ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Tuesday, November 30, 2004

'Wag Maging ALIGAGA

Natatawa ako sa salitang ALIGAGA.
Hindi kasi namin maisip kung ano ang talaga ang ibig sabihin nito, pero lagi naman naming ginagamit na panglarawan sa mga tao.
Gaya ngayon.
Gagamitin ko ang aligaga para maibahagi ang isang bagay sa kaibigan ko.
Kasi naman, namomroblema s'ya kung ano daw gagawin n'ya sa crush nya. May grilfriend daw kasi yung crush n'ya, pero nakikipaglandian sa kanya. Pero kinikilig daw s'ya. Pero nakokonsyensya raw s'ya pagkatapos.
Minsan talaga, naa-ALIGAGA ang mga tao pero hindi naman talaga dapat. In short, isip tayo kaagad ng isip, napapraning kaagad tayo, wala pa ngang malinaw na nangyayari. Gaya sa sitwasyon ng kaibigan ko, wala pa ngang konkretong nangyayari sa kanila nung crush n'ya, iniisip kaagad n'ya yung iisipin ng girlfriend nung crush n'ya. Na-ALIGAGA kaagad s'ya na mali yung ginagawa n'ya.
Hindi ko naman sinasabing dapat wala s'yang pakialam kung makasakit s'ya ng tao, pero minsan, ganoon talaga ang buhay--- magiging masaya ka kapalit ng kalungkutan ng iba. So dapat ba, kung naiipit ka sa ganoong sitwasyon, mas piliin mo na lang na hindi ka maging masaya basta wala nang masaktan?!?
Siguro. Kung martir ka.
Ganyan din ako dati. Feeling ko isa na akong bayani dahil makailang beses ko nang isinakripisyo ang sarili kong kaligayahan para lang hindi ako makasakit ng ibang tao, o kaya naman para sila na lang ang maging masaya. Marahil maraming magsasabi na tama ang maging ganoon, pero naisip kong ang tanga mo 'pag hinayaan mong ganoon na lamang palagi ang mangyari sa iyo.
Each one of us deserves to be happy. And sometimes, you have to think of your own happiness first. Even if it will eventually hurt other people.
Oo nga, there are other ways para maging masaya tayo without hurting other people. Pero naisip mo ba, na habang iniisip mo ang kapakanan ng iba, iniisip din kaya nila ang kaligayahan mo?!? O baka naman ikaw na lang ang bigay ng bigay...
Every choice we make in this life has it's trade-offs. If we choose to be happy, it may have it's negative effects not only on us, but even to other people. But I think that if we choose it that way, the best we could do is to make the most out of the happy moment and appreciate it in a way that the negative effect of it on other people will not be taken for granted. On the other hand, if you chose not not be happy so that other people will be happy, then you should also accept and appreciate it and just wait for a good trade-off.
May sense ba yung mga pinagsasabi ko?!?

Single and Lovin' it!

Yep. You read it right.
I'm single.
And i love it.
You might think that I'm already insane since I spent months blabbing about how much I hate being single and here I am now, saying and feeling entirely different about my "unattached" status.
But it's true. It's a fact of life that I've already accepted.
I'M SINGLE.
And I must admit that it was very stupid of me to dwell about it too much. It is only now that I've realized that I've ignored so many blessings and great things that God gave me just because He never gave me a boyfriend--- just because He allowed me to be one of those few "unattached" people amidst a crowd of "attached" ones.
I'M SINGLE.
And it isn't really a big deal. A lot of my friends and orgmates are single, too--- a lot of people in this world are single, and most of them are even older than me. I'm still young to even think of it as a problem.
I'M SINGLE.
And my reasons for not wanting to be one are so stupid. I've realized that I myself am not yet ready for any emotional involvement--- all I want is company. Someone to treat me for lunch when I'm feeling depressed; someone I could talk on the phone with for hours; someone who I can easily drag with me when I want to watch a movie; someone who's just there.
But then again, there will be times when I wouldn't like to be with someone or anyone. And if I have a boyfriend, it will be very heartbreaking for him to hear that I don't want to see him, and I just would like to be alone.
I'M SINGLE.
And I know that in God's time, I won't be one anymore. In the meantime, I will just enjoy every fun moment of it. There will be times when I'll still be feeling depressed because of that reason, but then I'll just tell myself that I am not alone and that I have an ultimately great companion, much better than any other guy--- GOD.
I'm Single. I'm complete. And I'm happy about it.
Enough said.

