ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Tuesday, April 05, 2005

These are my confessions...

For the first time in Backseat history, naiyak ako.
Hindi naman ako ngumawa o humagugol. It was a docile and subdued form of crying.
I cannot say that I am heartbroken. Nor can I say that I am happy.
Dati, sabi ko sa sarili ko, never kong hahayaan na may makatakas na kahit katiting na luha sa aking tear glands dahil kay Backseat. Pero kagabi, hinayaan ko lang. Hinayaan ko lang na maiyak ako hanggang makatulog na ako.
Mahirap pala talagang tanggapin---

Gusto ko lang sabihin na ilang araw ko nang pilit tinatapos ang litanyang ito. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maituloy-tuloy ang huling linya. Mahirap pala talagang tanggapin…ang ano? Hindi ko maisip o maisadiwa kung ano ang eksaktong nahihirapan akong tanggapin.

Mahirap pala talagang tanggapin---
--- na hindi natin nakakatuluyan ang ideal guy natin? Si Backseat ay ang ideal guy ko. Tignan n’yo ang “The Checklist”, at halos lahat ng naka-bold letters dun (yung mga non-negotiables), halos lahat yun, kumpirmado ko nang taglay niya.
“Tsktsktsk, Diane, alam mo, hindi naman talaga natin nakukuha ang ideal guy natin…maniwala ka.”
Sabi ko sa lahat ng taong nagsabi sa akin n’yan, ayos lang, hindi ko naman hinihiling na magkatuluyan kami ni Backseat e. Ang punto ko lang naman dito, sabi ko pa, e at least alam kong nage-exist ang aking ideal guy. Na hindi pala inconceivable na may ganoong lalaki.
Pero kung hahalukayin ko ang pinaka-isinisigaw ng puso ko, hindi naman talaga ganoon.
--- na wala sa priority list ni Backseat ang magka-girlfriend? Na kahit landiin ko pa siya, kahit akitin ko pa, kahit lumuhod pa ako sa harap niya--- hindi talaga. Kahit na medyo maraming nagkakandarapa para sa kanya--- ayaw pa rin niya. Ang hirap tanggapin.
Hindi. Hindi naman iyon ang mahirap tanggapin. Pucha, ginagawa ko lang ‘yon na dahilan para hindi masyadong dreadful para sa akin ang mga pangyayari. Excuse ko lang na isipin na wala siyang balak magka-girlfriend, kahit totoo man ito o hindi. Dahil sa totoo, ang mahirap tanggapin ay ang katotohanan---
--- na malabo talagang maging kami. Worse, malabong magustuhan niya ako. Alam ‘yan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Hindi dahil sa bobo si Backseat at gago pagdating sa relationships kaya sinasabi nilang iba nalang ang gustuhin ko. E tangina, matalino ‘yun e. Sinasabi nilang ibaling ko na lamang ang atensyon ko sa iba dahil wala akong mahihita kay Backseat. Dahil kung itutuloy ko pa ‘tong kagagahang ito, pihado masasaktan lang ako. Potah, sa aspeto ng pag-ibig, maiyayabang kong mas matalino ako kay Backseat. Get to know be better my ass. Sus, hindi ako nagdyi-gym, at hindi ako sexy by standards. Babaeng bakla ako. Hindi ako sexy manamit. Hindi ako poised. At hindi ako varsity ng basketball.
Gusto ko lang sabihin na habang naiisip ko ito, hindi ako naiiyak. Buntong-hininga oo, pero iyak? Hindi.
At ang pinakamasakit sa lahat…
Mahirap pala talaga tanggapin---
--- na kahit nakatambad na sa mukha ko ang mga rason kung bakit dapat ko nang itigil ang kabaliwang ito, hindi ko kaya. Hindi ko magawa. Alam ko, alam kong lagi kong sinasabi na, sus, parang ‘yun lang, it’s not like mahal ko na siya. Hindi ko pa siya mahal. Seryoso. Hindi pa sapat ang rason na ideal guy ko siya para mahalin ko na siya. Besides, hindi pa rin ako ganoon katanga.
Pero putangina, mahirap pala talagang tanggapin--- at aminin sa sarili kong nahihirapan akong kalimutan siya.
Oo na, hindi na totoong nagpapaka-goal oriented din ako. Kailangan kong maging goal-oriented dahil sa dinami-rami ng responsibilidad ko na kailangan kong gampanan, pero aaminin ko na, na isa si Backseat sa mga dahilan kung bakit ipinilit ko sa sarili kong maging goal-oriented na lamang.
Oo na, hindi na totoong okay lang sa akin na hindi maging kami. Hindi okay. Hindi ko tanggap na hindi kami pwede ng ideal guy ko. At sa puntong ito, I won’t settle for any other options. Gusto ko si Backseat--- wala nang iba. Pero yun nga, hindi nga pwede.
At oo na, hindi madali. Hindi totoong keri lang sa akin ang lahat. Hindi keri sa akin. Ayoko lang na bigyan pa ng problema ang mga tao sa paligid ko. Ayoko lang na bigyan ko pa ang sarili ko ng iisipin. Ayokong matawag na naman akong tanga. Ayoko nang umiyak. Ayoko na siyang problemahin.


Ewan ko. Hindi ko na alam. Bahala na.

1 Comments:

  • anything else about your lovelife that you haven't mentioned?!

    By Anonymous Anonymous, at 1:39 AM  

Post a Comment

<< Home