ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Saturday, February 25, 2006

kung may The One...this is THE LULL

Bago ang lahat, nais ko munang sabihin na dapat ninyo akong I-congratulate dahil naka-survive ako for one week na hindi gumagamit ng Internet! Ha! Grabe na yung 80 messages and two Friendster requests ang tiniis ko na hindi tignan o basahin…I may be a coffee addict, pero I’m not a Net addict pala!

---
Nagka-lagnat ako. Siguro dahil sa pagod. Physically, mentally, emotionally. Grabe na, noh? Pero ganun talaga. Sabi nga nila, c’est la vie! Hindi naman ako nagsisisi e. Dahil pinasok ko ang iskemang ganito, kaya dapat panindigan ko na tatapusin ko ang mga dapat kong tapusin.
Masaya naman ako sa buhay ko kahit ngaragan ever. Seheryoso. Gaya ng lagi kong pinapaulit-ulit, masaya ako sa iskemang busy-busyhan na ito kesa yung mga lull moments.
Lull moments?!?
Hahaha.
Tindi talaga ng epekto ng lull (grabe na ang segue ko). Kapag nagkakaroon ng lull, may time ka para mag-isip at sabi nga nila, para makita at maintindihan ang bigger picture. May time ka rin para huminto, at habulin muna ang hininga mo. Ito rin siguro ang panahon para maiplano mo at mapag-isipang maayos ang mga susunod na hakbang na sa tingin mo ay makakabuti para sa lahat.
Pero higit sa lahat, ang lull ay isang magandang panahon upang ma-wengwang ka. At makapang-wengwang ka ng ibang tao.
Alam niyo ha, in fairness sa akin, I’d like to think na medyo maganda ang epekto sa akin ng lull moment na ito. Totoo lahat ng sinabi ko, nakapag-isip ako, I was able to see the bigger picture, I was able to catch my breath…kasi before the lull, para akong biglang sumakay sa isang matindi at mabilis na rollercoaster ride--- nakakahilo, nakakatakot, nakakasuka. Kaya I opted to have a lull period muna.
At yun na nga. Masaya naman ako sa naging resulta ng lull moment. Resulta--- meaning tapos na ang lull moment. Joske, kinailangan ko pang magkasakit para lang maka-arrive ako sa isang conclusion.
Sabi ko nga sa text ko sa mga tao kaninang madaling araw---


“Nalinawan na ako guys…Si diane ay isang go-getter. Risk-taker. Hindi naman talaga kaso sa akin kung masaktan ako, ang importante, nagmahal ako ng totoo. So…goodluck na lang sa kanya!:)”

Tama silang lahat. Dapat ko nang tapusin ang trauma ko with TOTP (things of the past). Salamat sa aking mga kaibigan na talaga namang isasampal sa mukha ko ang mga kagagahan ko. Salamat dahil na-realize kong namimiss ko na nga pala ang totoong ako. Yung keber kung masaktan o hindi. Yung nangwe-wengwang at hindi nagpapa-wengwang. Yung masaya lang. Yung nagmamahal no matter what.
And now, witness the comeback of the moi.
At para sa’yo (how apt), GOOD LUCK NA LANG ‘TOL.

---
May kanta ako:

…awit na nananawagan/baka sakaling mapakikinggan/pag-ibig na palaisipan/sa kanta nalang dinadaan/nag-aabang sa langit/sa mga ulap sumisilip/sa likod ng mga tala/kahit sulyap ng darna…

Sunday, February 05, 2006

THE ONE (Bwakanangshet)

Shet na The One ‘yan o.

Sino ba kasing nag-imbento ng konsepto na ‘yan?!? Magpakita ka sa akin at mag-usap tayo!!!! Now na!!!

Don’t get me wrong, hindi ako ang naghahanap ng The One. Hindi rin ako ang nag-iisip na may The One. Hindi rin ako ang naghihintay para sa The One.

‘Yun na nga yung nakakainis e. Hindi ako---Siya.

At ang mas nakakainis, e mukhang ‘di naman ako ang The One na hinihintay niya.

There. one epiphanic moment--- a single statement that crushed the chimera. My chimera.

Hoy gago, hear me out, willya? Listen and listen well.


Yes, I’ve always believed that there is one person out there for me, na oo, siguro nga merong The One (for me). As a kid, I had this mindset that I ought to be looking for him, or I ought to be waiting for his arrival in this mess that is my life. But harsh realities confronted me as I was growing up, and I guess my concept of destiny was jaded. A lot of prospects came my way, quite a number of romantic experiences, pero hindi na bumalik ang aking zest sa paghahanap o paghihintay sa The One.

And then you came.

You and your gago self. Nung una, wala talaga, wala ka talagang impact sa akin. Nada. Sabi ko pa nun, isa kang taong walang magagawang matino sa buhay. Puro dada lang. Puro kalokohan, kagaguhan at kaangasan lang. Just like any mainstream guy that I know.
Then came a text message--- it only took one text message to change everything. Kung ako si baliw na may sense, ikaw siguro si gagong mabait. And after quite sometime, I began to know not just your gago self, but every little thing about you, may it be good, bad or even just outright funny. All those things endeared me to you.

It made me happy. Yes, happy--- but scared at the same time.

Scared because I then realized that I was starting to think that you, you and your gago self, may be The One--- the one person that made me believe in the concept of The One again; the one person I’ve been waiting for; the one person that, simply put, could be The One.

I asked myself, what the hell am I thinking?!?

But, I was happy. I was happy, and scared. But nevertheless, happy.

Happy because you might be the one. Hmm…no. I’m happy--- happily hoping that you are the one.

Sana, one day, you may also consider na maybe, just maybe, I may also be the one for you.

But until that time comes, you can be sure, I will be happily waiting on the sides.