Sunday, November 14, 2004

I LOVE BROADGUILD!

Lumabo ata ang mga mata ko.
Buong araw ba naman akong naka-blindfold!
Pero kung tatanungin n'yo ako kung anong pakiramdam ko ngayon...
ECSTATIC!
Guilder na ako!
Induction namin noong Sabado. Nakakatakot. Nakakapagod. Nakakatuwa.
Isa lang masasabi ko...ang sarap ng Okra!
I LOVE BROADGUILD! PROUD TO BE A GUILDER!
Haay...
Gawa na 'ko ng Oplan ko...

Ang Gulo ng Mundo...Pero Mas Magulo Ako!

Oo na sige na…kinain ko na naman ang sinabi ko.
Sinabi ko ngang hindi na ko magsusulat ng kahit anong may kaugnayan kay Johann at eto ako ngayon, magsusulat na naman ng tungkol sa kanya. Actually, hindi lang naman ‘to tungkol sa kanya. Tungkol ‘to sa maraming bagay…pero kasama s’ya don.
Marami na akong mga kakilalang nagreklamo dahil ang gulo raw ng mundo. As in yung tipong tumigil sila ng ilang segundo para manahimik at pagkatapos ay bigla na lang sumigaw ng, “ANG GULO NG MUNDO!”
Oo nga naman. Magulo naman talaga ang mundo, hindi ba?
Minsan, may mga nagsasabing tayo ang nagpapagulo ng mundo, na hindi naman talaga ito magulo, ginagawa lang nating kumplikado ang mga bagay-bagay kaya nagiging magulo ito.
Pwede rin.
Pero naisip ko lang, kaya siguro nagiging magulo at kumplikado ang mundo sa paningin natin ay dahil na rin sa ang dami nating gusto, ang dami nating demands, ang dami nating gustong mangyari, maganap, makuha at kung anu-ano pa. At hindi lahat ng ito ay naibibigay sa atin ni God. Pero hindi ibig sabihin nun, hindi kayang ibigay ni God ang lahat ng gusto natin. Kaya n’yang ibigay pero will n’yang hindi ibigay ang lahat ng gusto natin. In short, hindi lahat ng gusto natin ibibigay sa atin ni God.
So...anong koneksyon nito kay Johann?!?
Well...nainis kasi ako nung isang araw. Puro negative things ang narinig ko tungkol sa kanya--- kesyo matatanggal na raw s'ya sa team nila dahil may mas magaling daw sa kanya and hindi naman daw talaga s'ya magaling. Mas masaklap yung narinig kong bobo raw s'ya at slow ang kanyang cognition skills. Sabi nga ng boyfriend ng kabarkada ko na nakakakilala sa kanya...
"Kung Atenista din lang ang hanap mo, mas marami pang gwapo at may sense at kacrush-crush na Atenista kesa sa kanya..."
Napag-isip tuloy ako. Exaggerated pero feeling ko, me against everybody else ng Johann thing na ito. Hindi madali kasi I always think of him every waking moment of my life, tapos biglang ganoon ang maririnig ko.
Besides that, may girlfriend s'ya. Kahit na isang jeepney ride away lang ako sa kanya, kahit na I have all the ways and means para maging close kami, may girlfriend s'ya. At mabait ang girlfriend n'ya. Nakakainis dahil hindi ko magawang mainis sa kanya. Na dapat feeling ko s'ya ang kontrabida...pero feeling ko ako ang masama.
Haay...
Naiinis din ako dahil yung mga kabarkada ko, pinipilit i-juice out sa akin kung may feeling pa ako kay Ralph---yep...c jacket guy. Pagkatapos malamang break na si Ralph at yung girlfriend n'ya, itatanong nila sa akin kung masaya ba akoat kung may chance bang bumalik ang feelings ko sa kanya. Tapos magagalit sila dahil nilalait ko raw si Ralph, kesyo hindi raw totoong wala na kong feelings sa kanya, na pwede naman raw ibalik...
PUTANG INA!
Sila 'tong nagsasabi noon na kalimutan ko na tapos ngayon gusto nilang i-open ko ang utak ko sa possibility of falling for that loser again?!? Ito talaga prangkahan na....YAAAAAAAAAAAK!!!! Just the mere thought or idea of it, nandidiri na ako. I don't want to explain further. Ayoko nang manlait pa.
Ang pinaka-climax ng lahat ng ito ay ang pagrereklamo ko noong isang gabi kung bakit ang daming magagandang bagay na ibinibigay si God sa akin pero yung matagal ko nang hinihiling na magka-boyfriend ako, hindi pa rin n'ya ibinibigay. Labo ni God, isipin n'yo, ilang Simbang Gabi ang binuo ko para lang doon, ilang novena ang inilaan ko, ultimo noong debut ko, kasama yun sa mga wishes ko. Pero wala parin akong boyfriend. Nada. Blank Space.
At sabi nga ng pinsan ko...hindi raw kasi lahat ibinibigay ni God.
Gaya ni Johann.
Gaya ni Ralph.
Gaya ng boyfriend na matagal ko nang hinihintay.
Pero kung iisipin, keri lang. Kapalit ng kawalang pag-asa at pagka-tigang ng aking buhay pag-ibig, andaming opportunities ang dumating sa akin.
Sorry God ha.

