ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Friday, December 31, 2004

Hebigat!

Ano ba talagang meron sa New Year at halos lahat ng mga tao ay napapa-reminisce?
Ayan tuloy, kahit ayoko dahil ang korni, parang dinidiktahan talaga ako ng fate para magsulat. At hanep ha, hindi ako makapili kung tungkol saan ang una kong isusulat dahil napakaraming biglang pumasok sa utak ko para isulat.
Minsan may itinanong sa akin ang kabarkada kong si Nicole. Nasabi ko daw sa kanya dati na meron akong mga bagay na gustong baguhin sa sarili ko, at pipilitin ko ngang baguhin ang mga ‘yon. Kaya tinanong niya sa akin kung naramdaman ko raw bang may nagbago sa akin dahil s’ya, napansin n’yang meron. Nasagot ko naman ang tanong n’ya, but after our talk, I kept thinking about her question and I started asking myself---
“Nagbago nga ba ako?”
Para sa akin, napaka-crucial ng tanong na ‘yan. Kasi ang dami pa n’yang kasunod na mga tanong at clarifications: Malaki ba ang pinagbago ko, nakabuti ba ‘to para sa akin o hindi, gusto ko ba ang mga pagbabagong ito, kapansin-pansin ba sa ibang tao na nagbago ako…
Napakaraming tanong, diba?
Kaya nga ba isang araw, kahit napakatagal ko nang hindi nagmo-“moment”, nag-lock muna ako sa loob ng kwarto at nag-isip. Inisip kong mabuti ang sagot sa tanong ni Nicole. (Grabe ka Nicole, pinag-isip mo ko ng todo!)
At ito ang mga naisip ko…
Ooops! Bago ko I-share sa inyo, pagpapasensyahan n’yo na ang language, medyo Taglish kasi ang lenggwahe ng utak ko…pasensya…
I’ve learned to live by the principle of trade-offs. Dati, naa-astigan lang ako kay Ma’am Kate nung sinabi n’ya sa amin na “Life is full of trade-offs” pero hindi ko napansin na it has already brought about change, quite a big change actually, in the way I live and see life. Para sa’kin, simple lang naman ang ibig sabihin ng principle na ‘yan e. Lahat ng bagay sa buhay natin, lahat ng events, especially mga choices na ginagawa natin, may trade-off.
Kapag may magandang nangyayari sa buhay mo, don’t take it for granted. Enjoy every single moment of it and appreciate it, kasi baka hindi maganda ang trade-off n’yan. At least, kung na-enjoy mo at na-appreciate ang magandang moment na ‘yon, you have a good memory to see you through the bad trade-off after. Mapapangiti ka pa rin.
Kapag naman hindi maganda ang nangyari sa’yo, you shouldn’t be disheartened. Instead, you should be hopeful. Hopeful that a beautiful trade-off will come after. Kung hindi man okay ang nangyari, still, learn to appreciate it and try to learn something from it, something that you’ll also remember while enjoying the good trade-off that comes after.
Pero, mas applicable ang principle na ito in making choices. This principle made me realize how important it is to really take time to think about the choices we make--- because the possibilities of having “win-win situations” are super small, near impossible actually. Making choices--- it’s more of a make or break situation. Because whatever your choice is, paniguradong may trade-off yan. And just as you have to stand for your choices, you also have to accept and live by the trade-offs that follow.
Madaling sabihin. Mahirap gawin.
Totoo yan. But I am proud to say that living by that principle is one of the greatest changes that happened to me. Ultimo pagpasok sa klase, pagka-cut, paglakwatsa, pag-uwi--- dati bara-bara akong mag-isip. Ngayon, kailangan paggising ko sa umaga, o kahit bago pa kamo ako matulog sa gabi, pag-iisipan kong mabuti ang mga dapat kong gawin. I’ve realized na napakarami ko na palang nagawang mali at hindi maganda in the past na alam kong nireregret o ireregret ko pa dahil hindi ko pinag-isipang mabuti ang mga pinili kong choices.
Napansin ko rin, na kung gaano na katindi ang effort na ine-exert ko para mag-isip tungkol sa mga choices na gagawin ko, nabawasan naman ang pag-iisip ko ng kung anu-ano lang--- in short, nabawasan ang pagka-praning ko. Naisip ko lang isang araw na masyado akong nagpapagod at nagsasayang ng oras sa kakaisip ng mga bagay-bagay, gaya nang kung bakit wala pa akong boyfriend, kung bakit nangyayari ang mga nangyayari sa akin, ano kayang ibig sabihin ng mga bagay-bagay na nakikita, naririnig, nararamdaman ko--- at kung anu-ano pang ka-praningan. Narealize ko na ako ang nagpapahirap sa buhay ko dahil sa kaiisip ko sa mga bagay na ‘yan. Kapag may nangyari sa akin, maganda man o hindi, hindi ko na naa-appreciate o nakukuha ang mga dapat matutunan dahil sa kakaisip ko sa purpose at ibig sabihin nito. Nasasayang lang ang oras ko.
At kasama na rin sa pag-iisip na ‘to ay yung pag-iisip ko sa sasabihin ng ibang tao sa akin. Na-realize ko na ngayon na nabubuhay ako unang-una para sa sarili ko at para maayos ko ang sarili ko para maging kapaki-pakinabang ako sa ibang tao. Hindi ako nabubuhay sa dikta ng ibang tao sa akin, at kaya ko palang gawin yung mga gusto ko, que se jodang pagtawanan at laitin ako ng ibang tao. Hindi ko dapat isipin ang sasabihin ng ibang tao, at hindi ko dapat ihulma ang sarili ko sa kung paano nila ako makita. Dapat ipakita ko ang sarili ko sa paraang gusto kong makita, matanggap at mahalin ako ng ibang tao. Basta ang importante, mahal ko ang sarili ko, masaya ako, at wala akong nasasaktan.
In short, walang pakialamanan.
Ang hirap. Dahil napakatagal kong may pakialam. Ang tagal ko ring hinayaang pakialaman ako. Pero siguro dumarating din talaga sa puntong nagbabago ang isang tao.
Maraming bagay ang matagal ko nang hindi nagagawa simula noong nagbago ako. Hindi na ako nalalasing. Naniniwala kasi ako, kahit noon pa, na kailangang may dahilan ang isang tao para malasing. Kung wala, nahihilo lang s’ya, pero hindi s’ya nalalasing.
Kung prangka na ako dati, mas naging prangka ako ngayon. Mas nasasabi ko na kung ano ang nasa loob ko, kung ano ang gusto ko, kung ano ang opinyon ko.
Mas naging malaya akong kumilos. Kahit manumit at magsalita. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin ng iba. Basta a wala akong nasasaktang tao.
Pero ang pinakamahalagang pagbabago para sa akin ay ang pagiging open ko tungkol sa matinding pagmamahal at pananalig ko sa Kanya. Naibubukas ko na sa ibang tao kung gaano ka-intimate ang relationship ko kay God, kung gaano katindi ang paniniwala ko sa Kanya at sa pagmamahal Niya sa akin.
Ang bigat ng isinulat ko, noh? Ang korni pa.

Pero totoo lahat ‘yan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home