ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Tuesday, November 15, 2005

Hindi ko kailangan ng SALBABIDA!

Labo talaga.

Minsan nga iniisip ko, mas okey ba na malabo pero meron o mas okey nalang na wala? O malabo nga ba o wala naman talaga? Kung meron man, kailan ito nagsimula? Tapos na ba ito? Kung meron man, paano ko ito ilalarawan at ipapaliwanag? Seryoso ba ito, o gaya ng hinala ko, isang laro lang? Ngunit kung paglalarawan din lang, mayroon nga ba akong dapat ilarawan? O ilusyon lamang ang lahat?

Diba ang labo?

Isa lang ang malinaw.

Hindi ako malulunod ng gaya ng iniisip ninyong lahat.

Noong isang araw, nang magawi ako sa isang lugar na ngayon ko na lamang ulit nabisita, nakakatawa dahil halos lahat ng magpapaalala sa akin sa mga pagkalunod ko dati ay tumambad sa mukha ko--- ang jacket, ang backseat, pati kamo ang pusa ay nagparamdam sa hindi ko maipaliwanag na paraan.
Bakit kamo ako nalunod dahil sa kanila? Dahil hindi ako marunong lumangoy, pero hinayaan pa rin nila akong lumusong sa dagat. Noong una, kuntento na ako sa bahagi ng dagat na malapit lang sa dalampasigan. Pero totoo nga yatang nakaka-adik ang tubig ng dagat at nawili ako sa pagbabad dito. Hindi ko napansin na inaanod na pala ako ng mga alon at dinadala na ako ng mga ito sa malalim na bahagi ng dagat. At dahil nga hindi ako marunong lumangoy, nalunod ako.
At nasaan ang jacket, ang backseat at ang pusa? Nasa dagat rin. Marunong man silang lumangoy o hindi, walang kaso, hindi sila malulunod.
Dahil lahat sila, may dalang salbabida.
At hindi sila handang ipahiram ang kanilang mga salbabidang sa akin. Dahil sa lalim ng dagat, sila mismo ay takot malunod. Ang jacket? Natatakot malunod. Ang backseat? Ayaw malunod. Ang pusa? Ayaw niyang malunod sa dagat na ‘yon sapagkat sabi niya, kung malulunod daw siya, gusto niya sa mas magandang dagat. Dun sa pinapangarap niyang dagat.
Kaya habang silang lahat ay nababalot ng proteksyon ng kanilang mga salbabida, hayun ako, sa malalim at nakakatakot na bahagi ng dagat, nag-aagaw buhay. Pinipilit na itawid ang aking sarili at bumalik sa dalampasigan. Sa awa ng Diyos, naibalik ko ang aking sarili sa lupa.
Pero sasabihin ko sa inyo ngayon, napakahirap malunod ng tatlong sunod-sunod na beses.
Nakakainis. Nakakapagod. At nakakasawa.

Pero kung mayroon mang naidulot na mabuti ang tatlong karanasang ito, iyon ay ang tulungan akong magkaroon ng determinasyon para matutunan kung paano lumangoy--- kung paano lumangoy ng maayos para hindi na ako muling malunod pa. Sa pag-aaral ko kung paano lumangoy, napag-isip-isip kong hindi naman kasalanan ng jacket, ng backseat at ng pusa na nalunod ako. Oo, kasalanan nilang hindi ako pahiramin ng salbabida, pero hindi nila kasalanang naisip nilang gumamit ng salbabida para sa kanilang mga sarili para hindi sila malunod. Karapatan nila at responsibilidad nila sa kanilang mga sarili ang iligtas ang kanilang mga sarili mula sa pagkalunod. Ako man ay may karapatan din at responsibilidad na gawin ‘yun. Pero masyado akong naengganyo ng dagat at nakalimutan kong magdala ng salbabida. Kaya kung nalunod man ako, aba’y kasalanan ko rin ‘yun.

