ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Saturday, July 08, 2006

Post-Birthday Thoughts

Ano ang pakiramdam na 20 years old na ako?
Sobrang daming taong nagtanong sa akin n’yan. Template question ba ‘yan kapag nawawala na sa teens ang isang tao?
So--- anong meron ang taong 20?!? (wahaha…ang korni)
Wala lang. Ano ba dapat ang pakiramdam? Iba ba dapat?
Sabi ko kay Panggs, when I woke up on the day of my birthday, I felt excited and overwhelmed by the fact that I’m 20 already. But I’m not really sure of the things I am entitled to do now that I’m “past my teens” (nyahaha). It is a little scary, especially with graduation coming up (next year) and all the other stuff I got myself busy with.
But seriously speaking--- however mushy and crappy this may sound, I had only one thing in mind now that I’m 20…
I WANT TO KNOW WHO I REALLY AM.
Crap, noh? 20 years, and I still don’t know who I am. Pero seryoso, I want to have focus. I want to know what I really want, why I am like this, I want to understand myself. It feels kinda weird--- it’s like loving someone na hindi mo pa naman lubusang kilala. Pakiramdam ko kasi kaya ako nagkakaroon ng mga shit moments sa buhay ko eh dahil hindi ko kasi alam kung sino ba talaga ako, ano bang buhay ang gusto ko at ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko.
But you know what really sucks?
It’s the fact that last Friday, the day of my birthday, I’ve witnessed how much the people around me cares for me, and loves me. Yet, I can’t really show them who I really am, not because I’m afraid to do so, but because I really don’t know the real person to show them. Gaya nga ng sinabi ko two entries ago, there are a lot of things about me that I don’t share with other people--- and every other person I know knows a different part of me.
Frankly, I want to end that shit already.
Alam ko naman na pagka-graduate ko, I have the sole responsibility of taking care of myself. Wala na yung protection na nandiyan naman lagi ang parents ko, ang barkada ko and all those people who aided me as a teenager.
Frankly still, I don’t know where and how to start.
But I must say, the more than one hour I spent inside the Adoration Chapel helped me a lot.
Oh God. Help me get through this.
---

Anong meron sa taong 20 at parang binabalikan ako ng aking mga past endeavors?!?
Oops--- teka teka, bago niyo isipin na nagmamaganda na naman ako…kaklaruhin ko lang ang aking statement--- with binabalikan, I mean nasesense ko ulit sila. With nasesense, I mean nakikita, nakakausap, okay?
Johan. Backseat. Kessy.
Unahin natin si Johan. Grabe grabe, nung sinabi sa akin ni Chal na nakita niya si Johan sa TV (sa opening ng UAAP), ginive ko ang mest ko para makita ko siya. Lo and behold, nung game ng Ateneo, kasama na siya sa first five! Oha, ibang level na siya! Pero yun nga, he was able to contribute a mere one point sa score ng Blue Eagles. Still…makikita ko na ulit siya! Haay…


Backseat. In fairness ha, madalas ko na siyang nakikita. At sabi nga N’ya tuwing dumarating si Backseat, “O, ‘yung mahal mo parating…” wahaha. Well, still looking perfectly hot as ever parin siya, at may kilig factor pa rin everytime he talks to me. Sabi naman nitong si Bosing Olan ko, parang halos pareho lang sila ng kalibre ni Ano--- sabi ko hindi kaya! Lamang man si Backseat ng ilang paligo, ng ilang talino, ng ilang freethrows, ng ilang bisita sa gym, at ng ilang “finer things in life” na gusto ko, may isang bagay parin na mahalaga na wala si Backseat na nasa Kanya--- isipin n’yo kung ano ‘yun! Wahahaha!


At si Kessy--- haay, siguro dahil two days lang ang pagitan ng aming mga birthdays, sobrang swak kami sa ugali. Yung pagiging emotional, sensitive and affectionate, ginigive din niya ang best niya dun. Hindi ba naming maintindihan, pero ako personally, I feel so comfortable talking to him.
Owell owell--- there they are. Ewan ko ba, baka sinasabi ni Papa God, marami pang options hija. ‘Wag kang magpakabaliw sa isa. Hahahahaha!
---

May bago na akong addiction--- Veronica Mars. Ang ganda ng kwento sobra. Lufet ng script. Salamat sa BC 130. Pramis.
Pero bago ‘yun, sana ilabas na yung DVD ng Bench Understatement Show. Wahaha!
---

Speaking of Bench, nakakainis talaga itong si Mariel Rodriguez. Naku naku, nakakainis talaga ‘yung paglalandi niya kay Zanjoe ha! Tsk, kung hindi lang talaga siya maganda! Lamang lang siya ng ilang paligo sa akin, akala mo na kung sino!
Mariel--- akin si Zanjoe!
---

Ngayong 20 na ako, I gotta be--- BOLDER and WISER. Magiging BITCHIER ba ako? We’ll see.