Friday, November 05, 2004

GANITO BA TALAGA ANG WALANG LOVELIFE?!?

sagutin n'yo nga ako...
dali na...
pleeeeeeaaaase...
GANITO BA TALAGA ANG WALANG LOVELIFE?!?
nung isang araw, bumili na naman ako ng bagong chic lit. chic lit ha. hindi chic let. chic lit--- as in chic literature.
chic literature--- yung pocket-sized na libro (read: pocketbook) na uber vibrant ang color. yung may "cosmo book clu recommended" na tatak. yung 150 pesos sa mga bookstores at magazine stands. yung tungkol sa mga middle-aged na babae na may blooming careers and forever in search of mr. right. o umiiyak dahil kay mr. right. o natutuwa dahil kay mr. right. o basta may dilemma tungkol kay mr. right at sa buhay nila.
basta yun.
simula nung niregaluhan ako ng isang chic lit noong debut ko, nangolekta na ako ng iba't ibang klase ng chic lit. nakakatuwa nga dahil 30 minutes lang, tapos ko na ang isang libro. bakit kamo? kasi tuwing nagbabasa ako, engrossed ako sa mga nangyayari sa bidang babae. para bang transported ako sa mundo n'ya.
nakakatuwa rin na pagkatapos kong magbasa ng chic lit, isa lang ang nasasambit ko---
"haay..."
at sa bawat pagsasara ko ng libro, patuloy na ang paglalakbay ng aking isipan sa mundo ng aking mga pangarap--- in short, nagpapantasya na ako.
at gaya ng mga bidang babae sa mga chic lit na binabasa ko, nalulunod ako sa pag-iisip tungkol sa aking Mr. Right--- kung kailan ko s'ya makikita, kung anong itsura n'ya, kung paano kami magkikita, kung makikita ko na ba 'sya, kung anong trabaho n'ya, kung marunong ba s'ya mag-drive, kung saan kami magde-date---
isip ako ng isip hanggang sumakit ang ulo ko at mapiga ang utak ko at hanggang magising ako at batukan ang sarili ko sabay sabi---
"ano ka ba diane! gumising ka nga sa katotohanan! tigilan ang pagpapantasya!"
korni noh?
pero sa totoo lang, in all fairness sa akin, kahit na uberly to the nth level ang pagka-hopeless romantic ko, ngayon, para bagang dumating na sa puntong malapit na akong maging cynical tungkol sa mga Mr. Right topic na yan. o sa love in general.
totoo bang may destiny? hindi ba tayo ang gumagawa ng sarili nating destiny? bakit minsan kailangan mong maghintay ng matagal at masaktan ng paulit-ulit bago mo makilala ang taong destined na makasama mo? anong basis ng mga tao para masabing may destiny nga? faith? na basta naniniwala ka, darating sa'yo?
bakit sinasabi ng maraming tao na love conquers all?!? bakit laging sinasabi ng mga tao na ang mahalaga, kahit masaktan ka, e mahal mo o minahal mo yung tao?!? bakit minsan kailangan magpaka-tanga ka kapag nagmamahal ka?!?
bakit ang komplikado palagi ng love na yan?!? o ako lang ba ang nagpapa-komplikado nito?!? o ako yung komplikado?!? o praning lang ako?!?
labo talaga.
pero ang ultimate question ko talaga ay...
BAKIT WALA AKONG LOVELIFE?!?
hahaha. korni noh.
natatawa ako sa sarili ko.
bwahaha.
baliw.
pero may sense naman, diba?