Kayo man ang malunod ng tatlong beses, hindi niyo ba sobrang nanaisin na matutong lumangoy? Hindi niyo ba nanaising huwag nang malunod na muli?

Nag-aral na akong lumangoy. At marunong na ako, sa maniwala kayo’t sa hindi. Natuto na ako ng tamang paglangoy. Ito ay isang katotohanang nais kong ipaniwala sa akin sarili. Dahil alam kong kapag ganito ang aking inisip, at sinamahan ko pa ng tapang at determinasyon, gagaling din ako sa paglangoy.

Ganoon na lamang ang aking determinasyon na huwag nang malunod muli. Matindi. Sobrang tindi. Kaya sinasabi ko na sa inyo ngayon, at paulit-ulit kong sasabihin sa inyo---

Hindi ako malulunod ng gaya ng iniisip ninyong lahat.

At kontra sa sinasabi ninyong lahat, hindi ko na rin kailangan ng salbabida.

Dahil marunong na akong lumangoy.

Labo noh?

Labo talaga.

Thursday, November 10, 2005

I'm Sad

I’m sad.

The last time I felt this same sad feeling was when I found out that my mom’s sick. The possibility of losing my mom made me sooooo sad that every time the thought crosses my mind, I cry.

Tears instinctively falling. Lost appetite and energy. Lack of sleep. Disturbing dreams. Missing zest for life and living.

January 1999. I found out that I had passed the entrance exam for Quesci. Wow, a science high school…I’ll be going in a science high school. My parents were ecstatic. I was happy--- but sad at the same time. Studying in Quesci would mean leaving Miriam, and all my friends there.
Fast forward to March of the same year, there was a special program made for graduating students, specifically, the Grade 7 students, the Turnover. It was also an event that would signify the “passing of responsibilities” as seniors of the batch from the Grade 7 batch to the Grade 6 batch. It wasn’t an event made for sixth graders like me who would also be leaving the school. But during the ceremony (which was held at the MMJ Court at 6 in the evening), when a presentation about grade school was shown, I broke down. That time, I was sitting beside Lizette and Diana and I could see Margaux in the front row. Mrs. Torres (one of my favorite teachers) was standing near our seat. And Special Memory was being played.

March 2003. High School Graduation. Again, all of my favorite people were beside me, and Kessy, the object of my interest was seated behind me. We promised not to cry, because we know we’ll be studying at the same university in college, we’ll still be seeing each other the following day for our clearance, and we’d still be in touch. I was teasing Tetel for crying, but still I found myself crying after I saw her cry.

1st year college, Summer. I found out that Ralph had a girlfriend.

During those times, I felt the same thing days after.

Tears instinctively falling. Lost appetite and energy. Lack of sleep. Disturbing dreams. Missing zest for life and living.

And now, at this very moment, I’m feeling those things all over again.

Tears instinctively falling. Lost appetite and energy. Lack of sleep. Disturbing dreams. Missing zest for life and living.


Am I about to lose or say goodbye to someone special again?

Wednesday, November 09, 2005

Sa isang LARO, ang unag mahulog....TALO!

Naramdaman niyo na ba yung pakiramdam na gustong-gusto nang tumulo ng luha mo pero sobrang taas ng pride ng mga mata mo para hayaan silang tumulo?
At dahil hindi ka maiyak, sumisikip ang dibdib mo…sumasakit ang ulo mo…nanghihina ang mga tuhod mo…
Parang ilang sandali lamang ay bibigay ka.

Hindi ako maiyak. Gusto kong maiyak pero ayokong maiyak. Labo noh? Pero ganun talaga.

Gusto kong maiyak. Pero hindi maisip ng utak ko kung tama bang umiyak ako. E kung tama kaya, iiyak ako? E pano kung hindi? Hindi na ako iiyak? Dapat ko nga bang isipin kung tama o mali ang gagawin ko? Labo noh? Pero ganun talaga.

