ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Sunday, March 12, 2006

deretsahan na ito!

Tumalon kaya ako sa bangin
Para lang iyong sagipin
Ito ang tanging paraan
Para mayakap ka

Try ko kaya ito? Hahaha. Na-try ko na kasi yung umalis nang hindi nagpapaalam at hindi nagdadala ng cellphone e. Medyo nagwork naman. Wahahahahahaha.

Napapagod na ako. Kahit ayoko pang mapagod. Napanghihinaan na ako ng loob. Kahit gusto ko pang maging matapang. Nalulungkot ako. Kahit na sobrang pinipilit kong maging masaya.

Tama ka. Hindi ganito ang pagkakakilala mo sa akin. At ikaw--- ikaw ang nakapagdulot ng lahat ng pagbabagong ito. Tama ka rin, lalaki lang yan…lalaki ka nga lang. At hindi nga siguro ako dapat nagpapakabaliw sa’yo.

Sabi mo, dapat intindihin ko na baka hindi naman “nya” alam na nasasaktan na ako…sasabihin ko na sa’yo ngayon--- nasasaktan ako. Ngayon, sabihin mo sa akin, mali ba ang kabaliwang ito? Sige, sabihin mo sa akin, ano ang tama at dapat kong gawin?

Sige, siguro nga dapat mag-usap tayo. Hayaan mo, paghahandaan ko ‘yan.

Darating kaya
Sa dami ng ginagawa
Kung kaagaw ko sila
Paano na kaya?