ang blog ng BALIW na MAY SENSE...

Friday, April 01, 2005

SUMMER na!

Woah!
Finally. Nakapanood na rin ako ng sine after a VERY long time. At, aba, kung ano pa yung bukambibig kong movie na gusto kong panoorin, ‘yun pa ang pinanood namin. Ms Congeniality 2.
Sabi ng stylist ni Gracey Hart (Sandra Bullock):
“People care about people who care about themselves…”
Hmm…sa dulo ng movie, dinismiss ni Hart ang thought na ito. Na this is not necessarily true. Pero para sa akin, pareho lang ‘to dun sa palaging sinasabi sa akin na mahalin ko muna ang sarili ko para mahalin din ako ng iba, diba?
Napaisip lang ako. Napansin ko lang kasi na wala nang masyadong impact sa akin yung line na yun. 2 things: it’s either I don’t care about myself and if people care about me, or I’ve realized that people do care about me because I already know how to care for myself.
Ewan.


***
Click pala yung kasama ko kahapon. Click. Yung barkada ko. Iba talaga yung feeling kapag kasama ko sila. Iba yung saya. Iba yung excitement. Siguro kasi nakakatuwang isipin na we’ve grown together from being perky adolescents to still perky but mature adults. Hahaha. Wala nang impre-impression at status na kailangang I-maintain sa amin. Kilala na namin ang isa’t isa. Wala na nang nagkakaasaran e. Kasi ultimo ata yung mga ayaw namin sa isa’t isa, yung mga kagaguhan ng isa’t isa, tanggap na namin. Pero kung sabagay, compared to other people our age, to other barkada our age for that matter, mababait kaming mga bata. We drink, some of us smokes (not me!), mahilig kami sa gimiks, umuuwi kami sa gabi--- may mga kagaguhan din kami, pero kung ikukumpara n’yo kami sa iba, o yung mga ginagawa namin sa ginagawa ng iba, you might say we’re very tamed and boring.
Okay lang. May sarili naman kaming mundo e. At masaya kami na ganito kami.

***
Kahapon, ang aming main agenda: MAGPUNTA NG KISAY. Ang tagal naming hindi pumunta doon nang magkakasama. At yung huling punta namin, gabi pa. Foundation day kasi noon.
Ang tagal din namin dun. Ang dami naming nakausap na teachers, naikot na buildings. Nakakamiss ang high school sobra! Wala na kaming nasambit. Puro buntong hininga.
Kinakabahan ako noong una. Kasi baka kapag nakita na naman ako ng mga teachers dun, ang itatanong nila sa akin e, “O Diane, bakit tumaba ka?”
Pero walang nagtanong sa akin ng ganun. In fact, sinabihan pa kamo kami na gumaganda kami (O baka dahil katabi ko lang si Nikki nun).
Ang nakakainis, dalawa lang ang prevailing questions sa akin ng lahat ng tao:
1 May boyfriend ka na? (may follow-up pa ‘yan na “Nakailang boyfriend ka na?)
2 O, kayo na ba/pa ba ni Kessy?
Syempre, pa-smile lang ang iskema ni puta. Pero iritang-irita na ako. Hindi pa rin nagbabago ang tanong ng mga tao. Lovelife pa rin. Potah. Yun lang ba ang esensyal na bagay sa mundo? Kailangan ba talaga kapag nag-college ka na ay magkakaboyfriend ka na? Kung kelan naman hindi ko isinasama sa agenda ko ‘yang lovelife na ‘yan, tsaka naman may kung anong pwersang nagko-conspire para mapaisip ulit ako.
Well anyway, ang dami nang pinagbago ng Kisay. Pakiramdam tuloy namin ang tanda na namin. Parang kailan lang, naglalaro kami a labas ng classroom tapos may dadaan na alumni sa harapan namin. Tapos sasabihin namin, “Wow, mga alumni, tignan mo o, college na sila!”.
Pakiramdam namin ganun din ang sinasabi ng mga Xientians nung dumadaan kami kahapon.


***
Napag-usapan namin ang aming summer escapade kahapon. As usual, pahirapan na naman sa pag-set ng date…pero lahat naman kami ay agree na kailangang matuloy ito.
Nakakagulat lang ang napag-usapan kahapon. May mga isasama na palang “friends” ang iba kong mga kabarkada.
Potah.
Wala pa akong isasama!!!
Well…meron naman talaga akong gustong isama--- pero…
Huhuhuhu…mukhang malabo ‘yun.
Bkit ba ganito?!? Mahabaging Diyos, saang lupalop ako ng mundo kukuha ng “friend” in less than one month?
Huhuhuhu…e meron nga akong gustong isama e! Miss na miss ko na nga siya e! Pero…
Potah. Stress…

***
Summer. Summer na! I have exactly 1 week and 3 days of April para namnamin ang pahinga. Pagkatapos nun, balik aral at trabaho (sana!) ako.
Haggard.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home