E bakit nga ba ako naiiyak? Dahil ba may kailangan akong pagdesisyunan at nahihirapan akong magdesisyon? Dahil ba natatakot ako? Dahil ba nasasaktan ako? Dahil ba napakaraming bagay ang hindi ko ngayon maamin sa sarili ko?

Hindi ako maiyak. Dahil ang pag-iyak---
…ay pag-amin na napapagod na ako sa pakikipaglaro at malapit na akong madapa.
Labo noh? Pero ganun talaga.
---
Nang minsang inatake ako ng INSOMNIA, ako ay nag-explore ng kung anu-anong site sa Internet. Nakita ko ang site na Blogthings ata ang tawag, basta yung kung anik-anik na personality chever. Natuwa ako kaya sumagot ako ng sumagot hanggang sa antukin ako. Pwede ko naman kasing I-post ang lahat ng sinagutan ko dito, dahil ganun naman yata talaga ang point ng mga chever sa site na ‘yun--- but no, asa pa kayong magtitiyaga akong gawin ‘yun. Una sa lahat, ambagal nitong si BUKNOY. Pangalawa, nakakatamad. Pangatlo, nakakatamad. Pang-apat, nakakatamad.
Haller, nakita niyo na ba akong mag-post ng pictures dito? Hindi. Dahil tinatamad ako sa matagal na prosesong iyon. Naisip ko, ang titignan niyo na lang dito ay yung mga pictures, ‘di niyo na babasahin yung mismong blogs ko…e kung pictures din lang naman ang habol niyo, edi tignan niyo friendster account ko! (
poopsyzuh27@yahoo.com)
Tamad talaga akong mag-aral ng mga techie chever na ‘yan. Basta alam ko ang basics, keri na. Haay, tsaka ko nalang pag-aaralan kapag ikamamatay ko nang hindi matutunan ang iba pang kaeklatan na ‘yan.
Anyway, going back, ‘yun nga, may isa dun sa Blogthings na tungkol sa personality mo based on your birthday. Sa maniwala kayo’t sa hindi, naniniwala ako sa mga ganito. Ewan ko ba, jologs ‘ata talaga ako…
So--- ito ang sabi dun…(birthday ko nga pala ay JULY 7, 1986)

Born on the 7th day of month gives you a tendency to be something of a perfectionist and makes you more individualistic in many ways. Your mind is good at deep mental analysis and complicated reasoning. You are very psychic and sensitive, and you should usually follow your hunches. You may not take orders too well, so you may want to work alone or in a situation where you can be the boss. This birthday gives a tendency to be somewhat self-centered and a little stubborn.

Ang isa sa mga rason kung bakit ako naniniwala sa mga ganito e dahil may mga bahagi naman ito na alam kong totoo. In this case, medyo totoo lahat ang sinasabi. Kaya dahil sinisipag ako ngayon, himayin natin ang chever na itey…

“…tendency to be something of a perfectionist and makes you more individualistic in many ways.”
Hmm…totoo ‘yan. Tendency to be something of a perfectionist, pero hindi naman tala 100% perfectionist. Ganun ako. OC ako sa mga ginagawa ko, gusto ko laging maganda at maayos. Pero dahil sa katamaran ko, hindi ko rin naman naisasagawa lahat ng gusto kong mangyari, kaya madalas, sa huli, ako rin ang dapat sisihin kapag hindi naging “perfect” ang ginawa ko.
I guess individualistic ako in the sense na gusto ko mag-stand out. Pero diba, lahat naman tayo gusto ‘yun? Ewan ko, this part, ‘di ko ma-explain masyado…

