, same time this year, I was ending a “love affair” and healing a broken heart. I was saying goodbye to love. Sana naman, this time, as I turn 19, allow me to say hello to it again. Give me a chance to welcome love now. Because I think, I’m ready.