Wednesday, July 05, 2006

Pre-Birthday thoughts

Anong meron sa pagbi-birthday at nagiging sobrang emosyonal ang isang tao?
Take note--- emosyonal. Hindi malungkot. Hindi masaya. Hindi galit.
Halu-halong emosyon.
Hay…para akong nababaliw!
---

Speaking of pagkabaliw, konti na lang talaga at mababaliw na ako sa DAMI at TAMBAK na kailangang gawin. And I won’t bore you guys by enumerating all of the things na kailangan ko gawin, kasi ‘pag binanggit ko na naman lahat, para ko lang pinagod at pinahirapan ang sarili ko.
Okay lang naman sa akin ang maraming gawin--- basta naman kailangan ito matapos at kung para naman ito sa ikauunlad ko, ng mga tao sa paligid ko at ng bansang Pilipinas, kebs na sa kapaguran.
Ang tanong ko lang, anong kaunlaran ang makakamit ko kapag nagsukat ako ng P228, 850 worth na skirt sa Escada? Ano ang maitutulong ko sa kaunlaran ng Pilipinas kapag nalaman ko ang 4’Cs ng isang diamond? At bukod sa pagkalasing, ano ang mapapala ko kapag tumikim ako ng cocoa liqueur, café liqueur at irish cream?
My point: okay lang mapagod, basta alam kong may kabuluhan ang pinagpapaguran ko at pinagkakagastusan ko. Nakakainis kasi pilit kaming ginagawang shala, eh hindi naman at ayaw naman naming maging shala. Nakakainis kasi nakakapagod pumunta ng Ortigas para lang maglaway sa mga damit na hindi ko naman mabili. Nakakainis dahil kailangan mo pang isiksik sa masikip at umaapaw mo nang mga schedules ang mga ganitong bagay. Nakakainis dahil ang klaseng nagre-require sa amin na gawin lahat ng kahibangang ito ang pinaka-ayokong klase sa sem na ito.
Shet. Lalo akong nase-stress.
---

Binabasa ko ang mga luma kong blogs. Oo--- meron pa akong mga lumang blogsites. Iniiba ko kasi dati, depende sa kung sino ang boylet ko. Hahaha. In fairness ha, ang blog na ito ay napagdaanan na ng maraming boylets, hindi lang isa.
Binalikan ko ang kauna-unahang kong blog, yung tungkol pa kay Ralph. Tawa ako ng tawa kasi ang drama-drama ko doon. Tsktsktsk. First heartbreak. Iba talaga.
Naisip ko lang habang binabasa ko ang mga entries ko dun--- wahaha. Ipapabasa ko nga ‘to sa kanya. Para lalong ma-wengwang. Hmm…may panahon palang martir si Diane?!? Bakit ngayon hindi na? (nga ba?)
Pero seriously, nung binabasa ko ang mga nakalagay ‘dun, ang aking mga accounts sa aming kwento ni Jacket guy, napansin ko ang maraming pagkakapareho nito sa sitwasyon ko naming ngayon. May mga kaibahan din naman--- gaya ng mas malandi na kami ngayon, hindi na ako ganoon kahayok at kahapit sa mga moments, and I must say, malaking kaibahan din na hindi na ako praning.
Gaya nga ng sabi ko sa kanya, masaya na ako na ganito kami. At alam ko, alam namin, na ma-elevate man ang kung anong meron kami to the next level o hindi, ganito na kami. Ganito na kami kasaya, kalandi, kakulit---- basta hindi na magbabago ang kung pano naming tratuhin ang isa’t isa.
At okey ako doon. Oo, okey lang sa akin ‘yun.
Hindi naman kasi ibig sabihin nun eh nililimitahan ko na ang sarili ko sa ibang bagay (read: lalaki) dahil sa kanya. Neknek niya noh!
Basta ngayon ‘tol, fight lang ng fight. Happy lang. diba mas okey naman?
---

Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin pinapangalanan kung sino ang lalaki iyon?
Susko, kailangan ko pa bang sabihin? Sino pa bang walang alam tungkol dito?
Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
---

Happy birthday to me! Hay… ano kayang mangyayari sa birthday ko bukas? Tanda ko na!