“Your mind is good at deep mental analysis and complicated reasoning.”
Hahahahaha…nakakatawa naman ito. ‘Di ko ‘to alam ah. Isa lang naman ang implikasyon nito e, ang hilig kong mag-isip! Mahilig akong maghimay-himay ng mga bagay hanggang sa maintindihan ko ang tunay na ibig sabihin nito. Hmm…dapat kaya psychology ang kinuha kong course?
Kaya siguro madalas ay takbuhan ako ng mga tao kapag may problema sila. Kasi mahilig akong makinig at mag-rationalize ng mga bagay. Ewan ko, pero ako yung tipo ng taong hindi titigilan ang isang bagay hangga’t hindi ko siya naiintindihan.
Kaya rin siguro may pagka-baliw ako noh…

“You are very psychic and sensitive, and you should usually follow your hunches.”

Aha! This is very true. Katakot noh? Eto tayo sa “you should usually follow your hunches” e…patay tayo diyan. Pero ito naman ata yung tipo ng psychic powers na hindi nakakakita ng multo at kung anik-anik, pero yung tipong lakas in intuition ko, at madalas tama ang kutob ko.

“You may not take orders too well, so you may want to work alone or in a situation where you can be the boss.”
I don’t think ang ibig sabihin nito ay nagpapaka-bratinella ako. Medyo wengwang lang talaga ako kapag tumatanggap ng instructions, meaning, kinakailangan isulat ko ito at I-verify kung tama ang pagkakaintindi ko para tama ang magagawa ko. Kaya madalas, dumidiskarte na lang ako o kaya mas pineprefer ko na sarili kong diskarte.

“…tendency to be somewhat self-centered and a little stubborn.”
Hahahahaha! Self-centered! Siguro not in all aspects yung pagiging self-centered ko. Hmm…siguro ito yung sinasabi ng kapatid ko na madamot daw ako paminsan. Stubborn? Totoo ‘yan. Tigas talaga ng ulo ko.

O ayan…saya noh? Edi mas kilala niyo na ako?
Nyahahahaha.

Friday, November 04, 2005

SEMBREAK

Ngayong nalasap ko na ang tamis ng SEMBREAK, isa lang ang aking ninanais:

PUCHA, GUSTO KO NANG PUMASOK.

Oo na, oo na, weird, kj, jologs, nerd na ako--- e sa wala na akong magawa dito sa bahay e. Well, hindi naman talaga ako nagse-stay dito sa bahay ng madalas, pero mahirap maglamyerda ng maglamyerda on a limited budget.

May isa pa pala akong naisip--- nakakamiss din pala ang kangaragan.

Mas gusto ko ang pakiramdam ng ngarag kesa ng walang ginagawa. Aba aba, kala mo masipag e, noh? Di rin.
---

Last week, Monday lang yata ako nanatili sa bahay. Tuesday hanggang kahapon (Sabado), alis ako ng alis.

TUESDAY
Nagpunta ako ng UP para sa meeting na pinatawag ni Cean para sa mga interesadong mag-usher para sa Superfest, isang seminar na sponsored ng Inquirer at GMA 7 na ine-endeavor ng isa pa niyang org.
Late ako. (Ano pa bang bago?!?)
Nung lunch break, nagpunta kami sa Jollibee nila Cean at Klara. Hay nako, ayoko na talaga ng fastfood pero wala akong magawa dahil wala kaming maisip na ibang kakainan. Pagkatapos nun, nagpunta kaming NBS dahil kailangan naming bumili ng mga kakailanganin sa seminar. Hulaan niyo kung sinong nakita ko dun?!? Si MARGAUX! Si Margaux. Siya ang aking Grade School best friend. Nakakatawa. Kasi madalas, kapag gusto ko siyang makita, hindi ko siya makita. Tapos bigla ko nalang siyang makikita at unexpected moments. Hahaha.
Pero pero pero…may isang sad part sa aming pagkikita. Tinawag niya akong--- BOCHOG! Huhuhu…wala lang, pakiramdam ko lalo, sooobrang laki na talaga ng tinaba ko.
Anyway, nung gabi, napag-usapan namin na magkikita kami sa Thursday for more bonding moments. Syempre na-excite naman ako…

WEDNESDAY
Aba, 4 am pa lang ay gising na ako. Dalawang oras lang ang tulog ko dahil---- basta. Puyat ako. Anyway, attack pa rin ako sa paga-usher sa SUPERFEST.
Nasayangan ako sa supposedly big event na ito. Dahil malaki ang venue, malalaki ang mga pangalan ng sponsors, malalaking pangalan din ang naimbitahang speakers at most importantly, malaki ang gastos nila, pero ang pinakamalaki at pinaka-importanteng factor ang nawala sa kanila--- isang malaking audience.

Pero bilang isang usher, keri na rin sa akin ang mga naganap. Libre na ako sa seminar, mas dumami pa ang nakain kong pagkain, at marami pa akong nakuhang freebies!!!
Anu-ano ang aking mga nakuha?
2 bag, isang GMA Kapuso pin, 2 Inquirer Guyito button pin, isang Inquirer notebook, isang Inquirer cap, isang TAYO button pin, isang box ng Hot Loops donuts, isang penshoppe cap, isang penshoppe razorback shirt at…isang cute na cute na GUYITO doll!

Aba aba aba, sabi ko nga kay Klara, kinailangan pa naming sumali ng isang game na pahabaan ng “rer” sa “Happy 20th Anniversary Phil. Daily Inquireeeeeeeeer” para lang magkamit ang guyito doll na ito. Owell…

THURSDAY
Hindi na ako nakasama sa 2nd day ng Superfest dahil kailangan kong samahan si Mama. Pero ang highlight talaga ng araw na ito ay ang Acti Meeting/Date with Margaux and Maris noong hapon. Multi-tasking na talaga ang drama ko noong araw na ‘yon.
As usual, late ako. Ang hirap kasi si Margaux, hindi sanay na late ako, ang Acti naman, alam nilang male-late ako. Kaya pagdating ko ‘dun, apologetic talaga ako kay Margaux at syempre, isa ako sa mga unang dumating para sa aming Acti meeting.
Isinama ko si Margaux sa aming Acti meeting. As usual, nung nalaman niyang head ako ng isang committee, ipinoint out na naman ang pagiging achiever ko raw. Laki talaga ng bilib nitong taong ‘to sa akin. Madalas nga, kapag down na talaga ang aking self-esteem, kausapin ko lang ‘tong taong ‘to, panigurado magiging okay ako. Kahit gaano ko pa sabihin sa kanya na hindi na ako yung “achiever” na kilala niya nung grade school, ayaw pa rin maniwala. Ewan.
So there. Hindi nga pala kami nakagawa ng isang konkretong plano sa aming meeting. Puro kasi kami kwentuhan e.
Lampas 5pm nang dumating si Maris, ang friend ni Margaux na ipapakilala niya sa akin. Hahaha, kabado ampotah! Kala niya babanat ako ng babanat. Sabi ko nga kay Margaux, sobrang okay si Maris, at natutuwa ako para sa kanila…(with a tinge of inggit by the way)

FRIDAY
Ang pinaka-haggardous day of them all--- EXEC SEM PLANNING!
Kila Rica ang aming venue. Haay, napapansin ko lang, lagi nalang kila Rica ang venue ng overnight ah. At kapag may overnight sa kanila, lagi akong nandun! Hahahahaha.
Nagsimula ang aming sem planning ng after lunch. Tuloy-tuloy ‘yun hanggang 8:30 ng gabi. Haggard naman kasi talaga ang second sem para sa Broadguild, dahil napakaraming events na magaganap--- kasama na ang Broadguild week.
12 am na kami nag-resume (dahil nagkatakutan pa tungkol kay GRACE, the Abesa mansion’s friendly resident ghost) at umaga na kami natapos.
Napakaraming trabaho na napunta sa aking committee. Good luck nalang talaga sa akin!
Pero kung maraming napunta na trabaho sa Acti, nyek, uberly dami ng napunta sa Memcom. Naawa nga ako kay Angel kasi napasubo talaga siya at ginisa talaga siya sa sem planning. Kasi naman e--- oops, tama na. Yoko na magsalita.

So there. isang week na full of action.
Kaya nga ngayong week na ‘to, stay at home talaga ako (except nung nagpunta ako ng sementeryo)
---
Sino ang COLLEGE SCHOLAR dito? Speak up!

AKO!!!!

Hahaha. Pagbigyan niyo na ako. Paminsan ko lang maranasan maging college scholar e. Sabi nga ni Mama, hindi raw niya ako maintindihan, kung kelan tambak ang trabaho ko, tsaka naman ako umaariba.
Sabi ko naman sa inyo hiyang ako sa kangaragan e.
Masaya lang talaga ako. Ngayon ko lang napansin na proud talaga ang aking parents para sa akin. Naramdaman ko lang ito nung sinabi sa akin ng aking sister habang naglalakad kami para magpa-load, “Ate, ano ba naman ‘yan, ikaw na naman ang pinaguusapan…”
Nakakaiyak. Nakakataba ng puso na marinig ang nanay mo na sa bawat kamusta sa kanya ng mga tao, maririnig mong pipilitin niyang isingit na natanggap ako sa Chalk, na matataas ang grades ko ngayon…
Thank you thank you thank you Lord.
---
Bakit ba laging sa huli ko inilalagay ang mga mushy stuff?!?

“Simula ngayon, makikipaglaro na lang ako ng makikipaglaro, at sisiguraduhin kong hindi ako unang madadapa…”

Iyan--- ‘yan ang bago kong panuntunan sa lovelife.

Nung isang araw, ininggit ako ni Shara dahil naabutan daw niya ang Cinderella Story sa HBO. Cinderella Story. Hilary Duff and naknamfotah CHAD MICHAEL MURRAY!!! Nainis ako dahil I am in dire need of a RomCom flick.
Kahapon, naabutan ko ito sa HBO. Happiness!!!

May quotation dun na naging inspiration ni Sam (character ni Hilary) para lumaban (denouement):
Never let the fear of striking out stop you from playing the game
Yun na. Game na naman.
Kung sa life per se mo ia-apply ang saying na yan, madali lang diba? Kahit nga ipa-extempo mo pa ‘yan sa akin ngayon, kayang-kaya ko. At madali lang naman kasi ‘yan gawin sa buhay e, dahil ganyan naman talaga dapat ang attitude mo.
Pero kung sa lovelife mo ia-apply ‘yan, ibang usapan na.
Wala naman kasi ako sa Cinderella Story. The Sam character and I are similar in a number of ways--- but are also different in a lot of ways. A movie like that can make one easily think na hey, oo nga ano, life is good talaga, and that somehow, my love story can have a happy ending. Pero, cmownst reality check, that’s fiction for pete’s sake! Kaya nga feel-good movie ang tawag dun e. it’s suppose to make you feel good pero you have to go back to reality after watching it.
Sam was able to get her Prince in the end. Despite the fact that the Prince has a sexy, cheerleader-ish love interest, he still chose the nerdy, dorky and plain Sam. Dahil maganda ang kanyang kalooban.
Nyek. Blech. Kalokohan.
Kaya nga fiction ang tawag diyan e. Dahil hindi naman talaga siya nangyayari sa totoong buhay.
Hence, my new mantra.
Cmownst, ilang beses na akong nadadapa…and hindi naman talaga mala-Austin (character ni Chad) ang mga ginusto kong maging Prince.
Kaya ‘yan. Ikaw, malas mo nalang. Wais na ko e. I’m getting fond of your wit and charm, but far from falling for it. Susko susko…
---

Gusto ko nang magpasukan. Para magkaalaman na.